Chapter 2

14 2 2
                                    

Hotdog

"HELL NO!" sigaw ni Fridge. Ang galing! Ang galing-galing ng alien na'to! Sa sobrang galing niya gusto ko siyang sakalin to death!

"WEWS. KUNG KANINA NATITIIS KO YANG KAARTEHAN MO PWES NGAYON HINDI NA! ANG GALING MO! KWARTO KO 'TO! KAMA KO YANG HINIHIGAAN MO! MAHIYA KA NAMAN, PINATULOY NGA KITA SA BAHAY KO DIBA?! AARTE PA BA YOU?!" sigaw ko rin. Aba, hindi pwedeng sinisigaw-sigawan lang ang beauty ko no! Kapalmuks nito! Gusto pamg matulog sa kama at kwarto ko. Alam ko namang yummy siya pero depekeseekerede pero kung pipilitin niya ko e pwede na rin.

"THAT'S THE POINT, I'M A VISITOR! YOU SHOULD ATLEAST SHOW ME SOME HOSPITALITY! AT SINONG MAY SABI SAYO NA PWEDE MO KONG SIGAWAN?! PRINSIPE AKO SA KAHARIAN NAMIN, HAILEY! PRINSIPE!" sigaw niya pabalik. Okay, Hailey. Inhaileeeey exhaileeeey. Keep calm and kill that alien!--- este Keep  calm and stay beautiful (as always). Nakakawala talaga ng pagkashunga itong alien na'to e. Siguro kung lagi akong magagalit sa alien na'to tuluyan nang mawawala ang pagkashunga ko.

"Okay po, mahal na prinsipe." I said while emphasizing 'mahal na prinsipe'.Napapa English tuloy ako. Pesteng Fridge na'to.     "You want some hospitality? ITO HOSPITALITY!" sabi ko sabay tadyak sa kanya dahilan upang mahulog siya mula sa kama ko.

"Fuck." daing niya. "You really pissed the hell of me now, Hailey. And you will pay for it." litanya niya at unti-unting lumapit sa akin habang ako paatras ng paatras. Hala? Ano bang ginawa kong mali?

"A-ano ba... W-wala naman a-akong ginawang m-mali." kinakabahang saad ko. Paatras parin ako ng paatras. Ang mga mata niya may kakaiba itong kislap. Sabi na e, may gusto sakin 'to. Unti -unting bumaba ang tingin niya sa labi ko. Omahghad. No, not my kissable lips. Errr.

Paatras parin along paatras bang maramdaman kong lapat na ang aking katawan sa likod ng pintuan ng aking silid.

"Lumayo k-ka nga! S-sabi mo gusto mong maospital! Tapos nung sinipa kita, nagalit ka! A-ano b-ba?! K-kasi naman." sambit ko. Ampusoko. Ang bilis ng tibok nito. Ito na ba yun? Ito na ba ang araw na mapipitas ang matamis kong bulaklak. Hindiiiiii! Nooooo! Maldo Andwaeeeeeee! Hindi pa pwede! Tsaka na kapag nasupalpal ko na sa mukha ni Leandro ang babae niyang linta na may lahing papel de liha! Dahan- dahang lumapit ang mukha ni Fridge sa mukha ko. Aba't ang gago nakapikit pa! Feel na feel. Pilit 'kong hinanap ang doorknob at nang mahanap ko ay dali-dali ko itong pinihit at nagmamadaling lumabas. Phew! That was close. Wala pang limang segundo ay naalala ko kaagad ang alieng nagngangalang Fridge na nakapikit at papalapit sa akin. Hahalikan 'ata ako. Nanghinayang tuloy ako. Ano kayang lasa ng labi niya? Ay, gaga ka talaga, Hailey. Syempre, masama ang lasa noon. Lasang alien. Yuck! No, thanks na lang.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Agad na dumiretso ako sa salas upang buksan ang telebisyon. Nang mabuksan ko na ay tumambad sa akin ang commercial ng isang sikat na brand ng hotdog.

Jumbo hotdog,

Kaya mo ba 'to?

Kaya mo ba 'to?

Jumbo hotdog!

Napa-iling na lamang ako ngay maisip akong kahalayan. May hotdog kaya si Fridge? I mean, kasi diba alien siya? May hotdog kaya ang mga alien? Kung meron, anong kulay? May jumbo rin ba o puro regular size lang? Or worst, baka longganisa lang? O kaya naman footlong. Bakit ba kasi ang halay ng kanta ng commercial na iyon? O baka naman sadyang mahalay lang ang utak ko. Ipinilig ko ang aking ulo at tuluyan nang inalis ang ideyang iyon.

"Bakit mo naman pinagdidiskitahan ang hotdog ko, Hailey Barney? Grabe ka! Pinagnanasaan mo ang inosenteng katawan ko!" umakto pa si Fridge na para bang na-rape ko siya, naka-krus pa ang dalawa nitong kamay sa dibdib niya. Akala mo naman ay ni-rape ko nga siya. Eh baka nga siya pa ang manggahasa sa akin. Painosente-  inosente pa siyang nalalaman.

"May taste naman ako, Hailey Barney. Hindi kita gagahasain 'no! No freaking way! Eww lang. Yuck! At tsaka, inosnte talaga ako. Promise!" ani pa nito. P-paano? May kakayahan ba siyang bumasa ng isip? Oh, I almost forgot. Prinsipe nga pala siya ng mga alien. Hindi na nakapagtataka na may ganoon siyang kakayahan.

 
"Hindi nga ako alien! Yes, I'm a prince. But not— oh good gracious! Ako? Alien? Sa gwapo 'kong ito? Kahit bata ay kayang makapagsabi na hindi ako alien, Hailey Barney." dagdag pa nito. Ang daldal naman nito. Maglalakad na sana ako papunta sa kusina nang may matanto ako.

"Hailey Barney? What the— kilala mo si Barney?!  At talagang idinugtong mo pa sa napakaganda 'kong pangalan?! Pero... paano mo nakilala si Barney?— oh my good gracious. Sa planet niyo nakatira si Barney, ano?" gulat na tanong ko rito. May posibilidad na baka... baka kapatid ni Fridge si Barney! Hindi naman nalalayo ang hitsura ni Fridge kay Barney. Syempre, joke lang yun. Ang gwapo kaya ni Fridge samantalang si Barney naman ay... nevermind.

"Hindi 'no! Hindi allowed ang mga pangit sa planet namin kaya hindi pwedeng tumira si Barney doon. At higit lalo, hindi ka pwede doon." mayabang na sabi nito.

"Aba't sinasabi mo 'bang pangit ako? Ha? Ang kapal mo! Ako? Pangit? Para mo na ring sinabi na kaya 'kong kalimutan si Leandro! And for your information, mas pangit ka sa akin." pagmamayabang ko rin. Huli na nang napagtanto ko na nabanggit ko pala ang pangalan ni Damuho.

"Leandro? Who's Leandro? Anyways, gwapo ako and everyone can testify, Hailey. At saka parang kanina lang ay pinagdidiskitahan mo pa ang hotdog ko! Iyon ba, Hailey? Iyon ba ang hindi gwapo? Ang pagnasaan ng babaeng katulad mo? And to satisfy that pretty head of yours, may hotdog ako, Hailey. Meron. And its very big, Hailey. Very big." wika nito at saby tumawa ng pagkalakas-lakas na siya namang ikinapula ng mga pisngi ko.

"Y-yabang! Sige, patingin nga kung talagang—" oh no. Nakita 'kong nagulat siya sa akin mga mga nabanggit na salita.  "I-i m-mean..." nakita ko ang pagngisi nito nang nakikita niyang nauutal-utal ako at para 'bang kiti-kiti na hindi mapakali. "I-i mean... argh! Bastos!" ani ko at nagmamadali nang tumakbo papuntang kusina. Napainom na lamang ako ng tubig.

Hindi na talaga ako bibili o kakain ng hotdog!

TagpuanWhere stories live. Discover now