Gabi na ulit. Muli kong matatanaw ang mga nagagandahang mga bituin at ang nag-iisang buwan. Hinihiling kong sana.... sana laging gabi nalang. Ang mga bituin at ang buwan ay nagbibigay ng kakaibang ganda sa taas nitong lupa. Kay gandang tingnan. Kay sarap pagmasdan. Inilibot ko pa ang aking mga mata para mas lalo pang makita ang kagandahan nito.
Unti -unti akong lumakad papunta sa isang lugar na masasabi at mararamdaman kong ligtas ako roon, at ang nag iisang lugar kung saan ay payapa, ang simbahan. Pagkarating roon ay mas natanaw ko ang mga bituin. Unti-unti Kong itinaas ang kamay ko at binuo ang unang letra ng aking pangalan. Kasalanan 'to ni Leandro e! Kung hindi ako niloko edi sana di ako nag-eemote dito! Ipagpapalit ba naman ako sa lintang may lahing papel de liha?! My Goodness!
Ngunit hindi pa man natatapos ang letrang 'H' ay bigla akong may nakitang umaapoy na bagay na nahuhulog mula sa itaas nitong lupa. Mabilis na nahulog ito papalapit sa aking kinatatayuan. Yumanig ang lupa kasabay ang malakas na tunog na parang may mabigat na nahulog mula kung saan kaya't hinanap ko ito dahil alam kong malapit lang dito ang pagbagsak na iyon. At hindi nga ako nagkamali dahil ang nahulog ay nasa gilid lang ng simbahan.
Inaasahan isa itong spaceship ngunit laking gulat ko nang makita ang isang gwapong lalaki mula roon. My Goodness! Kalaglag panty mga bes! P-pero siya ba yung bumagsak? Ibig sabihin alien siya? E nasan yung spaceship niya? Ganon ba siya kahirap at wala siyang spaceship? Anong pakay niya dito? *shocks* Kukunin niya na ba ako?! Di pa ko ready! Di ko pa naisusupalpal ang mukha ni Leandro sa beloved niyang babaeng linta na may lahing papel de liha! Pero, whatevs!
Ang kailangan kong isipin ay kung paano ko makakausap itong gwapong alien na'to! Hindi naman kasi ako tinuruan ng teacher ko kung paano mag-alien talk e! Tapos sasabihin niyang boblets ako! E siya 'tong hindi nagturo kung paano mag-alien talk! Hayyyyyy. Gabayan niyo ho ako sa pag-e-alien talk ko.
Hinarap ko ang gwapong alien.
" Ono ong gonogowo mo doto? Ono ong pokoy mo roto so mondo nomon?" pag-e-alien talk ko."Stupid." tanging sagot niya sakin. Omy! Isang englisherong gwapong alien! My Goodness!
YOU ARE READING
Tagpuan
FantasyShe's from Earth, he's from Space. She's always happy while he's always serious. They are way different from each other. Will it be a hindrance for them to love each other? Hailey is a happy-go-lucky girl. She always puts a smile on her face so it w...