"Huh? Anak?? Mawalang galang na Po pero...Sino po kayo??" Tanong ni Ramses.
"Huh?? Ako ito anak! Ang papa mo!" Sabi Ng papa Ni Ramses.
"Pa-pa??" Tanong niya.
"Ishi? Ano ka ba? Tama na Ang biro." Sabi Ni Ivan.
"Ishi?? Ako ba Ang tinutukoy niyo??" Sabi ni Ramses at itinuro Ang sarili niya.
"Huh??" Lahat ay takang taka sa nangyayari.
"And that's what I am talking about sir. I'm sad to say na dahil sa pagsakit sobra Ng ulo Ng Bata ay Wala siyang naaalala kahit Ang pangalan niya. Ang natitira nalang niyang ala ala ay Ang mga pinag aralan niya,Ang katalinuhan niya,Kung paano magsulat,Ang panlasa,at iba pang educational things." Sabi Ng doctor.
"Huh?? Ibig Sabihin ba noon ay....may Amnesia Ang kapatid ko??" Tanong ni Ria.
"Opo." Sagot nalang Ng doctor na nalulungkot.
"Hindi..." Sabi ni Ria sa sarili at naluha nalang.
"Eh?? Miss...anong nangyari?? Bakit ka umiiyak?? Tama na....masisira yang maganda mong mukha." Sabi ni Ramses at nilagay Ang kamay niya sa ulo Ni Ria.
"*Sob* Ishi...." Sabi nalang Ni Ria at niyakap si Ramses.
"Oh? Kalma na." Sabi Ni Ramses. "Umm...itatanong ko lang Po....anong oras na Po?" Tanong Ni Ramses.
"Huh?? Um...7:10 na." Sabi Ni Ivan.
"Eh?? 7:10?! Kailangan ko na Po magmadali!! Tutupad pa Po ako!!" Sabi ni Ramses.
"Huh?? Naaalala mo Ang tungkulin at pagsamba mo?? Pati Ang relihiyon mo??" Tanong Ni Ria.
"Eh? Opo!! Syempre!! Ayaw na ayaw ko pong kalimutan Ang tungkulin ko at pananampalataya ko!!" Sabi Ni Ramses. "Umm...Mr. Valles??" Tanong ni Ramses sa doctor.
"Yes??" Sagot nung doctor.
"Maaari Po ba na sumamba muna Po ako? Ayaw ko Po kasing Hindi ako makasamba. Pakiusap po doc!" Sabi Ni Ramses.
"Sige Lang. Kung gusto mo ay maaari ka na ring makauwi." Sabi Ng doctor.
"Maraming salamat Po. Teka....wala akong pamasahe!!" Nagpanic si Ramses.
"Ihatid na Kita. Sa Sevilla ka diba??" Tanong Ni Ivan.
"Ah opo." Sabi ni Ramses.
"Magsabay na tayo. Papunta na Rin ako dun eh." Sabi Ni Ivan.
"Ah... Maraming salamat Po!" Sabi Ni Ramses.
"Ria...makisabay ka na Rin sa kanila." Sabi Ng papa Ni Ramses.
"Ah. Opo." Pagsunod Ni Ria at umalis na silang tatlo.
"Doc,anong ibig Sabihin nung nagyari kanina??" Tanong ng papa ni Ramses.
"Hmm...base sa naobserbahan ko kanina,mukhang may Iba pa siyang naaalala bukod sa mga may kinalaman sa pag aaral. Basta Po sir,huwag niyo nalang Po muna siyang pilitin na alalahanin Ang lahat,Kung maaari Po sana ay obserbahan niyo muna Kung may Iba pa siyang naaalala. Kung Meron man Po ay bumalik Po Kayo Dito kahit once or twice a month Lang Po para ma check up siya. Don't pressure her. " Sabi Ng doctor.
"Opo. Maraming salamat Po." Sabi Ng papa Ni Ramses.
"Sige sir. Marami pa Po akong pasyente. Mauna na Po ako." Sabi Ng doctor at umalis na.
On the siblings' side.
Nasa kapilya na ngayon Ang magkakapatid. Nauna nang pumunta sa loob Ng dressing room si Ramses pagkatapos na ituro sa kanya Ang direksyon. Lumuob narin sila Ivan at Ria.
"Sa tingin ko mas magandang huwag na muna nating I pressure si Ishi at pagtanungan tayo Ng mga tao. Mas maganda Kung Sabihin nalang natin na nawalan siya Ng memorya." Sabi Ni Ria.
