Nakabihis na ako...ngayon...pagsamba Namin. Kailangan maaga ako dahil tutupad pa ako Ng mang aawit.
"6:40....." Sabi ko sa sarili ko habang tinitignan Ang orasan.
"Ishi...Tara na." Sabi Ni ate na kakababa Lang galing sa kwarto.
"Ah...oo." Sabi ko at kinuha na Ang bag ko na pinaglalagyan Ng toga ko. Lumabas na kami ng bahay at nagpara Ng tricycle.
"Para Po!!" Sabi Ni ate sa tricycle driver. "Sa Sevilla Po sa Iglesia." Sabi ni ate at sumakay na kami sa loob. Umaandar na Ang sasakyan at nalampasan na namin Ang Mang Inasal sa High Way. Pataas na kami Ng bigla akong may nakitang maliwanag na puting ilaw sa harapan Namin.
"Huh?? Ano Yun??" Tanong ko Kay ate at itinuro Ang ilaw na nasa harapan ko.
(A/N: Yung puting ilaw Dito ay isang portal. Just a little bit exaggeration and fantasy Lang Po ^^)
"Huh?? Anong ilaw?? Wala Naman ah." Sabi Ni ate.
"Meron!! Ayun oh nasa harapan na natin." Sabi ko.
"Wala----"
"Ano Yun??" Tanong ko. Bigla nalang tumahimik Ang kapaligiran at napunta Ang tricycle sa loob Ng maliwanag na ilaw. Pinikit ko Ang mga mata ko dahil napakaliwanag ng ilaw. Nung minulat ko Ang mga mata ko ay nasa loob pa Rin kami Ng tricycle pero bago na Ang itsura pati Ang mga buildings sa kapaligiran ko ay iba na Rin.
"Huh?? Anong nangyari?? Bakit-" Binulong ko sa sarili ko pero Hindi ko naituloy.
"Hehe! Excited na ako Rim!! Makakasama mo na Rin Ang beloved boyfriend mo sa pagtupad!!" Biglang Sabi Ni ate ko na iba na Ang hairstyle at pananamit kumpara sa long sleeves na puti at black na palda. May dala na rin siyang Bata sa kanya.
"Huh?? Pagtupad?? Teka.. boyfriend?? And Sino yang bata na Yan??" Tanong ko. Naguguluhan na ako sobra. Ano ba Ang nangyayari??
"Haha!! Yan ka nanaman sa biro mo. Diba itong si Reichard ay anak ko? Ikaw pa nga Ang tita niya eh. Inaasar mo nanaman Yung Bata eh. Tsaka ano ka ba? May amnesia? Tama na Ang biro Rim. Malapit na kayong magkasama Ni ****-- sa pagtupad sa mang aawit Ng katandaan! Yung beloved Boyfriend mo!!" Sabi Ni ate na kinikilig.
(A/N: Hindi ko muna babanggitin Kung Sino :P...and also....nagtravel si Ramses sa 'maaaring' future at Ang pangalan niya na ay Rim. Just enjoy.)"Huh?? The he-- Sino daw?? Siya? Boyfriend ko?! Oh no! Nasaan ba ako?!" Bulong ko sa sarili ko at tumingin sa paligid. "(Year....3018?!?!?! The fudge?! Iba narin Ang mga buildings!! For the love of!! Ugh!! Ano bang nangyayari?! *Gasp* paano Ang paghuhukom??) A-ate.....paano na Ang paghuhukom?? Tsaka...3018?? Anong nagyayari??" Tanong ko Kay ate.
"Yan ka nanaman sa biro mo. Duh...tapos na Ang dati. 3018 na Po noh? Pagbabago nanaman Ang aabutin natin ngayon. Haha! Ganoon kaba ka excited na kailangan pang mawala Ang ideya sa kukote mo?? Nevermind." Sabi niya.
"Da fudge? Tapos na? Anong pagbabago Ang sinasabi mo?? Ah!! Ugh!!!" Habang nagtatanong ako at biglang sumakit Ang ulo ko at nakarinig ako Ng nakakairita at matinis na ingay.
"Rim?? Rim!?! ---------------"
Wala na akong narinig kundi Ang pangalan na Rim. Lumiwanag uli Ang kapaligiran at nabalik na ako sa dati.
"Ishi!! Ishi!?!! Hoy!!" Narinig Kong tawag sa akin Ni ate.
"Huh??? A-ate. Ahh!!" Sabi ko at malapit na akong maluha dahil SA sobrang sakit Ng ulo ko.
"Uy!! Anong nangyayari SA iyo?! Ishi?!!" Sabi niya at yinuyugyog na ako.
"Ah...*sob* ate...ahh....*faints*" Tumulo Ang luha ko at ate nalang Ang huling nabanggit ko bago dumilim Ang lahat sa kapaligiran ko. I guess this is my end.
Ria's POV.
Ilang beses Kong tinawag Ang pangalan Ni Ishi nung nawalan siya Ng Malay.
"Ishi!! Ishi!! Gumising ka!!" Sigaw ko habang nasa kamay ko siya. Malapit na ako maluha. Nakita Kong dumadaloy parin Ang luha niya kahit nakapikit na siya. "Kuya!! Ipunta mo ako sa ospital ngayon!! Dali!!!" Utos ko sa driver.
"Ah! Opo ma'am!!" Sabi naman Ng driver at nagmadaling pumunta sa ospital.
"Ishi. Gumising ka!! Papunta na tayo sa ospital Kaya gumising ka Naman pakiusap!!" Sabi ko at naiiyak na ako.
Minutes later:
Author's POV
Nasa ospital na ngayon Ang ate Ni Ramses na tinakbo siya at Ang kuya Ni Ramses pati narin Ang papa nila. Nakaupo si Ria sa gilid Ng kamang hinihigaan Ng nahimatay na si Ramses. Biglang pumasok Ang doctor.
"Doc!! Kamusta na Po Ang kalagayan niya??" Tanong Ng papa Ni Ramses.
"Okay Naman na siya ngayon sa sakit Ng ulo niya at magigising na siya mamaya. Pero Ang ikinululungkot ko Lang sir ay..." Sabi Ng doctor at tumingin Kay Ramses pero Hindi tinuloy ang pagsasalita niya.
"Ano Yun doc??" Tanong Ng papa ni Ramses.
"Pa!! Pa!! Si Ishi! Gising na!!" Sabi Ni Ria. Pumunta Ang doctor at Ang papa Ni Ramses sa kanya.
"Anak! Anak! Gising ka na!" Sabi ng papa Ni Ramses na masayang masaya. Hahawakan na sana Ni Ria Ang kamay niya pero..
"Huh?? Anak? Umm....mawalang galang na Po...pero Sino Po Kayo??"
To be continued.
YOU ARE READING
Memories
RandomJust another story of my character from Different Types..Ramses ^^ only in Tagalog version. Kwento ito tungkol Kay Ramses Ishrah Munar na nawalan Ng memoriya o Ang tinatawag nating 'Amnesia'. Lahat ay nakalimutan niya maliban sa pag aaral,talino, pa...