Althea P.O.V
"Muka talaga syang chip !"-G1" Oo nga girl, ewan ko ba kung bakit yan nakapasok dito, muka namang low class at di afford ang tuition dito."-G2
Hayyy...yan nanaman naririnig ko, sarap paguupakan eh!! Kala mo ang gaganda ! Eh ang kapal naman ng muka-- este make up pala, baka kainin nila yang sinasabi nila pagnalaman nila kung sino ako!? Nakakabeastmode aga aga.
Pero bago ako magwala dito magpapakilala muna ako
Ako nga pala si Althea Nicole Cortez, 21 yrs. old, 3rd yr. College taking up business administration, gusto ko talaga ang course ko dahil gusto ko na ako ang magpapatakbo ng kumpanyang pinakakaingatan ng daddy ko.
Oo hindi talaga ako mahirap at chip tulad ng sinasabi nila, dahil ang totoo pangalawa sa pinakamayaman at pinakatinitingalang pamilya ako nabibilang,
Pero eto ako...nagtatago sa isang itsura ng baduy na babae.
Hayy... Mas okay naman na ang ganto kesa naman makasal ako sa isang taong never ko pang nakita, at diko kilala. Na walang ginawa kundi gipitin lang ang daddy ko para pakasalan ko ang anak nya, nakakainis kapag naaalala ko ang lahat.
~ Flashback ~
"Anak kailangang kailangan mo siyang pakasalan."-Daddy" No! Daddy kahit tanggalan nyo pa ako ng mana! Hinding hindi ako magpapakasal, over my dead gorgeous body!"-galit kong sagot kay daddy
"You will marry him! Even you like it or not! Stop being a spoiled brat! Do you understand!? Don't try me Althea Nicole!"-galit na sigaw ni daddy
Alam kong galit sya dahil halata sa mukha nya na namumula na at sa pagtawag nya saakin sa buong pangalan.
" Haha, (Pilit kong tawa) Sige daddy pakakasalan ko siya para madagdagan pa ang yaman nyo! Diyan naman kayo sasaya diba!? Yung dumami pa ang yaman nyo!? Kaya kahit sarili nyong anak kaya nyong ibenta !? Haha, ano nga bang magagawa ko!? Eh sa mukang pera ang daddy ko!?"-puno ng galit kong sagot kay daddy
PAKKKK!!!
napahawak nalang ako sa pisngi ko kung saan ako sinampal ni daddy, at kasabay nun ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
The Runaway Bride
RomanceNalakad na ako papunta sa altar, habang hawak hawak ni daddy ang braso ko. Deretso lang akong nakatingin sa dulo ng altar kung saan nakatayo ang lalaking magiging asawa ko. Hindi ko makita ang muka niya dahil nanlalabo ang mga mata ko "Do you take...