Zay's POV
Akala namin makakaligtas na kami dahil sa pusang bigla na lang lumitaw sa kung saan pero sa kasamaang palad hindi iyon naging excuse sa pulis para ipagsawalang bahala na lamang.
"Kamusta na, sa wakas at nagkita muli tayo"ngising aso ng lalaking pulis sa amin.
Dinala nila kami sa isang warehouse na mukhang abandonado na. Itinali nila ang mga kamay at paa namin upang hindi kami makatakas.
"A-ano po bang kailangan nyo sa amin?" Ramdam ko ang takot sa boses ni yui ng banggitin iyon.
"At mukhang may nadamay pang dilag sa mga kalokohang ginawa mo" nilapit ng lalaki ang mukha nya mukha ni yui at nakangisi itong hinawakan ang baba ni yui.
"Ilayo mo yang mukha mo sa kaibigan ko!" Tinadyakan ko gamit ang kaliwa kong paa ang pinakaiingatan nyang yaman.
"P*tcha kang babae ka!!"medyo napasigaw ako sa sakit ng tumama ang kamay nya sa pisngi ko.
"Mana!!" Hindi ko makita ang mukha ni yuki dahil natumba ang upuan na kinalalagyan ko dahil sa matunog at malakas na pagkakasampal ng lalaking nasa harap namin.
"Ang tapang mo ha, tignan natin yang tapang mo" tumingin sya sa mga kasama nya at mukhang sinenyasan
nilapitan ako ng dalawang lalaki at itinayo inalis nila ako sa pagkakatali sa upuan pero nakatali pa din ang dalawa kong kamay sa likod
"Arghhh!!" Napaluhod ako sa sakit na naramdaman ko ng sinuntok nya ako sa tiyan.
"Ano matapang ka diba? Bakit hindi ka lumaban?" Hindi pa sya nakuntento at sinipa nya pa ako ng pagkalakas lakas sa tiyan kong hindi pa nakakahupa sa sakit na ginawa niya.
May kinuha sya sa bulsa nya at isang patalim ang bumungad sa akin, unti unti syang lumapit sa akin ng may nakakatakot na ngiti.
Nanlamig ang buo kong katawan ng dumampi iyon sa balat ko, ramdam ko ang panginginig ng katawan ko hindi dahil sa sakit na nararamdaman ko. Takot takot ang bumabalot ngayon sa buo kong katawan.
"Huwag... m-ma--"
"Hey wake up!" Napadilat ako at napatingin sa taong nasa tabi ko.
"B-bakit ka nandito?" Tumayo ako sa pagkakahiga ko at ramdam ko paghabol ko sa hininga ko at ang pawis na dumadaloy sa noo ko.
"You're too noisy that's why i wake you up" tumalikod na sya at bumaba ng hagdan.
Himala naman at ginising nya ako. Sa pagkakaalam ko kase kahit na anong gawin ko hindi naman sya nangingialam o kaya hinahayaan nya lang ako.
Sya yung tipo ng tao na walang pakiaalam sa paligid nya, bihira din syang magsalita kumbaga bilang lang sa kamay mo ang mga sinasabi nya.
Weird
Iyon ang defense mechanism nya, paniguradong may sikreto o maaring may nangyari sa kanya bago pa sya maging ganyan.
Inayos ko na ang higaan ko at nagready na para pumasok.
Nakakadalawang buwan pa lang kami simula ng magtransfer dito at patuloy pa rin ang pagdalaw ng bangungot sa aking panaginip. At hanggang ngayon wala pa rin akong maalala
Hindi ko talaga sila maalala lahat sila.
"Watch out!!" Hindi na agad ako nakalingon dahil naramdaman ko na ang medyo matigas at malambot na bagay sa ulo ko. Nabitawan ko ang dalawang libro at napaluhod.
Napatulala ako at may biglang pumasok sa isip ko out of the blue.
"O-oi bro okay ka lang? Gusto mo samahan kita sa clinic?" Natauhan ako bigla ng maramdamang may tumapik sa braso ko.
BINABASA MO ANG
Free-Tend
RomanceDo you think it is all a COINCIDENCE? Well you're wrong... It's destined to happened... It's already written... Every scene... Every piece... Everything are all connected...