Narinig naman ni Carlos ang boses ni Nica ng pumasok siya ng auditorium
"Kaya niyo yan wag kayong kakabahan. Isipin niyo lang na 'Eto na to! Ito ang break ko!' Hahaha! Oh, diba parang skyflakes lang." pagbibiro ni Monica sa mga magaaudition
Napatawa naman si Carlos sa narinig niya
"Alam mo, pwede ka sa commercial." Sabi ni carlos
"Ano na namang ginagawa mo dito?" Sabi ni Nica na nakasalubong ang kilay
"Naghahanap ng inspirasyon."
"Ako na ang nagsasabi sayo, wala yung mga 'tipo' mong inspirasyon dito."
"Baka nga wala pero malay mo nandito." Sabi ni Carlos habang nakatitig kay Monica
Sayang lamang ang ganda neto ni Nica kung laging nagtataray
"Monica!" Tawag ng president nila
Paalis na sana si Monica nang may sinabi si Carlos
"Pwede ba akong manood? Promise, hindi na ako manggugulo." Pagsisigurado ni Carlos
Ngumiti nalang si Monica. Mukhang wala namang gagawin na kalokohan ang lalaki kaya pumayag siya.
Habang abala si Nica sa pagalalay sa mga estudyante na naga-adudition, hindi niya pansin na sinusubaybayan siya ni Carlos. Isip-isip ni Carlos na sobrang hands-on si Nica sa ginagawa niya, marahil may espesyal na espasyo talaga sakanya ang ginagawa.
Nang nakita ni Carlos na tapos na ang audition, nilapitan niya agad si Nica at tumabi sa gilid niya.
"Mahilig ka umarte?" Tanong ni Carlos at tinaasan na naman siya hg kilay ni Nica
"Umarte as in sa stage. Hindi yung arte na iniisip mo." Sabi ni Carlos na natatawa
Tumingin naman ng malayo si Nica. Naks, nagdrama!
"High School, una akong tinawag ng entablado. Corny, noh? Alam mo yung pakiramdam na 'Shet! Gusto ko umarte.' Gusto ko mapakita sakanila na kaya ko rin."
"After nun, sumali ako sa club at nadala ko yung passion ko for acting ngayong college." Sabi ni Monica
"Ikaw, anong kwento mo?" Tanong ni Nica
"Monica!" Tawag ni Kevin
"Carlos?" Pagatataka ni Kevin
"Ah, sige una na ako. Good luck!" Paalam ni Carlos
Ang weird tatalaga ng pinsan ni Kevin. Bigla-bigla nalang lumalayas
___________________________________________________________
"Ma?" Tawag ni Monica
"Anak, andito ako sa kusina." Sigaw ng mama niya
"Sakto ang dating mo, kakatapos ko lang magluto." Sabi ng Mama niya habang hawak ang kaldero na may lamang Adobo
"Uy, Adobo!" Tuwang sabi ni Monica
"Kumusta naman sa school?"
"Hay, stress! Hanggang ngayon, Ma. Hindi parin kame nakakahanap ng gaganap kay Natalia." Sabi ni Monica sabay subo
"Sabi ko naman sa'yo ikaw nalang."
"Ma, naman. Diko lang talaga feel yung character niya."
"Di feel o ayaw ma feel? Charot ka rin eh."
Napatawa naman si Nica sa term na ginamit ng mama niya
"Tumawag ang papa mo, kinakamusta ka."
"May balak na daw ba siyang umuwi?" Sarkastikong sbai ni Monica
"Anak, papa mo pa rin siya."
Mas ma-appreciate ko sana yung kumusta niya kung siya mismo ang napunta rito
"Akyat na po ako, Ma. Ang sarap po ng Adobo."
"Monica..." tawag ng mama niya
Tuluyan na pumasok si Nica sa kwarto niya at diretsong kinuha ang manuscript na sinusulat niya kanina para basahin hanggang sa makatulog na siya.
"Bakit ba kase may mga taong hindi alam ang salitang kuntento." Sa isip ni Nica
___________________________________________________________
Gabi na nang nakarating si Carlos sa bahay niya. Sariwa parin ang sakit sa puso niya tuwing naaalala ang pagkawala ng ama. At biglang sumagi sa isip niya ang laging sinasabi ng papa niya sakanya. "Anak, always remember. Gawin mo kung anong magpapasaya sa'yo."
"I miss you, Dad." Lungkot na sabi ni Carlos at saka niyakap yung photo frame nila ng Daddy niya
BINABASA MO ANG
Agenda
RomancePrologue: Sabi nga ng nakakarami you should follow your heart. Sundin mo kung anong itinibok nito at sureball hindi ka niya ililigaw. Ipaglaban mo daw kung maari. Pero hanggang kailan? Kung lahat ng nakapaligid sainyo sinasabing tama na, handa ka ba...