BZZZTTTT
"7:30 AM"
"Pucha!" naknang tokwa baka ma-late ako nito
Nang nakita ni Nica kung anong oras na bilis-bilis siyang naligo at nag-ayos ng gamit niya dahil pihadong malelate na naman siya sa first class niya.
"Nica, tinanghali ka yata?" Pagtataka ng mama niya
"Hindi ko na naman naset yung alarm, Ma." Sabi ni Nica sabay subo ng sandwich at kuha ng sapatos niya
"Dumating na pala yung inorder mo na libro."
"Palagay nalang po sa kwarto" Pagmamadaling sabi ni Nica habang inaayos ang gamit niya
"Bye, Ma!" Sabi ni Nica at sabay beso sa Mama niya
"Mag-ingat ka, anak!"
"Isang Sta. Mesa ho, estudyante!" Sabi ni nica sa tsuper at bigay ng bayad niya
*tingin sa relo*
"15 mins... 15 mins... kaya yan." Bulong niya sa sarili niya
Bigla namang lumiko ang sinasakyan niya na jeep sa pinakamalapit na gasolinahan
"Ay, kapag sinuswerte ka nga naman. Konting kembot nalang malapit na tas bigla pang lumiko." Sabi ni Nica na narinig ng tsuper
"Alam mo, hija kung hindi ka makakapaghintay uso naman na bumaba at lakarin mo na." Pangbabara sakanya ni kuya driver
Well, may point naman si kuya
"Galing niyo ho, kuya. Hindi ko naisip yun ah! Sige ho baba na ako." Sabi ni Nica bago bumaba ng jeep
Dali-dali namang naglakad si Nica dahil baka malintikan na naman siya sa prof niya. Kaya naman siya nabansagan na Nica "Huli Ka" Mendoza. Literal na huli. Kase lagi ba naman siyang nalelate sa class niya.
___________________________________________________________
"Sakto!" Tuwa niyang sabi saka umupo katabi ni Kevin
"Hi, Kev." Bati niya sa kaibigan
"8:27... not bad."
Si Kevin. Ang Early Bird Catches The Worm type of guy. Hindi niya rin alam kung bakit niya naging kaibigan ito dahil medyo kasalungat niya ito. Si Kevin yung tipo ng estudyante na NEVER as in NEVER na-late. Pero kahit may pagkakaiba sila ni Kev, click na click naman ang pagkakaibigan at sense of humor nila.
"Nics, hindi ka ba nagsasawang magsulat maghapon at magdamag? Parang yan nalang lagi ang ginagawa mo eh." Panguusisa ni Kev
"Grabe siya, nawiwili lang. Eto lang naman ang nakakawala ng stress ko ngayon noh. Kaya hayaan mo na ako." Pagpapaliwanag ni Nica habang patuloy ang pagsusulat
"Ano pa nga ba ang magagawa ko. Sayang naman ang mga nagasta mong pera mo sa kakabili mo ng mga romance novels kung hindi mo siya gagawing inspiration sa mga sinusulat mo." Sabi ni Kev
Patuloy lang si Nica sa pagsusulat ng sinasabi niyang 'Nobela' daw niya. Nakakaya naman niyang pagsabayin ang pakikinig sa klase at pagsusulat. Mantakin niyo na kahit laging late at wala sa klase ang pagiisip ni Nica ay napapasama pa siya sa list ng DL.
"Tara na..." sabi ni Kev
"Wait lang, andito na ako sa exciting part mg storya ko." Sabi ni Nica na focused parin sa sinusulat
"Tsk. Mauuna na ako at sumunod ka ah." Sabi ni kev sabay tayo at labas ng room
___________________________________________________________
"Asan na kaya ang Guevarra na yun?" Sabi ni Nica habang hinahanap si Kev sa auditorium
"May sasalang na namang panibago." Sabi ni Kev na asa likuran niya
"Hindi parin ba tayo nakakahanap ng gaganap sa role ni Natalia?" Tanong ni Monica
*nagkibit balikat si kev*
"Mataas ang standards ni President, malamang aabutin naman ng buwan nito."
"Acting ba 'yan?" Sabi ng lalaki sa likuran ng audi habang maingay na kinakain ang Nagaraya na hawak niya
"Aba sino tong lalaking to?" Pagatataka ni Nica at papalapit sa lalaki
Humarang naman si Nica sa harap ng lalaki para makuha ang atensyon niya
"Uy, umisod ka ng konti. Kita mo naman na nanonood yung tao eh. Tchupi, tchupi!" Sabi ng lalaki
"Excuse me, bawal kase ang outsiders dito." Paliwanag ni Nica habang masinsinan na nakatingin sa lalaki
"Haynako, istorbo." Inis na sabi ng lalaki at may kinuha sa kanang bulsa
"Carlos Guevarra, Film Major. Age: 22, Civil status: Single, what is love? Hmmm... ayoko nun eh." Sabi niya sabay lingon sa pinapanood niya
"Guevarra?" Sabi ni Monica at lumingon kay Kev
"Pinsan ko."
BINABASA MO ANG
Agenda
RomancePrologue: Sabi nga ng nakakarami you should follow your heart. Sundin mo kung anong itinibok nito at sureball hindi ka niya ililigaw. Ipaglaban mo daw kung maari. Pero hanggang kailan? Kung lahat ng nakapaligid sainyo sinasabing tama na, handa ka ba...