DJ'S POV
Tignan mo to.
Akala ko pa naman okay na kami kanina kasi nag-share na siya ng problema niya, iniyakan niya ako kanina tapos binigay pa niya number niya. Maypa 'textmate maybe' pa siya. Tapos hindi sinasagot ang tawag ko. Argh!
Kainis.
Ang mahal naman ng attention ng babaeng ito. Makikipagkaibigan lang nga yung tao inaayawan pa. Buti nga at may nakikipagkaibigan pa sa kanya sa sungit ba naman niyang yun!? arrgh! Nakaka-stress ang pinagagawa niya sa utak ko! Pinagpawisan na sa pag-aalala sa kanya. Nakauwi ba talaga yun? Baka nasa seaside pa siya? Naku naman! Yung babaeng yun!
"At saan ka na naman Pupunta DANIEL JOHN FORD PADILLA? Kakarating mo lang galing sa labas? Aalis ka na naman?"
Lagot. "Ma, may bibilhin lang ako. babalik din."
"Bibilhin? Eh ayos na ayos ka. Wag mo nga akong pinagloloko."
Kakauwi ko lang sa bahay. Natural na chill lang si Mama tungkol sa mga lakad ko twing gabi kaya hindi ako pinagalitan. Lalaki naman daw ako't kaya ko na ang sarili ko kaya okay lang daw. Saka Responsable daw naman akong tao kaya sobrangokay na lang. Pero kahit na hindi galit si Mama siyempre hindi ako nakaligtas sa konting sermon ni Mommy. Konti lang naman.
"IKAW PADILLA HA? MANA KA TALAGA SA PAPA MO. KUNG SAAN SAAN NA LANG PUMUPUNTA. NAKU DJ HA? HINDI NAMAN AKO NATATAKOT NA MAKAKITA KA NG AWAY SA LABAS,O KAYA MAKIPAGDATE SA KAPITBAHAY NATING SI ZHARM.." Zharm? Ano daw? "ANG AKIN LANG BAKA KUNG SAAN SAAN NA YAN HA. HINDI PA AKO HANDANG MAGING LOLA. NAKU."
"Anong Lola? Anong Zharm? Anong Date? Ma? anong droga ang pinakain sa'yo ni JC at kung anu-ano ang pinagsasabi mo? Dinamay mo pa yung ibang tao."
"Bakit? Totoo naman ah. Nakita ko kayo ni Zharm magkasabay na dumating. Hinatid mo pa siya sa bahay nila. Kitang-kita ko mula sa Veranda ang tulak-tulakan scene niyo kaya wag kang magdeny. Ilag gabi na yan ha."
"Hindi Ma. Mali ka.. Si Zharm kasi tumatambay sa kanto at walang kasama. Kaya Sinasabayan ko na lang tapos hinahatid ko para sure na walang mangyayaring masama sa kanya."
Tumango-tango naman siya. At parang disappointed pa. Huh? "Talaga? Hindi kayo ni Zharm?"
Tumango naman ako.
"Walang 'something' sa inyo?"
"Wala po. Iba po ang kasama ko.."
"Sino? eh nandito ang barkada mo kanina hinanap ka nga ni Enrique. Naku DJ ha? Baka kung sino yan."
"Babae po!"
"Nililigawan mo?"
"Hindi po. Kaibigan ko lang po."
"Dyan nagsisimula yan sa ka-i-kaibigan tapos nagka-ibigan!" nanlaki naman ang mata ko kay mama. Kahit ano na lang yung sinasabi.
"Ang kulit mo Ma. Basta!Uuwi agad ako." sabi ko at lumabas na ng bahay.
Ito talagang si Mama. Kahit na lang sino pinapares sa akin. Una si Julia tapos si Zharm eh kaibigan ko lang yung tao. Saka ewan ko ba, lagi siyang nasa kanto. Parang may hinihintay. Ewan ko sa babaeng yun masyadong malakas ang loob na lumabas ng bahay na siya lang mag isa. Buti na lang hindi naano. Tulad nalang nitong textmate ko.
