PROLOUGE
"Huwag please, wag mo akong iwan, please, diba sabi mo mahal mo ako, ok lang kung may kasama kang ibang babae, ok lang saakin kung may iba kang kasama, ok lang saakin ku---" hindi na natuloy ang sasabihin ni Rose, ng biglang magsalita ang kasintahan nya.
"Pwede ba Rose, mag break na tayo, sawang sawa na ako sayo, atsaka, ang taba taba mo kaya oh, ayusin mo nga yang sarili mo, at saka sa pagkakaalam ko, ginamit lang kita, para sa mga projects na kailangan ko, at kahit kailan hindi kita, minahal" sabay diin ng salitang napakasakit.
Lumuha sya ng lumuha, lumuhod sya sa harapan ni Chanyeol na huwag syang iwanan.
"Please, wag mo akong iwan, please" alam nyang para na syang isang deperada na huwag iwan si Chanyeol, dahil mahal nya ito, pero, hindi ito pinansin ni Chanyeol.
Sapagkat, lumayo sya kay Rose. Na para bang nandidiri.
"Mandiri ka nga Rose, sawang sawa na ako sayo, sawang sawa na akong makita ka at higit sa lahat sawang sawa na akong makita yang napakataba mong pagmumukha, sa harap ko" sabay alis.
Umiyak sya ng umiyak, kasabay non ang pagbuhos ng ulan, na parang nakikisabay sa kanyang nararamdaman.
Kahit alam nya ng basang basa na sya ng ulan, nandoon pa din sya, umiiyak.
Biglang, may dumaang sasakyan at nakita sya nito ng kanyang ina, na may halong pag aalala.
Huminto ang kotse ng kanyang ina at kumuha ng payong para makalabas, at ng makalapit na sya sa kanyang anak na sawing sawi, tinulungan nya itong tumayo at sumakay sa sasakyan.
"Anak, ok ka lang ba, kanina pa ako nag aalala sayo ha" saad ng kanyang ina. Habang sya naman ay nakaupo, sa likod ng kotse nila, habang patuloy pa din ang pag tulo ng kanyang mga luha.
Baho sinagot ang kanyang ina, pinunasan nya muna ang luha nya.
"Ok lang po ako, wag po kayong mag alala saakin, diba may flight pa po kayo mamaya" tanong nya nito.
Para maiba ang topic.
"Oo, pupunta din naman ako sa Airport, pag naihatid na kita sa bahay" ilang segundo pa, nasa harapan na sila ng gate ng kanilang mansyon.
"Sige mama, mag ingat po kayo ha, papuntang Pilipinas" sabay kaway.
Kasabay non ang pag alis ng kotseng sinasakyan ng kanyang ina, at kasabay non ang pagtulo ng kanyang mga luha.
'Mahina ka kasi, Rose, mahinang mahina' sabi nya sa sarili nya.
"Sisiguruhin kong, hinding hindi na ako muli masasaktan pa, sisiguruhin kong, lahat ng lalaki, ay magkakandarapa saakin, sisiguraduhin kong lahat ng lalaki ang iiyak, hindi na lang palagi ang babae, sisiguruhin ko yan" saad nya sa kanyang sarili.
Kasabay non ang pagbuhos ulit ng lintik nyang luha.
"Sisiguruhin kong ito na ang pinaka huling iiyak ako sa taong kahit, katiting hindi pala ako minahal, na hinamit lang pala ako" saad nya ulit sa kanyang sarili.
"Humanda na lang ang magtatangkang lumapit saakin, hindi ako mag dadalawang isip na, na patumbahin ko sila" saad nya.
"Humanda na lang sila saakin"
*************************
Author's note
Sorry po, sa mga typos, wrong grammars, at iba pa.
Sana huwag kayong magalit, dahil si Chanyeol ang nilagay ko, kasi wala naman na akong maisip na iba.
So... yan lang po muna ngayon, ang prolouge...
Sana mag enjoy kayong lahat.....
Saranghaeyo😘😘😘
![](https://img.wattpad.com/cover/149864996-288-k925354.jpg)
YOU ARE READING
BOYISH or GIRLISH? ( jimin × rose )
FanfictionIsang babae na, hindi aakalaing isa palang lalaki kung kumilos, manamit, at iba pa. Sa pagiging isa nyang boyish, may itinatago syang ibang kulay, o tunay na pagkatao nya. Babalik kaya sya sa pagiging girlish nya o ipagpapatuloy pa din ang pagiging...