~John (POV)~
Ilang oras ang lumipas at kami ay nakarating sa aming distinasyun. Ako'y lumingon sa gilid ko at nakita ko si Josh na natutulog. Hindi ko napansin na nakatulog pala si Josh.
Agad ko siyang ginising at gumising naman siya.
"Bumaba na kayu at sumunod sa akin, may pupuntahan muna tayo." Tugon ni lolo.
"Sige po lolo." At kami'y bumaba sa sasakyan.
Napaka sariwa ng simoy ng hangin, at maririnig mo ang paghampas ng alon sa mga bato. Talagang nakakabighani ang lugar nato.
Kami ay sumunod kay lolo at agad kong nakita ang isang itim na signboard na may nakalagay na "Roast Bay".
Pagkatapos ay may nakita akong isang bahay at parang dun kami pupunta.
Ito ay isang simpleng bahay lamang pero ito'y malaki, pwede na ito sa isang malaking pamilya.
At kami nga ay pumunta sa bahay.
"Ba't tayuy pumunta sa bahay na to lo? May kilala kaba dito?" Tanong ni Josh kay lolo.
Si lolo ay umou lang.
"Sino naman lo?" Tanong ko rin kay lolo.
"Isang dating kaibigan." Sagot ni lolo.
At kumatok si lolo sa pintuan. Kami ay nag hintay kung mayroong sasagot, ng may narinig kami sa pintuan, at ito'y bumukas.
Nakita ko ang isang babae, medyo matanda siya na parang meron ng anak.
"Ano po yun?" Tanong ng babae.
"Nandyan ba siya?" Tanong ni lolo sa babae.
"Ahh eh, sino po sila?" Pagtatakang tanong ng babae.
"Ako si Hexter, at ito ang mga apo ko." Sagot ni lolo.
At umou ang babae. "Ahh kayu pala yung dadating, sige po pasok po kayu." Tugon ng babae.
At kami'y pumasok sa bahay. Pag pasok namin ay pinaupo kami sa sofa at binigyan ng juice.
"Baba-ba napo siya mamaya." Sabi ng babae sa amin at pumunta na sa kusina.
At umou lang si lolo, habang ako at si Josh ay umiinom ng juice.
Ilang minuto ang lumipas at may isang matandang lalake ang bumaba galing sa hagdan.
Tumayo si lolo at binati ito.
"Ahh ang tagal na nating hindi nagkita Ryan." bati ni lolo sa kanya.
"Oo nga, i'ts been 25 years na hindi tayo nag kita." Bati rin niya kay lolo.
"Bakit ba dito ka parin naninirahan?" Tanong ni lolo sa kanya.
"Hindi ko kasi pwedeng iwan to, sa mga magulang ko tong bahay." Sabi ni Ryan.
"Ah oo nga.."
"At mga apo mo ba yan?" Sabay turo sa aming dalawa.
"Ahh oo, yan si Josh at John." Sagot ni lolo.
"Hex, nakikita ko kayo sa pamamagitan nila, para bang nakatadhana." Sabay titig sa amin.
"Oo nga eh." Sabi ni lolo.
"Nasabi mo naba sa kanila?" Tanong niya kay lolo.
"Ryan, mamaya na natin pag-usapan yan, lalabas pa tayu para mamingwit hahaha." Biro ni lolo.
At umou si Ryan at kami'y lumabas na.
Tinitigan ko si Josh at yun rin ang ginawa niya.
"Wala akong naiintindihan." Bulong ni Josh sa akin.
"Ako rin, ano kaya ang sinasabi ng matandang iyon." Pabulong kong sabi.
"Bahala na, mamaya nalang natin tanungin si lolo pag-uwi natin ng bahay, ayaw kung masira ang araw natin ng dahil sa kakatanung." Sabi ni Josh.
At ako'y umou at kami'y sumunod sa labas.
Kinuha namin ang aming mga gamit sa sasakyan at kami ay humanap ng pwesto.
Ng kami ay nakahanap na ay nag ayos, inilagay namain ang mga silya at inihanda namin ang aming mga paon, pati na rin ang isang net.
Kami ay masayang namingwit, nakahuli ako ng apat na isda at si Josh ay dalawa lang. Nakahuli naman si lolo ng walong isda at si Ryan naman ay pitong isda.
Ng malapit na gumabi ay napag desisyunan na naming tapusin na ang pamimingwit. Inim-bitahan kami ni Ryan na kumain sa kanyang bahay.
"Dito nalang kayu kumain ng hapunan." Sabi ni Ryan.
"Salamat nalang Ryan pero uuwi na kami kasi malapit na dumilim, hinahanap na rin ang mga apo ko sa mga magulang niya." Sagot ni lolo.
"Ah sige, kung yan ang desisyun mo. May gusto muna sana akong sabihin sayu."
Lumingon si lolo sa amin at sinabi-
"Sige, mauna muna kayu sa sasakyan John at may pag-uusapan lang kami ng kaibigan ko." Tugon ni lolo at kami ay pumunta na sa sasakyan.
Kami ay naghintay sa loob ng sasakyan at lumipas ang Ilang minuto at dumating na si lolo, tinignan niya muna kami at ipinaayos ang aming seatbelt.
Pagkatapos ay ipina-andar niya ang sasakyan at kami ay umalis na.
BINABASA MO ANG
Salamin [Discontinued]
FantasyDalawang matalik na kaibigan ay may natuklasang isang mahiwagang "Salamin". Ating subaybayan ang kanilang istorya sa pagharap at pagtuklas ng sekreto nitong salamin. Marami pa silang hindi nalalaman sa lugar na kanilang binisita.