Mga Alon ng Nakaraan

10 2 0
                                    

Three years ago...





"Ready kana ba mamaya, Amara ihja?" Tanong sa kanya ng Tita Anna niya na matalik na kaibigan ng Mommy niya. Her mom's bestfriend since hindi pa siya pinanganak.





"Of course, all I have to do is to stand there" anya sa nababagot na tono. Her Tita Anna just smiled because she knows her well at hinayaan na lang siya nito. Nothing can please Amara the prim and proper na nagiisang anak ni Lia Fontanilla. Kilala siya ng lahat lalo na ng mga kalalakihan because she's devastatingly beautiful and gorgeous. Kung hindi lang siya pinilit ng Mom niya na pumunta sa auction ng Tita Anna niya ay tiyak hindi siya dadalo dahil mababagot lang siya. Everything in this world ata ay bore lang para sa kanya.





Lahat ng pera na makukuha sa Auction ay idodonate sa mga batang hindi mapaaral ng sariling magulang. May gintuang puso ang Tita Anna niya dahil wala na itong ibang ginawa kundi tumulong sa mga nangangailangan. Amara doesn't like helping fortunate people dahil para sa kanya paano sila tatayo sa kanilang sariling paa kung tulong ka ng tulong?





Bahagya siyang napairap. She saw the emcee approach the podium with a gavel.

"The fun part of the evening will finally begin" the emcee said with a grin "The Auction you all have been waiting for, the first item up for bid..."





The Auction began with her Tita Anna's expensive vintage car. Marami ang nag agawan at nagpataasan ng bid upang makuha iyon pati ang mga sumusunod pang mga bagay gaya ng ring, expensive handbags, vacation trip na ipinabibili, necklace at iba pa. Her Tita Anna owns a Hospital at iilang mga Hotel kaya mayaman ito unlike her Mom na bankrupt ang sariling kompanya, but Amara's fine with it kung kaya niya namang tumayo sa sariling paa.





"And now for our very last and very special item" said the emcee when the Auction came to the last item. "A special dinner with Amarianara Fontanilla" umismid si Amara nang banggitin ng emcee ang buong pangalan niya dahil kung ano ang kinaganda niya tila anong kinapangit naman ng pangalan niya. She doesn't like her name dahil tila hinalungkat pa ito sa baul ng Mommy niya. Tinungo ni Amara ang center ng ballroom kung saan ginanap ang Auction. A spotlight fell on Amara. She was standing alone at the center of the ballroom. Lahat ng mga mata ng lalaki awtomatikong nakatuon sa kanya. All men in the ballroom looked at her na parang hinuhubaran siya. Her beauty stand out at bumagay sa kaniya ang gown na suot.





"One man will win the special dinner with one and only Amara Fontanilla. The bidding starts with one hund..."


"Three hundred thousand" putol ng isang lalaki sa sasabihin ng emcee.


"Half a million" sabi pa ng isa.


"One million!" Sigaw ng isang matandang lalaki na nasa singkwenta na ang edad.


"One million for Amara Fontanilla" sabi ng emcee.





"Oh, God" hindi makapaniwalang bulong ni Amara sa sarili. Ayaw niya sa isang matandang businessman na singkwenta ang edad makipag dinner date. Gosh! She's only nineteen years old. Hindi nagpakita si Amara na kinakabahan siya sa pwedeng mangyari, she needs to control herself. Inaayos niya ang tayo. Tinitigan niya ng mga taong tila napapako ang tingin sa kaniya. Kailangan niya gumawa ng paraan para hindi matuloy. She looked at her Mom. Mom, gumawa ka ng paraan pero nginitian lang siya nito na tila hindi nababasa ang mga mata niya. Her eyes searched for Gian at nakita niya itong nakangiti sa kanya. Tiim na tinitigan niya si Gian at alam ng binata na kilangan niya ito. Umiling iling si Gian at nagkibit balikat, may sinsabi ito pero hindi ni Amara marinig. Napatingin siya sa paligid dahil baka na nahahalata ng mga bisita ang ginagawa niya at ngumiti ng pagkatamis at muling binaling ang tingin kay Gian. Shit Gian help me! Pero tila wala siyang magagawa.





La Isla InnosentesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon