♣FT 3: The Past♣

10 0 0
                                    

Zay's POV

Akmang ididikit na ng lalaki ang hawak niyang patalim sa akin ng may nagsalita sa likod nya
Isang lalaking mga nasa 30's ang pumasok.

"Tama na yan hindi kayo nandito para patayin siya. Your goal is to force her to tell where is that  damn thing"napakaseryoso ng lalaking kadarating lang at hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat sa ginawa o matakot lalo sa maaari nya pang gawin sa amin.

"Now little girl where did you put that damn thing so that we can make you free."umupo sya para magkapantay ang ulo namin at hinawakan nya ang baba ko.

"S-sir hindi ko po talaga alam ang pinagsasabi nila. Maniwala po kayo sa akin. Nagsasabi po ako ng totoo" bakit ba pinipilit nilang may kinuha o ninakaw ako sa kanila?

"Ganun ba?"

"O-opo"tumayo sya at tumalikod na. Akala ko ay papalayain na nila kami pero mali ako dahil humarap siyang muli sa akin at napatulala na lamang ako sa ginawa niya.

Hindi agad ako nakapagsalita ng maramdaman ko ang init at sakit sa pisngi ko ng malakas maatunog nya akong sinampal.

"Maniwala? Do you think you can fool me mana? Sa isang taon na pagtratrabaho mo sa amin sa tingin mo hindi pa kita kilala?"

Nagtratrabaho ako sa kanila?

Duon lang ako natauhan sa sinabi nya. Nagtataka akong napatingin sa kanya.

"P-pero sir h-hindi ko po kayo kilala o maalala" nagsasabi naman talaga ako ng totoo, wala talaga akong maalala sa ngayon.

"Enough with that damn little lies of yours mana. Ibigay mo na sa amin ang kinuha mo at makakalaya ka na"

"Pero nagsasabi po ako ng totoo!!"bakit ba ayaw nilang maniwala sa akin

"M-mana!"napatingin ako sa kaibigan ko na ngayon ay hawak hawak na nung lalaking nakaaway ko. May hawak syang kutsilyo na nakadikit na sa leeg ni yui.

"Y-yui. Bitawan nyo ang kaibigan ko!" Pinipilit kong makaalis sa upuan ko pero hindi ko magawa dahil mahigpit ang pagkakatali nila sa kamay ko.

"Ibibigay mo o papatayin ko ang kaibigan mo?"napatingin ako duon sa matandang lalaki na kausap ko kanina.

"Pero sir hindi ko po talaga alam ang sinasabi nyo. Wala po talaga akong maalala sa mga pinaggagawa ko nuon. Maniwala po kayo sa akin"

"Ahh!!"napatingin ako kay yui at nakatusok na sa braso nya ang kutsilyo na hawak nung lalaki.

Umaagos na sa braso nya ang sarili nyang dugo. Kitang kita na sa kanyang mukha ang sakit na nadarama nya.

Kasalanan ko ito. Kung nakakaalala lang ako sa mga ginawa ko nuon edi sana hindi na nadamay dito si yui.

Lord ano pong dapat kong gawin? Baka maubusan na ng dugo si yui. Hindi naman ito ang gusto nyang pagtakas na gawin. Nadamay ko pa sya dito.

"Tigilan mo na yang pagpapanggap mo. Hindi mo na ulit kami maloloko diyan sa mga rason mo"

" Magbibilang ako ng hanggang 3 Kapag hindi mo pa sinabi kung nasaan ang bagay na iyon tutuluyan ko na ang kaibigan mo. "

"1" ano ba mag isip ka ng paraan nagsisimula na syang magbilang.

"2" lumingon ako sa kaliwa ko at nakatapat na ang kutsilyo sa leeg nya. Pumikit ako at hinayaan ko na lang na magbukas ng kusa ang bibig ko. Kahit na alam kong ikakapahamak ko ito.

Free-TendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon