~ Continuation ~
Naglalakad lang ako, biglang pumasok nanaman sa isip ko yung panot kong prof na ipinahiya ako!
Hindi pa naman ako sanay na napapahiya, nakakahiya na nga yung tinitiis kong itsura ko, dadagdagan pa ng panot na yun!
Sa inis ko sinipa ko yung bato sa daan, ibinuhos ko lahat ng inis ko dun sa pagsipa ko sa bato.
Cracckk!!
Hala ano yun ?
"Bullshit!! Hey you!"
Nagulat ako , sabay tingin sa lalaking lumalabas sa loob ng isang mamahaling sasakyan.
Diko makita ang mukha niya, dahil sa papadilim na.
"the F*ck! Look what you've done! Binasag mo yung salamin ng sasakyan ko!" Puno ng galit niyang sigaw.
Nanayo lahat ng balahibo ko, hindi dahil sa natatae ako kundi sa takot. Grabe tindig palang niya nakakatakot na, idagdag mo pa yung gigil na gigil na boses niya. Parang papatay na agad siya.
"A a-hh.. E-hh.. Hindi ako yun ah! Yung bata! Oo ta-mm-aa yung mga bata nagbabatuhan sila ng bato!"kanda utal kong palusot.
"Liar! I saw you! You kick that f*cking stone!"-nakaangil parin niyang sagot
" huh!? I'm not a liar i don't even know what you're talking about! Nagmamagandang loob na nga ako, ako pa sisisihin ah!? Nagtakbuhan na yung mga bata! Doon oh! Doon banda!"
-pinilit kong wag mautal, tumuturo turo pa ako para mas effective. Sana gumana
"Do you think I'm idiot to believe that nonsense excuse !?"
" that's not an excuse! I'm telling the truth okay !?"-sigaw ko sakanya.
Naglakad siya papunta sa dereksyon ko.
Nataranta naman ako bigla, hindi ko alam ang gagawin ko, kaya napaatras ako sabay kapit ng mahigpit sa straps ng bag ko.
Malay ko ba kung suntukin ako bigla neto?sobra yung kaba ko..
Nang makalapit siya eh, ganun nalang ang panliliit ko, dahil sa sobrang tangkad niya.
Nakita ko ang mukha niya dahil nakatayo ako dito sa ilalim ng street light,
kapre bato!? Waahhhh! Baka nga! Teka! Ang gwapo naman ng kapreng ito, kahit may sugat pa ito sa kanang pisngi niya.
Ahy talandi, nakuha ko pa talang lumandi sa oras nato ha?(nasaisip ko)
Nabalik lang ako sa reyalidad ng
Bigla nalang niyang hinablot yung braso ko.
BINABASA MO ANG
The Runaway Bride
RomanceNalakad na ako papunta sa altar, habang hawak hawak ni daddy ang braso ko. Deretso lang akong nakatingin sa dulo ng altar kung saan nakatayo ang lalaking magiging asawa ko. Hindi ko makita ang muka niya dahil nanlalabo ang mga mata ko "Do you take...