Mino's POV
Matapos ng mahaba habang byahe nakarating na din kami sa baguio. At syempre buong byahe natulog lang ako kaya sobra sobra ang pagsesermon sa akin ni kira dahil ginawa ko daw syang unan hanggang makarating kami sa destinasyon.
"Akala mo naman napagaan ng ulo mo, di mo ba alam na nakakangawit ang magstay sa isang pwesto" inirapan nya pa ako sabay alis.
Napakamot na lang ako sa ulo habang naglalakad papunta sa room na nakaassign sa akin.
Meron na naman siguro yun.
Tinignan ko yung papel na binigay sa amin ng aming adviser. Nakalagay dito yung assign room namin.
Room 548
woah! Ang dami naman palang room dito sa isang hotel sa baguio.
Kasya kaya kaming lahat na estudyante dito sa hotel na ito? Tsaka saan ba kami magteteam building?
Mamaya ko na nga isipin iyon. Oorient naman siguro kami ng mga staff sa school. Saka meron naman siguro kaming place na pagteteambuildingan.
Prepared naman ang school dito kaya huwag ko na lang problemahin.
Pumunta ako sa front desk at binigay sa kanila yung papel kung saan nakalagay yung room no. Ko
"Ma'am meron na pong kumuha ng susi duon kaya maari na po kayong magproceed sa room no. Nyo" inabot nya sa akin ang papel na binigay ko.
napatigil ako sa pagkuha nung papel at saka ko narealize ang sinabi nya.
Hala! Mukha ba akong babae?!
"Excuse me po, pero alam nyo po ba kung saang school ako?" Hindi ko muna kinuha ang papel na binigay nya at tinanong sya.
Medyo nagtaka pa sya habang binabasa yung mga sinulat ko.
"Yes ma'am, it's Moonstone Academy"napapikit ako at narinig ko na naman ang word na yun.
Naku! Ateng nasa front desk ang ingay mo huhuhu. Baka may makarinig sayo.
Naghintay sya sunod kong isusulat.
"At alam nyo din po ba kung sino sino ang mga estudyante doon?""Yes ma---"hindi ko na sya pinatapos pa. umisa pa sya eh. Baka mamaya may makarinig na talaga. Huhuhu... sorry ateng pero kailangan ko munang magpretend.
Nagsign ako na stop para tumigil sya sa pagsasalita.
"Didn't you know that i'm a student in that school?" Hala ayan na nakapag-english na ako.
"I-i'm s-sorry m-ma... i-i mean s-sir i thought your a staffwoman or a teacher in that school i-i'm sorry sir!"panay ang yuko nya at paghingi ng tawad sa akin.
"Give me the paper"nilahad ko na lang ang kamay ko sa harapan nya.
"P-po?" Takang tanong nya
"I said give me the one you're holding!" Taranta syang binigay ang hawak nyang papel na kanina ay hindi ko kinuha.
Naglakad na ako paalis sa front desk at narinig ko pa ang sinabi nya.
"Akala ko talaga babae yun, baby face kase."
Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis o matuwa sa sinabi nung babae.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at hinanap na lang yung room no. Ko
BINABASA MO ANG
Free-Tend
RomanceDo you think it is all a COINCIDENCE? Well you're wrong... It's destined to happened... It's already written... Every scene... Every piece... Everything are all connected...