Nasa kanto na ako ng maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa ko. Alam niyo ang laki ng problema ng taong to, kanina tinawagan ko not just once but thrice pero hindi niya sinagot. At ngayon naman tatawag tawag siya. Siguro pagnakilala to ni Mama sure ako na magkakasundo sila.
"Hello?"
Walang sumagot.
Walang reply.
Wala akong ibang marinig kundi hagolgol niya.
I wanted to scold her right away kasi kanina pinipigilan niya ang sarili niya which is kasalanan ko rin naman dahl puro biro lan ako.
"T-texmate? I called again. At as expected hindi siya nagreply.
"Iyak mo lang yan.. Gusto mo magkita uli tayo? Libre ako.. Ang shirt ko rin hindi pa masyadong basa. Pwede pa sigurongg iyakan. This time papayag siguro akong singahan mo."
Alam ko naman na hindi effective sa ngayon ang biro ko pero gusto ko lang pagaanin ang loob niya gusto ko lang na maging okay siya. Ewan ko ba. Pero ayoko siyang malungkot o umiiyak. Parang ako ang nasasaktan para sa kanya kahit na alam ko mas pa siya.
-------------------------------------
KATHRYN'S POV.
Hindi ako pumasok sa first subject ko, at ngayon tinatry ko na i-catch up ang second subject ko pero yung mga paa ko hindi nagco-cooperate. Tinatamad ako. Ewan ko ba.
Nasa gate na ako ng may humila sa kamay ko.
"Ano b--" magrereklamo pa sana ako pero ngumiti lang siya at nagsign na wag akong maingay.
"Samahan mo ako.." hinila naman niya ako palayo sa school.
"Ano? Saan?" -- "Hoooy!"
"Samahan mo muna ako na pagaanin ang loob mo." Then he smiled.
This guy is really impossible.
Hindi na lang ako nag reklamo. Bakit pa ako magrereklamo eh buti na nga may taong concern sa akin kahit hindi ko siya gaanong kilala. Magaan ang loob ko sa kanya. Kahit na hindi masyadong trustworthy ang mukha niya feeling ko eh safe naman ako pagkasama siya. Kahit na minsan ko lang siya nakasama alam ko may magagawa siya para pagaanin ang loob ko.
Kung siguro hindi ako inis nong una kaming nagkita baka siya ngayon ang close friend ko sa school na to.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko at mukhang masyado ng malayo ang nilalakad namin.
"Bukod sa paglalakad sa seaside pag may problema ako, meron pa akong ibang panglibang sa sarili ko para makalimutan ko ang problema ko."
"Ano naman?"
"Videoke, Pag may problema ako at wala akong malapitan tumutugtog ako o kaya nag vivideoke. Maybe it won't help me to solve my problem, but music helps me to just forget the pain. For a little while."
I stopped.
Ang dami naming similarities pero inis ako sa kanya kahit na ganon. Just like me music has been also his life. Just like me, may problema din ako sa family ko, sa Daddy ko specifically. Just like him Music din ang nagpapagaan ng loob ko.
"O bakit ka huminto? Touch ka masyado na concern ako sayo?" tanong niya at nilingon ako.
I smirked at him "Touch? Touch talaga kung makahawak at hila ka naman parang tatabohan kita! Bitawan mo nga ako." Sabi ko at nagpatiuna na sa paglaakad.
"Ang arte naman ni--" siya naman pa naman yung nag-pause. "TALAGA? KAHIT HINDI KITA PILITIN SASAMA KA?"
-----------------------------------
KAILAN SILA MAGKAKAKILALA?
ANONG GAGAWIN NI MISS V KAY KATH PAG HINDI PA SIYA MAGPAKITA?
BINABASA MO ANG
TEXTMATE
FanficHi! Ako nga pala si Kathryn. I am not that typical girl next door, DATI. Hindi ako yung Sweet, Cheesy at Corny. I don't know how to describe myself before but Isa lang talaga ang masasabi ko. Ibang-iba sa Attitude ko noon yung ngayon.It all started...