"Mas mabuti na nga Kung ganoon." Sabi Naman ni Ivan.
"Okay. Kausapin mo Ang mga kagawad at kakausapin ko Ang mga mang aawit." Sabi ni Ria. Nagsimula na silang magpaliwanag.
Kay Ria.
"Mga mang aawit. Kumpleto na ba Kayo Dito??" Tanong niya SA lahat Ng mang aawit.
"Opo ate pero si Ishi nalang Po Ang hinihintay." Sabi ni Kate.
"Mabuti Kung ganoon at may importante akong sasabihin. Magsilapitan Kayo sa akin." Sabi ni Ria.
"Mga mang aawit! Lapit daw Po sa pangulo!!" Utos Ni Kate at nagsilapitan Ang lahat. Nanahimik na Rin sila.
"Pakiusap makinig Kayo. Sa totoo Lang ay nawalan Ng memoriya si Ishi. Yung bunsong ading ko. Kaninang umaga Lang bago kami nakapunta dito." Sabi Ni Ria na puno Ng kalungkutan.
"Huh?! Ano?!" Gulat na gulat nang sinabi Ng buong mang aawit Kasama narin Ang organista. Bakas sa mukha nila Ang lungkot at gulat.
"P-pero...Kung may Amnesia siya....paano niya naaalala Ang pagtupad niya??" Tanong ni Christle.
"Yun Ang Hindi Namin maintindihan. Pero sa palagay ko ay...lahat Ng may kinilaman sa tungkulin,Ang pag aaral at Ang sarili niyang alaala sa relihiyon ay naiwan sa puso't isipan niya." Paliwanag ni Ria.
"Ibig Sabihin ba nun ay....Hindi niya nakalimutan ang tungkulin at pag aaral niya?" Tanong Ni Irish.
"Oo...pero mas maganda na Rin sigurong obserbahan natin siya Kung may naalala pa siyang iba. Pero please...wag niyong i-pressure sa mga katanungan si Ishi....once na mapressure siya...may posibilidad na sumakit Ang ulo niya at mahimatay uli dahil pag nangyari Yun ay ibig Sabihin ay pinipilit niyang alalahanin Ang lahat. Kaya pakiusap....Kung ayaw niyo siyang masaktan...dahan dahanin niyo nalang. Mabuti na Rin na Sabihin niyo sa ibang kakilala niya at kakilala niyo na gawin din Yun. Baka Kasi magkaroon Ng kaguluhan Dito Kung nawirduhan sila sa kanya." Sabi ni Ria.
"Opo." Lahat sila ay sumagot.
"Salamat. Yun Lang Ang masasabi ko...sa ngayon....pakibantayan muna Ang kapatid ko." Sabi ni Ria at umalis na. Biglang nagbulungan Ang lahat habang Ang iba ay bumalik nalang sa kani-kanilang upuan Ng tahimik at malungkot.
"Haluh.....bakit kailangan pang mangyari ito sa ating magkakaibigan?" Sabi Ni Kate na medyo naluluha. Bumukas Ang pinto Mula sa dressing room at nakita nilang lumabas si Ishi. Nagsitinginan Ang lahat sa kanya.
"E-eh?? B-bakit Po?" Tanong niya. Lumapit si Ishi at pumunta sa mga upuan. "Saan Po ako uupo??" Tanong niya. Tinuro ni Christle Ang 8th bench.
"Dito....sa gitna." Sabi Ni Christle.
"Salamat Po." Sabi Ni Ishi at naupo doon. Nakatingin pa Rin sa kanya Ang mga mang aawit.
"I-ishi...." Pagtawag Ni Kate at lumapit sa kanya.
"Umm.....Sino Po Kayo??" Tanong ni Ramses.
"A-ako ito!! Si Kate!! Ang best friend mo. Kami ito. Hindi Mo ba talaga kami naaalala?" Sabi Ni Kate at naiyak nalang habang niyakap si Ishi. Hindi maintindihan Ni Ishi Ang nagyayari pero binalik niya nalang Ang yakap.
"Pasensya na....Wala talaga akong maalala."
To be continued.
YOU ARE READING
Memories
RandomJust another story of my character from Different Types..Ramses ^^ only in Tagalog version. Kwento ito tungkol Kay Ramses Ishrah Munar na nawalan Ng memoriya o Ang tinatawag nating 'Amnesia'. Lahat ay nakalimutan niya maliban sa pag aaral,talino, pa...