Note #2

30 1 0
                                    

Note #2 

*TIT-TIT! TIT-TIT! TIT-TIT! TIT-TIT!*

*One Message Received*

Shet!

Kung maka tibok naman tong puso ko kala mo kung huling tibok nya na kaya nilalasap nya na ang bawat Segundo.

Huuh! Stop freaking out, you no good heart! You’re making me freak out, too!

Pustahan tayo, hindi sya ang nagtext kaya wag kang excited!

Malay mo mga kaklase mo lang yan. Nag GM lang na walang klase sa major.

O baka naman GM lang na hindi papasok si ma’am kaya nagiwan ng assignment para naman may magawa kami.

O baka naman GM lang na biglang nagkaroon ng emergency meeting ang faculty members ng College namin at hindi nagpapapasok si Kuya janitor kaya walang klase.

O baka naman GM lang na biglang may nagrambulan sa harap ng entrance gate ng skul kaya walang klase para safe kaming mga estudyante.

Haayy…

Ang sabihin mo, wish mo lang na walang klase kasi kinakabahan kang harapin si Calvin. (-_-“)

Anyway, sino nga ba ang nagtext?

*Open message*

From: 8888

Ang iyong TM COMBO15 ay nagexpire na. Magsubscribe ulit para….

(-_-“) Letse.

8888 lang pala.

Sabi ko na nga ba.

O ayan! Nadisappoint ka tuloy ngaun.

Kaya naman! Wag agad agad magfreak out kung may magtetext!

Huuh!

Kaya ko to! Breathe in, breathe out.

Kaya ko to! Breathe in, breathe out.

Kaya ko to! Breathe in, breathe out.

Huuh!

*TIT-TIT! TIT-TIT! TIT-TIT! TIT-TIT!*

*One Message Received*

Ayan na naman!

Nababaliw na ang dibdib ko!

Kala mo tumakbo ako ng malayong malayo!

Huuh.

Don’t freak out.

Don’t freak out.

Notes from her heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon