1. Bakasyon

43 6 2
                                    

April 2017
1:03 PM

"Bilisan mo! Ang bagal mo naman Josh, kanina kapa namin ni mommy at daddy hinihintay." Sigaw ni John.

~Josh (POV)~
"Nandyan na" Sagot ko sa kanya.

Tapos ako'y bumaba na sa hagdan at lumabas sa bahay. Dala-dala ko ang aking bag at iba pang mga gamit, dahil sa bahay ni Lolo kami mag babakasyon. Matagal na kasi namin hindi na bisita si lolo.

Agad akong tumakbo patungo sa aming sasakyan kung saan nag-hihintay sila mommy, daddy, at kuya sa akin.

"Sumakay kana Josh, pupunta pa tayo ng mall para bumili ng regalo para kay lolo nyo." Utos ni mommy sa akin.

Una, inayos ko muna ang mga gamit ko at inilagay ko sa likuran, pagkatapos ay sumakay na ako.

Katabi ko ang aking kuya na nag lalaro ng cellphone. Nasa frontseat naman si daddy at nasa driverseat si mommy, si mommy ang nag mamaneho ngayun kasi pagod si daddy.

Ng umandar na ang aming sinasakyan binuksan ko ang bintana ko para maka hagip ng sariwang hangin.

Ilang sandali ay nasa parking lot ng mall na kami. Bumili kami ng regalo ni lolo at kamiy nag patuloy sa aming byahe.

Malayo ang bahay nila lolo, si lola ay wala na. Bata palang si mommy ay wala na si lola, hindi ko alam kung bakit kasi hindi ko tinatanong sa mommy ko.

Labing anim na taong gulang na ako pero gusto ko paring makinig sa mga istorya ni lolo. Nakaka-mangha kasi ang mga istorya nya, pati nga si kuya gusto ring makinig kay lolo.

"Excited na ako sa mga istorya ni lolo!" Sigaw ko.

At tumingin si kuya sakin at ngumiti, si nanay rin tumingin sa salamin at ngumiti. Si tatay nakatulog na pala.

Ilang oras rin ang aming byahe at dahil sa sariwa at malamig na hangin ay akoy na-relax, pinikit ko ang aking mga mata para ma ramdaman ko ang hangin.

LUMIPAS ANG ILANG ORAS.

Nang may umisturbo sa akin.

"Josh.."
"Josh..!"

Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko si kuya.

"Nakatulog pala ako?" Tanong ko sa kanya.

"Oo mga apat na oras kang nakatulog" Sagot nya.

Hindi ako makapaniwala na nakatulog pala ako. Tinignan ko ang Driverseat at ang Frontseat.

"Nasan sina mommy at daddy?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Nasa loob sila" Sabay turo sa bahay na nasa labas.

Parang pamilyar sakin ang bahay nayun ah... Oo nga.., bahay yan ni lolo.

"Kunin mo na ang mga gamit mo at ipasok mo sa bahay." Utos nya sa akin.

At ako'y lumabas at kinuha ko ang mga gamit ko sa likod ng sasakyan. At kamiy pumunta sa bahay.

Nakita ko ka agad ang isang ka wili-wiling matanda na nakasout ang kanyang ngiti.

"Mano po lolo" Kinuha ko ang kanyang kamay at akoy nag mano.

Pati rin si kuya nag mano rin kay lolo.

"Ang tagal na nating hindi nagkita mga apo ko Josh at John." At syay ngumiti sa amin.

"Kamusta ka na po lolo?" Tanong ni kuya kay lolo.

"Okay lang naman apo ko, marami akong gustong sabihin sa inyo." Sambat ni lolo.

Sa sinabi nyang iyon, alam ko na kaagad na magiging masaya ang boung bakasyon ko dito.

"Halina kaayu, mamaya na tayo mag-usap, dumidilim na ang paligid"

Tinignan ko ang aking relo at 5:58 na, hindi ko namalayan ang paligid at ang oras.

Kamiy pumasok at tinulongan kami ni lolo papunta sa aming kwarto, inilagay namin ang aming mga gamit at kamiy pumunta sa sala.

Nakita ko sila lolo, mommy, at daddy na nag-uusap sa kusina. Bakas sa mukha ni lolo na sobrang saya nya dahil miss na miss nya na kami at dahil sya lang naman isa ang nakatira dito.

Pag patak ng alas syete ay kumain na kami, nag-usap, nagtawanan at nabusog.

Ako at si kuya naman ang naglinis ng lamesa at nag hugas ng mga pinggan, at pagkatapos ay nag relax kaming lahat sa sala.

Ng alas nwebe na ng gabi ay nag paalam na sina mommy at daddy na matulog at kami nalang ni kuya at lolo ang nasa sala.

"Diyan lang kayo, may kukunin lang ako." Tugon ni lolo sa amin.

At ng mga ilang minuto ay may bit-bit syang isang maliit na bato.

"Ano po yan lo?" Tanong ni kuya sa kanya.

"Eto ay isang regalong natangap ko at ng aking matalik na kaibigan sa aming pag lalakbay." Sagot ni lolo.

"Saan po ba kayu nag-lakbay?" Tanong ko kay lolo.

"Malalama nyu rin, gusto nyu na bang umpisahan ang istorya?" Tanong nya sa amin.

Umuo lang kami ni kuya dahil sa sobrang excited.

"Nag simula ang lahat noong 1954 sa isang abandonadong bahay, kasama ko ang aking matalik na kaibigan. Ng nakita namin ang isang malaking 'SALAMIN' ."

Salamin [Discontinued]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon