Chapter 1- Bullshit, nagkatotoo yung iniisip ko kanina

38 0 0
                                    

“Dusk, makinig ka nga!”

Bigla akong sinigawan ng partner ko. Hindi kasi ako nakikinig sa mga sinasabi nya. Pano ba naman eh bored na ako. I want to sleep. “oo na oo na.” sagot ko na lang sa kanya.

“ang new task natin ay sundan ang anak ng mokong na yun. Tapos—“

“I get it okay? Kakaibiganin ko yung babae,kukunin ko ang trust nya hanggang sa patambayin nya ako dun sa bahay nila. Tapos kukunin ko yung mga disks and then papatayin ko na sya.”

“nakikinig ka naman pala eh. Umimik ka kasi!”

“tsk. Ge alis na ako. Kita nalang tayo in 3 days.”

Tumayo na ako sa pagkaka-upo ko sa wooden chair na nasa gilid ng coffee table. Kinuha ko ang jacket ko na nakasabit sa may pintuan, at agad nang umalis ng office. Habang naglalakad ako, bulungan ng bulungan ang ibang employees at agents sa loob ng Division, at sure akong ako ang pinag-uusapan nila. Ganito kasi yon: Apat na taon na akong nasa serbisyo, at lahat ng assignments ko ay 100% success. Tapos biglang pumalpak ang assignment ko nung isang lingo lang. hay bahala na nga.

Pagkalabas ko ng building, may napansin akong dalawang tao na naka-upo sa bench sa may fountain. Ang sweet nila, at nagtatawanan at kulitan. What more can I say? Well.. BITCHES PLEASE. Sumasakit ang mata ko pag nakakakita ako ng mga ganyan. Kahit saan naglalandian? Huy, magb-break din kayo. Wag nyo masyadong dibdibin.

“Kuya, kuya pengeng pera!”

Habang nabusy ako kakatingin ng masama dun sa dalawa, hindi ko namalayan na may lumapit pa lang batang babaeng pulubi sa akin at nanghihingi pa ng pera. Sigh.

“wala akong barya.”

“kuya ang damot mo naman!”

“dun ka humingi sa nanay mo, kung magtrabaho ka kaya? Ambata-bata  sobrang tamad!”

“eh wala ngang pera yun eh! Manghihingi ba ako sayo kung may pera yun? Tsaka, wala pa ako sa legal age! Wala akong mahanap na trabaho! Hindi ba yan obvious sayo kuya?”

“edi dun ka sa tatay mo! Wag mokong guluhin itatapon kita sa dagat!”

“wala akong tatay! Malandi nanay ko eh, ayun lumabas kaming sampu! Walang tatay. Atsaka kuya naman. KUNG AYAW MONG MANGBIGAY EDI SABIHIN MO!! MADAMOT! PWE!”

At tumakbo na nga yung bata palayo. “aba.. hoy!” an aga-aga nababadtrip na ako. Bakit ba andaming mga engot dito?maka-alis na nga.kainis.nasasayang lang ang oras ko.

-------------------------------

Nagpalamig ako sa loob ng mall at tumingin-tingin sa mga stalls. Nang mabili ko na yung mga gusto kong bilhin, nagpasya na akong kumain ng lunch since malapit nang mag 12 noon. Lumabas na ako ng mall, naglakad ng ilang minuto at pumasok ako sa Tokyo Tokyo at naghanap ng table na bakante. Nang maka-upo na ako, dali-dali na akong umorder.

“Isang order ng California Maki, Chicken Bento, Pork ramen at Iced Tea.”

“please wait for 10 minutes sir.”

Umalis na yung waitress na kumuha ng order ko. Habang naghihintay, tumingin-tingin nalang ako sa paligid. Ano kayang mangyayari kung biglang may mang-holdap dito? siguro aatakihin ng sakit sa puso yung matabang yun. Haha kain ng kain muka nang baboy! At yung babaeng yun, magtititili at iiyak ng sobra na parang tanga. Aba nakakatawa sigurong tingnan yang mga muka nila. Mga mas masahol pa sa lobo kung makapag backbite sa iba, tapos tututukan lang ng baril, mas maamo pa sa tupa. Tsk tsk, mga tao talaga ngayon.

“HOLDAP ‘TO!!  WALANG GAGALAW!!”

“AAAHH HOLDUPPERS! Maawa na kayo wag nyo kaming patayin! Please!”

Agent LovelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon