Chapter 3

21 1 1
                                    

Tears


Matapos ang insidenteng tungkol sa hotdog ay iniwasan ko si Fridge. Mahirap na at baka ma-rape ko siya ng di oras. Gabi na ngunit narito parin ako sa labas ng bahay, reminiscing my moments with Lean (Leandro). As a couple, we never argued about nonsense things because we value each other so much and arguing will just be a waste of time for us. We are so happy in each other's company. We were both contended with each other...or not.

Noong nalaman ko ang tungkol sa kanila ng babaeng linta na may lahing papel de liha na iyon, I was so devastated. Hanggang ngayon. So, here I am outside my house holding my guitar, head held high while viewing the stars. This is for you, asshole. That damn girl is fucking lucky enough for you to choose her over me. And the both of you deserve a 'fuck you' from me because of that. As the wind blows continuously, my hair dances the same rhythm as the wind. I strummed my guitar and started singing.

Darling I,

I can explain,

Whether we lose or win,

Boy, it's driving me insane,

And I know I just need a one more chance to prove my love to you,

Talkshit ka, Lean. Your a liar. Akala ko ba ako lang hanggang mamatay ka? Patay ka na ba kaya ipinagpalit mo na ko sa iba? Potek naman oh. Akala ko ba nag-iisa lang ako? A-akala ko ba bubuo pa tayo ng masayang pamilya na sa murang edad ay ipinagkait na sa akin ng tadhana? Putangina. Hindi ka na sana nangako. Hindi mo na sana ako pinaasa. Hindi mo na sana ako niligiwan kung gagaguhin mo lang rin pala ako sa huli. Hindi ako pala-murang tao pero tangina, Lean. Tangina lang! Ang sakit sakit na! Sobrang sakit, Lean. Sobra. Sa sobrang sakit parang literal na binibiyak ang puso ko. Sa pag-iwan mo sa akin para mo narin akong tinanggalan ng karapatang magmahal ulit.

If you come back to me,

I guarantee that I'll never let you go,

Kahit na magmukha akong tanga, Lean. Bumalik ka lang sa akin, sabihin mo lang na mahal mo parin ako, I'll glady give you a second chance. Sabihin mo lang, Lean. Sabihin mo. Please. I'm begging you. I can't lose you. But I already did, right? I lost you. Hindi ko namalayang may tumulo na palang luha mula sa mata ko. Fuck this tears, hindi maubos-ubos.

Can we go back to the days our love was strong?

Can you tell me how our perfect love goes wrong?

Can somebody tell me how together things back the way they used to be?

Oh god give the reason I'm down on bended knees,

I hate you, Lean. But at the same time, I still do love you. Martyr na kung martyr at corny man pakinggan pero wala eh, mahal kita. Mahal na mahal.

"Nakakabobo pala ang pagmamahal kung ganoon." dining 'kong sabi ng kung sinuman sa likod. I turned around then I saw Fridge looking so fresh with his white sando, a manly floral shorts, and a pair of slippers.

"Oo, sobra." ani ko at tuluyan ng tumalikod sa kanya at muling tinanaw ang mga bituin. "Wala naman akong magagawa kung hindi magpakatanga at umasang babalik siya." dugtong ko pa.

"I beg to disagree with that, miss. Pwede ka namang mag-move on." prenteng sabi nito na para bang napakadali ng pinagagawa niya.

"Easy for you to say. Wala ka kasi sa sitwasyon ko. Hindi ikaw ang iniwan at ipinagpalit." sagot ko naman sa kanya.

"Oo at wala nga ako sa sitwasyon mo ngunit nakikita ko ang paghihirap mo. Kahit pa sabihin mong tatlong araw pa lamang ako namamalagi sa bahay mo. Kitang-kita ko ang pangungusap at lungkot diyan sa mga mata mo. Wala ang kislap sa mga mata mo na nangangahulugang malungkot ka, malungkot na malungkot." sabi nito at tuluyan nang tumabi sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 20, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TagpuanWhere stories live. Discover now