Zay's POV
TAKBO yan ang mga salitang ngayo'y aming ginagawa. Tumatakbo kami ng walang humpay kahit na ang mga katawan namin ay gusto ng sumuko dahil sa kapagurang nananalaytay sa aming katawan. Lumalayo sa mga taong gusto kaming makuha at mapatay.
"A-ahhh!!" Napahinto ako ng marinig ko ang daing ng kaibigan ko. Nakasalampak sya sa lupa at hawak hawak ang binti nyang paniguradong tumama sa isang sanga o bato.
"Umalis ka na dito maabutan na nila tayo" sambit nya habang hawak pa rin ang binti nyang kumikirot sa sakit
"Ok sige bahala ka diyan" akma akong tatayo at tatakbo upang makatakas ng...
"A-ahh ano ba masakit, bakit mo ako binatukan?" nagtataka nyang tanong
"Manahimik ka nga. Tanga ka ba sa tingin mo iyang mga linyang yan ang sasabihin ko sayo sa gantong sitwasyon? Mag isip ka nga" inis kong bulong sa kanya upang hindi kami marinig ng mga humahabol sa amin.
"Nasaan na ang mga batang iyon?" Agad akong napayuko ng marinig ang boses ng isang lalaki. Agad ko silang sinilip. Hindi nila kami makita dahil Nagtatago kami ngayon sa isang medyo katabaang puno na pwedeng magkasya ang dalawang tao.
"Boss bigla na lang nawala eh" pagkamot sa batok ng isa pang lalaki
"Punyeta!!! Bata lang naisahan pa kayo? Mga walang kwenta! Kapag tayo sinumbong ng mga batang iyon humanda kayo sa mas mataas pa sakin!"
"Imposible yan" napatingin ako sa isa pang nagsalita at medyo napaatras ako sa gulat ng makilala ang suot suot nya. Lumikha ito ng kaunting ingay upang mapadako ang tingin Nila sa kinalulugaran namin.
Patay!
Agad akong nagtago at sumandal sa puno. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa kaba. Naririnig ko na ang yapak ng mga paa nya na umaapak sa mga dahong nakakalat sa lupa. Palapit na sya ng palapit at nababalot na ng kaba ang puso ko at panay ang pagtibok nito. Pumikit na lamang ako at handa ng----
"ZAY ALFONSO!!!" Agad akong napadilat na ramdam ang pawis sa aking balat at habol ko ang hiningang tumingin sa guro kong ngayo'y nasa harap ko na. Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha mula sa nakakunot na noo na ngayo'y bakas ang pag-aalala.
"Are you okay Mr. Alfonso?" Tanong ng aming guro na hinawakan ang aking braso
"Y-yes ma'am" habol ko pa rin ang aking hininga.
Ang panaginip na iyon
"Looks like you're lying. Just go to the clinic and take some rest. I don't like anyone sleeping during my class" agad syang tumalikod at naglakad papunta sa harapan. Agad akong tumayo at hindi na lamang nagprotesta.
Pagkalabas ko ng classroom dumiretso ako sa garden at duon na lang nagdesisyong magpahinga. Hindi naman siguro ito tatawaging cutting class since sinabi naman ni maam na magpahinga ako.
"Wow! Clinic na pala ito hahaha astig!" Hindi na ako nagtangka pang titigan ang taong iyon dahil kilala ko naman ang boses nya.
"What are you doing here?" Tanong ko kay yuo
"Eh ikaw anong ginagawa mo dito? Sabi ni maam sa clinic daw hindi sa garden, ikaw ha nagcucutting class ka"
"Answer me first before i tell you"
"Aish... sabi kase ni maam sundan kita baka daw nahimatay ka na sa daan"
"Don't fool me Yuo, i know that's not the reason"
BINABASA MO ANG
Free-Tend
RomanceDo you think it is all a COINCIDENCE? Well you're wrong... It's destined to happened... It's already written... Every scene... Every piece... Everything are all connected...