Reminiscing Memories

9 0 0
                                    

Nawala ang memorya Ni Ramses a.k.a Ishi at lahat Ng mga kaibigan at pamilya ay nalungkot nang kanila itong malaman. Hindi sila makapaniwala na lahat lahat Ng kanyang memory ay nawala maliban sa kanyang tungkulin. Lahat sila ngayon ay nasa kapilya na at medyo kumalma na Rin. Bumalik sila kani-kanilang upuan at Ang ilan sa kanila ay natanggap na Ang pagkakaroon niya Ng amnesia.

"Hmm....bakit parang...Ang lungkot ninyong lahat??" Tanong ni Ishi.

"Huh?? Syempre magiging malungkot kami. Dahil Ang importante naming kaibigan ay nawalan ng memorya." Paliwanag ni Kate.

"Eh....ganoon pala ako kaimportante. Ah...umm...ate Kate." Sabi Ni Ishi.

"Ate?!" Pagkasabi nila Kate at Christle.

"Huh?? Anong nakakagulat?? Di ba mas matanda si Ate Kate sa akin??" Pagtataka Ni Ramses.

"Umm...oo nga pala Hindi Mo maalala. Umm..kasi...dati ay hindi mo tinatawag si Kate Ng 'ate kate' eh." Sabi ni Irish.

"Eh....ganoon ba ako??" Pagtatakang Sabi ni Ramses.

"Oo...pero kahit ganoon..masaya ka paring Kasama." Sabi Ni Kate at ngumiti.

"Heh....pwede po bang kwentuhan niyo pa Po ako tungkol sa sarili ko?" Tanong Ni Ramses.

"Eh? Okay Lang ba iyon sa iyo?" Tanong Ni Kate.

"Opo...kahit ano man Po Ang mangyari...nais ko talagang malaman Ang tungkol sa akin dati." Sabi ni Ishi.

"Sige ba...hmm...Kung ilalarawan Kita...makulit man pero mabait parin...malakas na babae at may takot sa Panginoon at pamilya. Hindi Mo rin pinapabayaan Ang tungkulin at pagsamba mo. Kung Hindi ka nakakatupad o nakakasamba ay maiiyak ka. Masayahin at matapang ka Rin. Kahit malungkot ka Na ay ngumingiti ka pa Rin. Ikaw na itong malungkot pero kami parin Ang pinapasaya mo. Malakas din Ang tiwala mo sa mga pinagkakatiwalaan mong kaibigan. Minsan straightforward ka pero minsan Hindi Mo masabi Sabi Ang nararamdaman mo. Ano man Ang mangyari inuuna mo pa rin Ang pag aaral mo. Always ka ring top sa klase ninyo. Mahilig ka ring umawit at sumayaw. Kung may problema ka ay sinasabi mo agad. Nakikinig ka Rin sa Amin Kung may problema kami. At higit sa lahat,mapagmahal ka sa amin." Kuwento ni Kate at naluluha na.

"Huwag ka nang malungkot." Sabi Naman Ni Ishi at pinunasan Ang mata ni Kate. "Ipapangako ko na...maaalala ko Rin Ang lahat. Hindi ko nga Lang Alam Kung kelan..hehe." Dagdag niya at ngumiti. "Ganoon pala Ang ugali ko." Sabi niya. Pinikit Ni Ramses Ang mga mata Niya at may naalala siya.

Flashback:

"Ako si Kate! Maging magkaibigan tayo!" Sabi Ng dating Kate.

"Ah..oo." Tugon Naman Ng mahiyain na dating Ishi.

.... ..

"I love you beshie!!! I will always love you!!" Sabi Ng 14 years old na Kate.

"Haha...oo na..I love you too bes." Tugon Naman ni Ishi.

End of flashback:

"Ishi??" Tanong ni Kate.

"Ikaw si Kate Fajardo. Ang unang babaeng best friend ko. Ikaw parati Ang nakikinig sa akin at nagsasabi Ng 'I love you'. Hindi Kita tinatawag na ate pero mataas parin Ang respeto ko sa iyo. You were my beloved bestie." Sabi Ni Ramses at ngumiti.

"I-ishi?? N-naaalala mo na ako?" Tanong Ni Kate.

"Hehe...konti Lang. Binanggit ko Lang Ang mga nag flashback sa memorya ko. Sorry." Sabi Ni Ramses.

"Hindi ayos Lang. Ang mahalaga...unti unti mo nang nababalik Ang memorya ko." Sabi Ni Kate.

"Oo...sana nga mabalik ko ito Ng mas maaga." Sabi niya at ngumiti ng matamis.

"Ah...sa wakas bumalik na Rin si Brylle." Sabi bigla Ni Christle.

"Huh?? Brylle?" Tanong ni Ishi.

"Ah...Hindi Mo pala naaalala...ayun siya oh..Yung lalaking matangkad,maputi,naka-eyeglass,at medyo mahaba Ang leeg." Tugon ni Christle at tinuro si Brylle.

"Ah...Ang gwapo niya. O///O." Sabi Ni Ishi.

"Iyon parin Ang iniisip mo sa kanya? Crush Mo Kaya Yan." Sabi Ni Irish.

"Eh?? Crush ko Yung sinasabi niyong Brylle?" Tanong bigla Ni Ramses.

"Oo...first crush mo...nagkacrush ka sa kanya nung nasa cheering Kayo. Pero sigurado ako na Hindi Mo na naaalala." Sabi ni Kate.

"Eh...cheering?" Sabi ni Ramses. Nag isip uli siya at napapikit nanaman Ng mata.

Flashback:

"Haha!! Nice coincidence! I hope we make a great team!"

"Ishi!! Practice tayo!!"

"Libre mo ako ah!!"

End of flashback:

"Eh??" Biglaang pagtataka Ni Ramses.

"Huh?? Bakit?? May naalala ka ba??" Tanong Ni Kate.

"Medyo....pero parang malabo...na Ewan??" Naguguluhan na siya.

"Ah....okay..." Disappointed na Sabi Ni Kate.

"Ah!! Sorry...medyo Wala akong naalala." Sabi Ni Ramses.

"Hindi okay Lang...hindi mo Naman kailangan maalala agad eh...take it slowly nalang bes." Tugon Ni Kate at ngumiti.

"Salamat pero...Bes??" Tanong ni Ramses.

"Ah...Bes Kasi tawag ko sa iyo dati...okay Lang ba Kung kahit ngayon ay itawag ko rin sa iyo Yun??" Tanong Ni Kate.

"Ehehe!! Okay Lang!! Feeling ko mas close uli tayo pag tinawag mo akong 'bes'." Sabi Ni Ramses at ngumiti.

"Mmm....wah!! Ang bait mo pa Rin talaga beshie!!" Tugon Ni Kate na naluluha at binigyan Ng yakap si Ramses.

"Hehe....Tama na...Tama na." Sabi Ni Ramses at hinaplos Ang buhok Ni Kate. Hindi nila namalayan na may nanonood na sa kanila.

Brylle's Side:

"(Ramses.....Hindi Mo na ba talaga kami naaalala?? Ang mga pinagsamahan natin??)" Pag iisip Ni Brylle habang nakatingin Ng malungkot kela Kate at Ramses. Napatingin si Ramses bigla Kay Brylle. Ngumiti si Ramses Kay Brylle.

"(Pero....kahit ano mang mangyari....siya parin Ang Kilala Kong masiyahin na Rimie.)" Pag iisip ni Brylle at ngumiti pabalik.

"Woy Bro!!" Biglaang Sabi ni Ivan.

"Ah... Ivan...bakit??" Tanong niya.

"Nag aalala ka pa Rin ba Kay Ishi??" Tanong Ni Ivan.

"Ah....paano mo nalaman??" Tanong Ni Brylle pabalik.

"Lol....ilang years na tayong mag best friend Kaya Kilala na Kita. Huwag Kang mag alala...sigurado Naman akong Hindi siya pababayaan Ng Panginoon. Tsaka...Hindi lang ikaw Ang malungkot no...Marami sa atin Ang nalulungkot." Paliwanag ni Ivan.

"Tama ka....pero mas maganda na Rin na buhay pa siya kesa Naman tuluyang mawala Ang buhay niya sa mundo. Sapat narin Naman na nakikita ko parin siyang masaya kahit Wala siyang naaalala....kahit Hindi niya na maalala Yung pinagsamahan Namin." Sabi ni Brylle habang tumingin Kay Ramses. Tinignan nalang ni Ivan si Brylle at Ramses.

"Tama ka."

To be continued.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 06, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MemoriesWhere stories live. Discover now