CHAPTER 3

2.3K 85 1
                                        


#EvenTheNightsAreBetter

CHAPTER 3

Malakas na tugtugin na siyang nagpapaindak sa sayaw sa mga taong naroon dahil tunay nga namang nakakaindak ang awitin. Ang iba ay naglalandian rin sa dance floor. Patay sindi ang makukulay na ilaw na naroon pero may nananatiling nakasindi lamang.

Maraming tao dahil Biyernes ng gabi. Karamihan ay nagkakasiyahan at nag-iinuman. Iba't-ibang klase ng mga tao ang naroon pero hindi maikakaila na pawang may mga sinabi sa buhay ang mga ito dahil sa mga magagarang kasuotan at higit sa lahat, exclusive for elite and professionals ang naturang bar. High end bar ito kaya naman maganda rin ang loob.

Sa pagpasok ni Rohem, kaagad siyang dumiretso sa kanyang mga kaibigang nakapwesto sa may bandang dulo. Nakita niya ito agad dahil na rin sa tuwing pupunta sila rito, doon ang pwesto nila.

"O Rohem... Nandito ka na." ang sabi ni Theo pagkalapit niya. Si Theo, isa sa mga kaibigan niya. Ito ang masasabing Tall, dark and handsome. Moreno kasi ang balat mula ulo hanggang mukha. Gwapo at makisig. Matangkad sa taas na 5'9. Kulot ang may kahabaang buhok na bumagay sa hulma ng mukha nito. Isa itong freelance model na naging kabuhayan nito simula ng tumuntong siya ng 21. 28 anyos na siya ngayon. Sa magkakaibigan, ito 'yung medyo chickboy dahil na rin sa maraming temptasyon sa trabaho nito. Chickboy dahil pwede sa chicks at pwede din sa boy.

Napangiti si Rohem.

"Yeah... Kanina pa ba kayo nagsimula?" tanong nito. Napatingin siya sa mesa na pinagpapatungan ng kinakain at iniinom ng mga ito. Marami ng bote ng alak at baso, mukhang kanina pa nga nagsimula ang mga ito.

"Oo... Kanina pa... Ikaw naman kasi, bakit ngayon ka lang? Ginisa ka na naman siguro ng Kuya mo no." ang sabi naman ni Harold. Napatingin sa kanya si Rohem at napakamot ng ulo.

"Kilala niyo naman si Kuya... Sa tuwing aalis ako, lagi akong sinasabihan pero hindi naman niya ako mapigilan." Sabi nito saka tumawa. Natawa rin sa kanya ang mga kaibigan.

Si Harold, isa rin sa mga kaibigan niya. Gwapo ito at malaki ang katawan, iyong tipong bato-bato. Pure Filipino ito hindi gaya ni Theo na may halong Hapon kaya chinito ang mga mata. Mestiso si Harold, edad 27, biniyayaan ng malaking katawan pero hindi ng height. 5'5 lang kasi ito. Isa itong VM sa isang clothing company. Sa kanilang magkakaibigan, eto naman iyong minsan seryoso pero madalas, maloko at kalog.

"O... Uminom ka muna." Sabi naman sa kanya ni Uno saka inabutan siya ng isang baso ng whiskey. Kinuha naman kaagad iyon ni Rohem saka isahang nilagok. Malakas ang alcohol tolerance ni Rohem kaya alam niya at ng mga kaibigan niya na hindi ito kaagad malalasing.

Si Uno, The Mayor. Isa itong mayor ng isang syudad dito sa Metro Manila. Sa edad na 25, nagkaroon na ito ng posisyon sa gobyerno. Ngayon ay nasa 30 na ito.

Gwapo rin ito katulad ng mga kaibigan. Pinakamatangkad rin sa kanilang apat dahil 6'1 ito. Hindi naman masyadong payat at hindi naman masyadong mataba. Katamtaman lamang ang katawan nito at may hubog. Purong pinoy. Sa kanilang apat, ito ang pinaka-seryoso.

At si Rohem ang pinakabata sa kanilang apat kaya naman ito rin ang tinuturing nilang bunso. Pasaway at maloko rin ito pagdating sa mga kaibigan.

Lagi sila dito nagsasaya at umiinom. Ang kasama niya lagi ay si Theo at Harold. Si Uno kasi, madalas hindi nakakasama dahil na rin sa obligasyon at trabaho nito. Mabuti nga ngayon at nakasama ito.

Nagsimula ang kwentuhan ng magkakaibigan. Kumustahan, tawanan, kulitan. Hindi alintana ang ingay ng tugtog sa paligid at mga taong nagsisiksikan na sa dance floor kakasayaw. Kapag talaga magkakasama sila, animo'y para silang mga high school.

EVEN THE NIGHTS ARE BETTER COMPLETE EPISODES AVAILABLE ON DREAME APPMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon