"Very good guys!" Palakpak ng choreo namin nangmatapos ang sayaw namin.
"Worth it talaga ang pagkuha namin sainyo bilang scholar dito sa SMent." Pagpuri saamin ni sir Ethan. Ito namang mga kasama ko e todo palakpak at tuwang tuwa. Hindi dahil sa puri ng choreo namin pero dahil uwian na.
"Gusto ko lang magsorry sainiyo dahil hanggang ngayon nakikihati pa rin kayo ng room sa NCT." Malungkot na sabi nito saamin.
"Okay lang yun sir. Mas maluwag din yun saamin at para sakanila. Para habang kami ang nagprapractice, sila naman ang nagpapahinga and vise versa." Sabi ko sakaniya.
Maya-maya lamg ay bumukas na ang pintuan at andito na ang mga susunod na oocupy ng room na ito.
"O andito na pala ang NCT. Pwede na kayo magpahinga. Tomorrow 6:00am magkita kita nalang uli tayo dito." Nauna nang lumabas amg coach namin. Samantalang kami nagliligpit pa ng mga bag. Yung iba naman nagbibihis. At isa ako dun. Magbibihis ako pagkatapos nila.
"Kamusta practice niyo?" Tanong saakin ni Lucas. Pinatong nito ang malaki niyang kamay sa ulo ko.
"Ayos lang naman. kalahati na kami ng kalahati." Medyo napaisip ako kung magandang bagay ba yun kasi halos dalawang buwan na kami dito sa SoKor pero yun palang natatapos namin.
"Okay lang yan. Matagal pa naman performance niyo e." Ginulo nito ang buhok ko at umupo sa sofa sa loob ng practice room. Nakita kong lumabas na ng cr si Maeyan kaya ako na sumunod.
Since aft nitong practice namin ay may volleyball training pa ang ilan saamin, magpapalit lang ako ng orange jersey shorts(which is school color namin) tsaka plain black t-shirt since alam ko na madudumihan kami mamaya.
Paglabas ko ng cr nagsuot ako ng training shoes ko. lima pa silang naghihintay para magbihis kaya naupo muna ako sa tapat ng fan at nagpalamig. Kahit malamig naman talaga kahit d ka tumapat sa fan.
"Mich!!!!" boses pa lang kilalang kilala na.
"Taeyong oppa." Bati ko dito nang akbayan ako nito at halos masubsob na ako sa sahig sa ginawa niya.
"O? May training nanaman kayo?" tinulungan ako nito itali ang sintas ko habang nasa tabi ko siya. Tinignan ko naman ito. Ang fresh niya a. Bagsak lang ang buhok niya at naka-all black.
"Hey. Stop looking. Naiilang ako." Sabi nito saakin nang nakangiti at tinampal naman ako ng mahina.
"Napasulyap lang ako bhie." Binalik ko naman sakaniya yung tampal niya. Kaya ang ending, nagtulakan kaming dalawa.
"Hoy Michelle, tara na. Malalate na tayo sa training tama na harot." Sabi ni Patrice saakin. Babae po siya. Babae.
Tinulak naman ako ni Taeyong. hayup to. Hayup.
Tumayo na ako atsaka kinuha ang bag kong napakabigat. May libro pa ito galing school.
Napatingin naman ako kay Jaehyun. Nakatingin ito saakin. Nginitian ko ito. Pero imbis na ngumiti pabalik, ay umiwas ito ng tingin at lumapit kay Winwin. Owmy my JaeWin heart 💚💚