Mahimbing na natutulog ang dalawang mag-kakapatid ng biglang may umistorbo sa kanila.
~Josh (POV)~
Makukuha ko na sana ang isang bagay na dapat kung kunin. Hindi ko alam kung bakit kailangan kung kunin ito at bakit ito ay napaka importante ng biglang..
"Josh.."
"Josh...."
"John??"Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang aking lolo.
"Bakit po lo?" Tanong ko kay lolo.
"Gumising na kayu mga apo ko, may lakad tayung tatlo. Tugon ni lolo.
At nakita ko si kuya John na bumangon.
"Tayung tatlo? At saan naman lo?" Pagtatakang tanong ni kuya John.
"Sa may Roast Bay, manghuhuli tayu ng isda." Lolo.
"Ha? Bakit naman tayu manghuhuli ng isda lo? Eh pwede naman tayung bumili sa palengke?" John.
"Eh para ma aliw tayu, matagal ko kayung hindi nakita kaya gusto kung mag gugul nang oras kasama nyo'" At ngumiti si lolo.
"Oo nga lolo, matagal na nga tayung hindi nagkasama. Namis ka talaga namin ni kuya, lolo." Masayang sabi ko.
"O sige na, kumain muna tayu sa ibaba, may hinain na ang inyung ina sa lamesa. Iniintay na nila tayu." Tugon ni lolo sa amin.
"Sige po lolo, susunod lang kami ni kuya." Sabi ko kay lolo.
At lumakad na si lolo patungo sa pintuan at siya ay lumabas na.
"Josh.." Bulong ni kuya sa akin.
"Ha? Ano yun kuya?" Pagtatakang tanong ko.
"Natapos nyu ba ang istorya kagabi?" John.
"Hindi kuya eh." Sagot ko sa kanya.
"Ahh buti naman." John.
"Eh bakit ba kuya?" Tanong ko sa kanya.
"Eh.. wala lang, nakatulog kasi ako. Gusto ko sanang malaman kung ano ang nangyare sa istorya ni lolo." Sabi niya sa akin.
"Ako rin kuya eh, pero hindi pa niya tinapos kasi inaantok na ako eh at ikaw ay nakatulog na." Sagot ko kay kuya.
"Ahh-"
"Josh!!, John!! Ano ba ang hinihintay ninyu?" Sigaw ni daddy sa amin galing sa ibaba.
"Nandyan na dad!" Sigaw ni kuya.
At kami'y bumaba sa hagdan at agad naming nakita sila mommy, daddy, at lolo sa lamesa na puno ng mga pagkain.
Nakakagutom ang linuto ni mommy, merong pansit, adobo, at isda.
"Halina kayu anak, maghugas muna kayu ng kamay ninyu at umopo na kayu." Tugon ni mommy sa amin
Kamiy umou at pumunta sa kusina, pagkatapos naming maghugas ng kamay ay pumunta ka agad kami sa hapagkainan.
Habang ako'y kumakain ay pinakikingan ko sila sa kanilang mga istorya. Napaka saya kapag salo-salo kumain.
Pagkatapos naming kumain ay tinulongan ko si nanay na magligpit sa mga pinggan.
Pagkatapos ay kami ni kuya at lolo ay naghanda para sa aming lakad.
"Samahan ninyu ako mga apo ko." Tugon ni lolo sa amin.
Kami'y sumunod at kami'y pumunta sa isang attic. Kinuha ni lolo ang isang pamingwit at iba pang mga gamit.
Kamiy lumabas at nag rekax muna sa sala. Inayus ni lolo ang kanyang truck na aming gagamitin. Habang kamiy nag relax ay tinignan ko ang aking relo.
"10:14 AM"
Ang sabi ni lolo ay 11:00 daw kami pupunta pero pupunta muna kami sa isang grocery store para bumili ng mga snacks.
"Josh, mamaya pa tayu makaka lakad." Sabi ni kuya John sa akin.
"At bakit naman kuya?" Pagtatakang tanong ko sa kanya.
"Kasi na sira ang truck ni lolo." John.
"Eh, ano na ang gagawin natin kuya?" Tanong ko sa kanya.
"Maghintay.. ina-ayos na nila tatay ang truck ni lolo kaya maghintay nalang tayu." Tugon ni kuya sa akin.
"Ah.. sige kuya."
Kami ni kuya ay nanood na lang muna ng telebisyon para ma aliw.
-1:31 PM-
At sa wakas ay naayos na rin ang truck ni lolo at matutuloy narin ang lakad namin. Kami ay pumunta sa isang grocery store at bumili ng mga snacks kung sakaling dalawin ng gutom.
Pagkatapos ay sumakay na kami sa truck ni lolo.
"Medyo malayu-layu pa ang distinasyun natin." Sabi ni lolo.
"Gano kalayu lo?" Tanong ni kuya kay lolo.
"Isang oras galing dito." Sagot ni lolo.
"Ahh sige lo." Sabi ni kuya.
At kami ay nagpatuloy sa aming biyahe.
BINABASA MO ANG
Salamin [Discontinued]
FantasyDalawang matalik na kaibigan ay may natuklasang isang mahiwagang "Salamin". Ating subaybayan ang kanilang istorya sa pagharap at pagtuklas ng sekreto nitong salamin. Marami pa silang hindi nalalaman sa lugar na kanilang binisita.