Fridge
Unti-unting tumayo si Englisherong Gwapong Alien at unti-unti ring naglakad-lakad. Luh, saan pupunta yun? Maglilibot?
"ENGLISHERONG GWAPONG ALIEN!" tawag ko ngunit hindi siya lumingon.
"ENGLISHERONG GWAPONG ALIEN!" tawag ko ulit sabay takbo papaunta sa kanya. Tumabi ako sa kanya habang naglalakad. Ngumiti ako ng pagkalaki-laki at sinundot ang kanyang tagiliran."Anong name mo?"
"Alien ka ba?"
"Oyyyyyy, englisherong gwapong alien! Bakit ka ba nandito sa mundo namin? Atsaka bakit wala kang spaceship? Mahirap ka lang ba? Gusto mo pautangin kita? Ay. Wala nga rin pala akong pera. Utang ka na lang sa five-six. Alam mo yun? Yung sa badyao, ay boobsie, bumbay pala. Oyyyyyy. Saan ka ba pupuntaaaa? Pagod na 'ko, alam mo bang---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita.
"Can you please shut the fuck up?!" iritang wika nito at biglang tumigil sa paglalakad. Napatingin ako sa bahay na nasa tapat namin. Pamilyar ito-- wait, bahay namin 'to a?
Walang sabi-sabi na pinilit ni Englisherong gwapong alien na buksan ang gate. Malas nya lang dahil nakalock yun at nilunok ko na yung susi, syempre dahil sa shunga-shunga ako, joke lang yon. Nasakin ang susi, kaya paniguradong di niya yun mabubuksan. *evil laugh* alam ko naaaa. Nilapitan ko siya at tinanong.
"Gusto mong pumasok?" ani ko. "Isn't it obvious?" sagot naman nito sakin. Humarang ako sa gate.
"Makakapasok ka sa bahay ko KUNG sasagutin mo lahat ng tanong ko. Ano, deal?" kaswal na tanong ko. "Deal." maikling sagot nito, nagtataka pa ba kayo? Feeling ko may gusto 'to sakin si Englisherong gwapong alien e, feel na feel ko, alam niyo kaya maiikli lang ang mga sagot niya sa mga tanong ko kasi may bad breaths siya. Baka daw maturn off ako. Pero sorry siya dahil nagmomove on pa ko kay Leandro Shupot Da Hildipatuli.
"Unang tanong, kamay sa dibdib. Ano ang pangalan mo? You have ten seconds to answer. Oh, english yun!" hirit ko pa. "I don't have a name. They often call me 'prince' because I'm the son of our King Aries." Omaygad. For the first time! Ang haba ng sagot niya!
"Okay, let's proceed to the second question. Alien ka ba? Bakit wala kang spaceship?" wika ko. "I don't know."
"Last question, maganda ba ko?" ani ko. "No."
AKO? DI MAGANDA? SAAN BANDA?! Ang ganda-ganda ko kaya, masyadong ginalingan ni Daddy nung ginagawa nila ako sa keme. Pumasok na kami sa bahay ko. Agad niyang tiningnan ang fridge. Wala namang laman yun. Itinaas ang kanang kamay at chenen! Napuno ang fridge. Agad akong tumakbo patungo doon at kumuha ng pagkain. Ancharaaaaap, charaaap. Kimchi! Charaaap.
"You're that hungry?" tanong ni Englisherong gwapong alien. Pero wapakels. Kain parin is me, simula kasi noong namatay sila Mommy at Daddy, hindi na ako nakakakain ng masasarap na pagkain. Napatigil ako sa pagkain.
"*cough* *cough* T-tubig! T-tubig!" potek, bes. Nabibilaukan na ako si Englisherong gwapong alien, pachill chill lang habang naglalakad partida, na sa kanya yung tubig. Tumakbo na ako papunta sa kanya, baka mamatay pa ako ng di oras kapag inintay ko pa siyang makalapit sakin. Pagkukuha na pagkakuha ko ng tubig ay linagok ko agad.
"Kain ka kasi ng kain. Katakawan mo!"
O M A Y G A D
O M A Y G A S H
O M Y L E A N D R O
Ay. Hindi na nga pala sakin si Leandro Shupot Da Hildipatuli, pag mamay-ari na siya ng isang babaeng linta na may lahi ng papel de liha. Anyways,NAGTAGALOG SI ENGLISHERONG GWAPONG ALIEN! Nagtagalog siyaaa. Nagtagalog siyaaa. Wala lang, nagtagalog lang siyaaaaa.
"Englisherong gwapong alien, ano ba talagang name mo?" tanong ko. Kaintriga kaya. Pa- showbiz pa e.
" I told you, wala nga akong pangalan." sagot nito. Bakit parang ang hot niya kapag nagtatagalog? Omaygash. Disisshoomaygash.
"Pede beng eke neleng eng megpengelen seye?" teneng ke---- este tanong ko.
"Are doing that stupid alien talk of yours again?" iritang tanong nito. "Of course not!" sagot ko. Syempre hindi ako magpapakabog kapag englishan ang usapan.
"Anyways, papangalanan na kita." I said.
"Bob?"
"Too common." Sabi ni Englisherong gwapong alien.
"Sponge?"
*No respond* *Gave me a dagger look*
"SpongeBob?"
*GLARES*
"Anong gusto mo? Hello Kitty?! Ah! Alam ko na! Fridge! Fridge name mo. Kasi ikaw ang taga puno ng fridge ng bahay nato!" Sabi ko. But he just gave me a bored look.
"At since, dito ka na titira. Iintroduce mo na yung sarili mo sakin and I'll do the same!" ani ko.
"Hi. I'm fridge, according to you."
"Hi, Fridge. I'm Hailey!;). And I will be your housemate for the next decade."
-----------------------------------------------------------
Sorry for the late and lame update.
YOU ARE READING
Tagpuan
FantasyShe's from Earth, he's from Space. She's always happy while he's always serious. They are way different from each other. Will it be a hindrance for them to love each other? Hailey is a happy-go-lucky girl. She always puts a smile on her face so it w...