Chapter 4

10 0 0
                                    

Pagkatapos ng pangyayare noong isang araw, hindi na maalis sa isip ko si Jaehyun. Lagi din kasi dumadalaw ang NCT sa training namin. Minsan kasama nila ang red velvet. At tulad ng sabi ni Taeyong, hindi nga siya nakakadalaw kasi marami siyang kailangan intindihin.


Ang nakakalungkot lang, sa loob ng tatlong araw, hindi manlang bumisita si Jaehyun dito. Ang OA ko naiiyak na ako dito. Ipinikit ko na muna ang mata ko dahil sobrang napagod ako sa 50 pushups and sit ups na pinagawa saamin.


"Oy Jaehyun hyung! Buti nakadalaw ka." Nanginig ako ng beri slight. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Jaehyun na nakatingin sa gawi ko.



"Dinalhan ko kayo ng foods. Alam kong kailangan niyo kumain para sa laban niyo." Nakangiting sabi ni Jaehyun. At ang nangunguna, ang napakakapal, Marc Hespanosa.




"Hoy Hespanosa, onti hiya man." Sigaw ko dito. Napansin ko ring napangiti si Jaehyun.



"Salamat dito Jaehyun oppa. Hindi ka na dapat nagabala. Alam naming busy din kayo sa practice niyo pero bumibisita pa rin kayo dito." sabi ni Noelle at kinuha ang dala ni Jaehyun.




"Ayos lang. Wala rin naman kaming ginagawa sa practice room e." ngumiti naman itng si Jaehyun. KANINA KA PA NGUMINGITI A!




"Mich, lagay mo nga sa lamesa." Inabot naman sakin ni Noelle ang paper bag na may lamang mga burger at fries. Gutom na akooooooo.




"Lalabas muna ako a?" kinuha ko ang bag ko at lumabas ng gym. nastrestress ako kay Jaehyun. Napakapakapogi.




Nakakagutom yung mga dala ni Jaehyun punyeta. Lalabas muna ako ng building. Bibili nalang siguro ako ng kahit anong streetfoods.





"Hey, bakit hindi ka kumain don?" nagulat ako nang magsalita ito sa tabi ko.



"Ha?" nawala nanaman ako sa sarili ko. Bakit ba kasi ang perfect nitong si Jaehyun?




"Kumain ka na dun. Dinalhan pa naman kita ng paborito mo." tinalikuran na ako nito at mukhang babalik na siya sa practice nila.





Medyo natulala ako sa sinabi ni Jaehyun. Ano daw? Paborito ko? Hindi ko naman paborito ang Burger at fries a?





Pumasok na ako ng gym at sinalubong ako n Noelle.





"Oh Mich, buti at bumalik ka. Dinalhan ka pala ni Jaehyun oppa ng Carbonara. Diba paborito mo ito? Pano niya nalaman? Close kayo?" Sunod sunod na tanong ni Noelle. Na maski ako ay di makasagot dahil hindi ko rin alam.





"Baka nalaman lang niya kay Taeyong." Tipid n sabi ko sakaniya at sinimulang kainin ang carbonara. Shit ang sarap!





"Hyung, ano yang ginagawa mo?" Tanong ni Mark kay Jaehyun na kasalukuyang naggigisa ng bawang at sibuyas.




"Nagluluto ako ng carbonara." Sagot ng binata dito. Nagliwanag naman ang mukha ng kausap nito.




"Talaga hyung?!" napansin naman ni Jaehyun na umaasa ang binata na para sa mga miyembro ang luto nito.



"Hindi to para sainyo." Nakangiting sambit ni Jaehyun.




"E para kanino hyung?" Ngumiti lang ito nang hindi tinitignan ang nakabanatang myembro.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GlimpseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon