Hi New Friend!! :))) For you. ^_^
------------------------------------
Pagkatapos ng isang gabi at mahabang panaginip eh darating ang umaga. Magigising ka, don magsisimula ang araw mo. Maglilinis ka ng katawan at gagawin ang ritwal at kung anu-ano pang ka ek-ekan. Papasok ka ng trabaho o sa school, and of course mawawala ba naman ang chikahan? Kakain ka tatlong beses sa isang araw, pag wala kang ginagawa Uupo ka don sa tabi magmumukmok. Pagakapos ng mahabang araw uuwi, maglilinis uli at sisimulan mo na naman ang isang buong gabing pagtulog. Soundless, Dreamless, Breathless .. aayy! Ano na naman ba tong sinasabi ko?
Anyway, napaka simple lang naman ng mga bagay-bagay eh, lalong-lalo na ang buhay ---- ..
“KATHRYN!!! ANU KA BA? KUMILOS KA NA NGA!!”
At ngayon na ang huling araw ng simpleng buhay ko. Naman oh!
“Mom, Look. I’m okay here. Like what I’ve told you. You don’t have to send me back there.” Tinalikuran ko siya at naupo ako sa kama. “Kahit na ako na yung maglalaba ng damit ko, o maglinis ng bahay o kahit na ano. Promise magpapakabait na ako. Hindi na ako gagala. Promise! I don’t wanna Leave.”
Naluha na ako nun, nilapitan niya ako sabay yakap.
“Kung ako lang din.. Ayoko.. But Wala akong Choice kundi ibalik ka muna sa Daddy mo. Sandali lang naman eh.." yeah right. “Ganito na lang para hindi ka na magtampo sakin.” Nag-isip siya, saka lang humiwalay sakin pero nasa balikat ko parin ang kamay nya mabigat na nga eh.
“Gusto mo , ibili kita ng bagong Cellphone? Yung ano.. yung gustong-gusto mo sa Mall?”
Blackmail ito! But interesting.
"Seriously Mom? This is Blackmail. Bakit ba kailangan ko na bumalik don? I can Handle myself."
"I know. Yet, kailangan mo pa rin yung mas matanda sa'yo para alagaan ka."
"Bakit nga?? Bakit kailangan ko na umalis?"
She gave me that oh-please-wag-mo-na-itanong-yan. Huminga siya ng Malalim. "Kath, May mga bagay na hindi ko pwedeng sabihin sa'yo.. Kasi mas nakakabuting hindi mo alam.."
"Pero.."
"Diba nga kayo rin ni Khalil.. Hindi mo nga sinasabi kung anno talaga kayo.."
"Ayan ka na naman Ma eh. Kaibigan ko lang yung tao." pagdadabog ko. Eh sa totoo naman eh. Kaibigan ko lang talaga siya at wala ng Iba.
"Kaibigan? Eh bakit kailangan niyo na magkita ng gabing-gabi na?"
Tumalikod namna ako sa kanya. Kasi nga hindi pwedeng sabihin kung saan kami nagpupupunga at baka mapatay ako ni Mama. Saka Hello? Nasa kalagitnaan na kaya ng School Year. August na. Kakatapos lang nga namin ng Exam sa School na pinapasukan ko.
"Mom.. Kakatapos lang namin ng First Periodical. Baka mamaya niyan hindi na ako matanggap don. Tapos ano? Magiging stambay ako for a while?"
"No. Na-enroll ka na ni Daddy mo sa school. Saka.." Nagsalubong naman yung kilay ko non. Kagabi pa lang niya sinabi na don ako mag-aaral na tapos Ready na pala sila. Nakakainis lang!
"Alam ko yang pinagpuputok ng buche mo eh.. Alam mo. masusupportahan ka naman ni Daddy mo especially ako.. Kahit wala yang pa-reket-raket mong yan." I sighed. Hindi naman sa ganon eh. Yung gusto ko lang dito lang ako at wag na umalis.
BINABASA MO ANG
TEXTMATE
FanfictionHi! Ako nga pala si Kathryn. I am not that typical girl next door, DATI. Hindi ako yung Sweet, Cheesy at Corny. I don't know how to describe myself before but Isa lang talaga ang masasabi ko. Ibang-iba sa Attitude ko noon yung ngayon.It all started...