Notes from her heart

48 3 2
                                    

Ito na ang pinakamasayang araw sa tanang buhay ko.

Tsk. Sa sobrang saya napapasalita ako na parang contestant ng buwan ng wika.

Nalungkot ako. Nalungkot nung inakala kong nawala na ang tsansa kong masabi sa kanyang mahal ko sya. Mahal na mahal.

Akala ko hanggang dun nalang. Hanggang dun nalang matatapos ang lahat. Potek, ang drama.

Pero buti nalang hindi ako natiis ni Calvin. Hihi. Mahal nya ako eh. Ayih!

Pagkatapos nung...

Alam nyo na yun! Hindi ko na sasabihin pa ulit para hindi kayo mainggit. Haha.

Ay, whatever!

Pagkatapos nung halik, ipinagtapat nya ang mga noo namin.

“Mahal kita...” mariing bulong nya.

Litsi. Nanginginig ako. Hindi lang dahil sa kinikilig ako. Ang lamig rin kaya! Basang basa na kami.

Pero maasar nga to. Pinag alala nya ako, bawi bawi lang. Hihi

“Weh? ‘Di nga?”

Bigla naman syang napanganga at lumaki pa ng konti ang mga mata nya na para hindi sya makapaniwala sa narinig nya. Inilayo nya rin ng konti ang mukha nya tapos nangunot ang noo nya.

OA, I know pero totoo.

“Ahh, ganun?” sabi nya sabay taas ng kilay.

Haha. Kumagat ang loko. Lokong mahal na mahal ko. Hihi

“Pagkatapos kong sundan ka at aminin sayong mahal kita, ganun lang isasagot mo?”

Inis na sya. Pikon din talaga tong isang to.

“Nagpaulan pa ako tapos...” Inis na talaga sya. HOLO! (0o0”) Camera, doy! Peram, dali! “Akala ko ba naniniwala ka na? Kulang pa ata yung kanta...Aish!” Ginulo-gulo nya ang buhok nya.

Bigla ko syang hinila papalapit sakin. Pero di gaya ng iniisip nyo. Yung kwelyo ng damit nya ang hinila ko.

*TSUP!*

“Hatid mo na ako. Ang lamig lamig na.”

Notes from her heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon