Chapter 3 - Alam ko namang disguise mo lang yan eh

8 0 0
                                    

“That’s all for today folks, class dismiss.”

Umalis na ng classroom ang teacher namin. Tapos na ang third and last subject ko in the morning, kaya inayos ko na rin ang mga gamit ko at lumabas na ng room. Nilagay ko ang earphones ko sa tenga ko at nagsoundtrip habang papunta sa cafeteria. Habang andito ako sa hallway, eh napapansin ko talagang tingin ng tingin sa akin ang ibang estudyante. May narinig pa akong nagsabing “hoy 21st century na.haha” alam ko gagu! Kaya ayoko talaga nung Idea ni Eunice eh, nakaka-badtrip lang.tsk.

“Dusk!”

Biglang may tumapik sa balikat ko. Tinanggal ko ang earphones sa tenga ko “oh ikaw nanaman?” nakangiti nanaman sya sakin. Nakasuot sya ng black t-shirt, white skinny jeans at black na vans. She looks so simple, hindi kagaya ng ibang female students dito parang nagfafanshion show. And she wears no make-up! Wow may mga babae pa palang ganito? Yung may natural beauty. Luh, kung anu-ano na pinagsasabi ko. “ansama! Uy, sabay tayo maglunch?” bigla nya akong niyayang sumama sa kanya “thanks but no thanks, may kasama na kasi akong maglunch.” Sabi ko naman sa kanya.

“ganun?edi ako nalang ang sasama sayo!”

“wala ka bang friends dito?”

“meron! Kaso absent sila ngayon eh. Bukas pa daw sila papasok.”

“oh.. sige na nga. Wag ka lang makulit.”

“really?thanks!”

Kinurot nya yung cheek ko, pero mahina lang. natulala ako sandali, tapos nagpatuloy na din sa paglakad. Nakasunod lang sya sa likod ko. Habang papunta kami ng cafeteria which is on the first floor, salita sya ng salita ng kung anu-ano. Ang ingay nya! Pheeww kung wala lang talaga akong kailangan sa baliw na ‘to, matagal ko na tong tinapos eh. “uy nakikinig ka ba?” bigla nya akong inakbayan. “hindi. Ingay mo.” Nag-pout sya bigla at nagpatuloy parin sa pagsasalita.

“Psst! Dusk, dito.”

Ayun si Eunice, naka-upo na sa isang table. Nakarating na nga pala kami sa cafeteria, at naglakad na papunta kay Nice. Papunta pa lang kami sa table namin, pinagtitinginan na ako ng ibang students. Tinitingnan nila ako up and down. Futaaaa

“Summer! Halika dito tayo sa table namin!” biglang may tumawag at nagyaya kay Miss Del Valle. “dito na lang Sum!libre ka namin ng lunch?” tapos may isa nanamang kumaway sa kanya. Sikat pala ‘to dito? “Sum wag kang sumama jan, look, he’s so weird!” may bumulong kay Miss Del Valle sa malapit na table.

“sorry guys, pass muna!” sabi nya sa mga nagyaya sa kanya.

“Miss Del Valle, kung di ka pa pupunta dito kakaladkarin kita.” Naka-upo na ako sa tabi ni Nice, pero sya andun nakatayo parin. “ah sorry!hehe Summer na lang tawag mo sakin.” Na-upo na din sya , magkatabi sila ni Nice so bale nasa gitna si Eunice. “ayoko.”

*pak!*

Sinapak nanaman ako ni Nice sa ulo. “ano ka ba! Don’t be rude to her!” sinigawan nya ako, habang naka-cross yung arms nya. “ikaw si Summer Del Valle di ba?” nilingon nya si Summer, at tumango lang sya “ako si Eunice Andrade, nice to meet you!” tapos nagshake-hands silang dalawa. pagkatapos ng ilang introductions blah blah, bumili na kami ng pagkain at nagsimula nang kumain. “so, bakit kayo nagtransfer dito?” biglang tanong ni Summer.

“ah.. ano..”

“ang gustong sabihin ni Dusk eh home schooled sya since birth! Pati ako rin.hehe”

“talaga Nice? Woah ang boring naman nyan!”

“mas okay nay un, wala ka kasi dun. Ingay mo eh.”

Sabi ko habang kumakain ng burger. Biglang sinuntok ni Nice ang balikat ko “ug.. *cough* *cough*..t-tubig!!” bumara yung burger sa lalamunan ko! Shemay talaga oh! “eto inumin mo bilis!” inabot ni Summer saken ang bottled water na binili nya. Nang malunok ko na yung pagkain.. “ano ka ba?! Gusto mokong patayin?!!” sinigawan ko si Nice, sya naman subo lang ng subo ng sundae “buti nga sayo. Umayos ka kasi.” Sumubo nanaman sya ng sundae. Kinuha nya yung phone nya at nagtext. Maya-maya pa ay nagvibrate ang phone ko. Nilabas ko ang phone ko at binasa ang text:

Agent LovelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon