Chapter Fifteen

6.7K 214 8
                                    

"BABY and I?"

"Yes, it's a good Korean movie. Tungkol 'to sa isang lalaki na bigla na lang naging ama. I think you'll learn a thing or two about parenting from this movie."

Napatango-tango si Gella. Kasalukuyang kinokopya ni Nuel ang nasabing movie sa hard drive niya mula sa laptop nito. Katatapos lang nilang kumain at ngayon ay nasa sala na sila. Sa bahay nila nananghalian si Nuel bilang pasasalamat niya sa pagtulong nito sa kanya. "Mukhang nakakaiyak 'yan, ah," komento niya.

Ngumiti si Nuel. "It is." Lumagpas ang tingin nito sa kanya. "Kelvin, you should watch this movie. Bagay 'to sa tulad mong magiging ama na."

Inilapag ni Kelvin sa center table ang tray na naglalaman ng sliced cake sa mga platito at mga baso ng iced tea. Iyon ang panghimagas nila. Pagkatapos ay umupo ito sa tabi niya at inakbayan siya. Nagulat siya dahil napansin niyang kanina pa hindi humihiwalay si Kelvin sa kanya. Kanina nga ay tinulungan pa siya nitong magluto.

"Hindi ko kailangang manood ng movie para matutong maging ama. Sapat na ang pagmamahal ko sa magiging baby namin ni Gella para maging best dad ako," angil ni Kelvin kay Nuel, pagkatapos ay nakangiting bumaling sa kanya. "Hindi ba, Gellabs?"

Napangiti si Gella nang alanganin. "Oo naman."

Lalong lumuwang ang pagkakangiti ni Kelvin at kapagkuwan ay kinintalan siya ng mariing halik sa pisngi. "Don't worry, honey. Aalagaan ko kayo ng magiging anak natin, kaya hindi mo na kailangang magpatulong mag-grocery sa kung sino-sinong insekto sa paligid."

"Kelvin!" saway niya rito. Halata kasing pinapasaringan nito si Nuel.

Noon siya napaisip. Nagseselos ba si Kelvin kay Nuel kaya kanina pa iba ang kinikilos nito? Kinilig siya sa ideyang iyon. Kung nagseselos ito, ibig sabihin ay nahuhulog na talaga ang loob nito sa kanya gaya ng sinabi nito kagabi.

"Why are you looking at me like that, honey?" nakangiting tanong nito sa kanya. "Ah, I know. You want a kiss, right?"

Inihilamos niya ang kanyang kamay sa mukha nito nang akmang hahalikan siya nito. She loved his kisses, but not in front of their guest! Nag-aalangang sinulyapan niya si Nuel na tatawa-tawa. "Pasensiya ka na rito sa kaibigan mo, Nuel. May hangover pa yata 'to kaya nag-iisip-bata na naman."

Pabale-walang iwinasiwas ni Nuel ang kamay. "Nah, it's fine. Naiintindihan ko naman kung bakit nagkakaganyan si Kelvin. Kung kasingganda mo ang magiging asawa ko, tiyak na magiging overprotective din ako."

Nag-init ang magkabilang pisngi ni Gella dahil sa sinabi nito. She was flattered, of course. "Salamat, Nuel. Rare na ang magagandang tulad ko kaya kapag may nahanap ka, 'wag mo nang pakawalan," biro niya.

Tumawa si Nuel. "Tatandaan ko 'yan."

"Nuel, wala ka bang ibang pupuntahan?" naiinis na tanong ni Kelvin dito.

Siniko niya si Kelvin sa sikmura at pinukol ng nagbabantang tingin. "Umayos ka nga. Bisita natin si Nuel at kaibigan mo siya."

Eksaheradong sumimangot si Kelvin.

"It's fine, Gella. Paalis naman na talaga ako," nakangiting sabi ni Nuel na halatang hindi naman na-offend, kapagkuwan ay tumayo na ito. "Ngayong nakikita ko kayo, naiinggit na ko. Gusto ko na ring mag-asawa."

Biglang umaliwalas ang mukha ni Kelvin. Tumayo ito at hinawakan si Nuel sa magkabilang-balikat. "Magandang ideya 'yan, kaibigan. Mag-asawa ka na. Kung gusto mo, tutulungan kitang i-set up sa mga kilala kong single women na tiyak na type mo."

"Thanks, but no, Kelvin. I can find the woman I want to marry on my own." Tinapik ni Nuel sa balikat si Kelvin, pagkatapos ay nginitian naman siya nito. "Mauna na 'ko sa inyo. Good luck sa marriage n'yo."

Pag-alis ni Nuel ay binato niya ng unan si Kelvin. Tinamaan ito sa mukha.

"What was that for, honey?" gulat na tanong ni Kelvin.

"Honey-hin mo'ng mukha mo. 'Wag mo nang uulitin 'yon. Ayokong binabastos mo ang mga bisita natin."

Guilt flitted across his eyes. "I'm sorry, hon."

Humalukipkip si Gella. "Hindi ka lang sa 'kin dapat mag-sorry. You should apologize to Nuel as well. Hindi maganda 'yong ipinakita mo sa kanya."

"But I was jealous," paghihinanakit nito.

"Ano 'kamo?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Nakasimangot pa rin ito nang umupo ito sa tabi niya. "Nagseselos ako. Kanina, nakita ko kayo ni Nuel na nagtatawanan sa grocery. Hindi ko matanggap na may ibang lalaking nagpapasaya sa 'yo dahil ako ang asawa mo. 'Tapos, napagkamalan pa kayo ng ibang tao na mag-asawa. It just doesn't feel right."

Natahimik siya. Tama nga ang hinala niya na nagseselos ito! Kahit alam niyang mali, nakaramdam pa rin siya ng kasiyahan sa mga nalaman niya. Niyakap niya si Kelvin. "Kelvin, kasal na tayo at magkakaanak na tayo. Hindi mo kailangang magselos. Hindi ka namin ipagpapalit sa kahit sino," paglalambing niya rito.

"I know, honey. I just can't help it."

Nakagat niya ang ibabang labi niya. "You're both annoying and cute when you're jealous."

Ipinaikot nito ang mga mata, saka siya biglang siniil ng halik sa mga labi. "You're my wife and the mother of my child. Hindi ako uupo lang kapag nakita kong may umaaligid-aligid sa 'yo. I don't care if I become rude or mean as long as I can protect my family."

"Amen."

He just laughed and kissed her again.

***

MASAMA ang pakiramdam ni Gella. Mukhang napagod siya sa paglilinis ng bahay. Siguro ay dapat na siyang kumuha ng kasambahay na makakatulong niya sa mga gawaing-bahay. Susundin na niya ang payo ng ob-gyn niya na magpahinga na lang sa halip na kung ano-anong ginagawa niya.

"I'm home, honey! Look at what I got you!"

Lumabas siya ng kusina at nagtungo sa sala. May isine-set up na kung ano si Kelvin doon. "Welcome home, Kelvin. Ano 'yang dala mo?"

Hinalikan muna siya nito nang mariin sa mga labi. "Bumili ako ng Magic Sing para hindi na tayo lalabas 'pag gusto nating mag-videoke. Kapag lumaki na nang husto ang tiyan mo, tiyak na mahihirapan ka nang magkikikilos. Kaya dito na lang tayo sa bahay magkantahan."

Napangiti siya. "Thank you, Kelvin. That's so sweet of you."

Pinisil nito ang baba niya, saka masuyong hinaplos ang kanyang pisngi. "You're welcome, honey." Dumaan ang pag-aalala sa mga mata nito. "Maputla ka. Masama ba ang pakiramdam mo?" Bumuntong-hininga ito. "Siguro napagod ka na naman. Gellabs, alam kong gusto mong gampanan ang pagiging asawa mo sa 'kin, pero ayokong nahihirapan ka. Lalo na't buntis ka. Kukuha na tayo ng kasambahay and it's final."

Tumango si Gella. "Okay. Pero ako pa rin ang magluluto, ha?"

Bumuntong-hininga ito, kapagkuwan ay ngumiti na rin. "Ang kulit talaga ng asawa ko. Pero sige, ikaw pa rin ang magluluto. Gustong-gusto ko rin naman ang mga niluluto ng misis ko."

Natawa siya. "Masaya akong malaman 'yan."

Ngumiti ito. "Ano'ng gusto mong kantahin? Nami-miss ko na ang pagbi-videoke natin." Iniwan siya nito sandali para kunin ang song book sa ibabaw ng center table.

Susundan na sana niya ito pero biglang sumakit ang kanyang puson. Napahawak siya roon at hindi niya napigilang mapasigaw dahil sa matinding sakit.

"Gella!" nag-aalalang sigaw ni Kelvin. Nasalo siya nito bago pa siya matumba.

Nanlamig ang buong katawan niya. Kasabay niyon ay naramdaman niya ang pagdaloy ng malagkit na likido sa kanyang mga binti.

"O-our baby..." nanghihinang sabi niya nang may gumapang na takot sa buong sistema niya.

Marry My Best Friend (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon