ENTRY #8:

20 0 0
                                    

Sana kung gaano kabilis masaktan ganoon din kabilis mag-move on.

Paano mo nakakagawang maging masaya sa kabila ng paghihinagpis ko? Paano mo nagawang makahanap ng bago sa kabila ng hindi pag-usad ko? Paano mo nagawang kalimutan ako sa kabila ng araw-araw kong pag-alala sayo? Paano mo nagawang saktan ako sa kabila ng pagmamahal ko sayo?

Mag-iisang taon na simula noong ako'y nadapa't nasugatan, pero pakiramdam ko parang kanina lang ako nagkasugat dahil makirot pa din, salamat sa first-aid kung kaya't hindi na dumudugo. Heto ako ngayon sa tabi, tinitiis ang sakit at kirot mula sa sugat na idinulot mo. At ikaw, ayon ka, tumakbo na palayo na parang walang nasaktan at masaya sa piling niya. Sana ganoon lang din kadali para sa akin ang tumakbo at maging masaya sa piling ng iba.

Ayokong tanggapin na ikaw pa din kahit na isinusupalpal na ng isip at puso ko sa akin ang malinaw pa sa clear na katotohanan. Ang hirap kasi yung sinasabing 'wag nang lingunin ang nakaraan kung ang totoo ay nandoon ka pa rin sa nakaraan. Sa nakaraan ko. Sa nakaraan natin, nandon pa din ako. Sunduin mo naman ako pakiusap.


Plagiarism is a crime punished by Law.

© All Rights Reserved 2018

If you want more confessions just keep on scrolling/reading :)

If you're still reading this I love you :)

~pinkcessjassy

Secret FilesWhere stories live. Discover now