Dahil sa nangyari ay di na ako pumasok sa subject ko.
Dahil ayokong makita yung walang hiyang lalaki na yun.
Kasalukuyan akong nasa harap ng salamin sa banyo, pinupunasan ko ang labi ko kanina pa, halos dugo na nga ang kulay ng labi ko.
"Walang hiya siya!! arrgghh!! Nakakadiri! Pagkatapos niya makipaghalikan kay tricia! Hahalikan niya ako!? Nakakadiri talaga! Ano yun ? Halo halo na yung laway! Kadiri talaga ! "-galit na galit kong sigaw sa harap ng salamin.
Ng halos dumugo na ang labi ko ay napag-desisyunan kong dumeretso nalang sa clinic at magdahilan na masama ang pakiramdam ko.
Pagpasok ko ay si miss jane ang nurse.
" ahhmm, hi miss jane, pwede po ba akong humingi ng gamot ?"-tanong ko sakanya na busy sa pagce-cellphone.
"Althea! Anong nangyari dyan sa nguso mo? Bakit halos dumugo na yan?"-gulat na tanong niya nang makita ang labi ko.
" Ah-eh, wala miss, hihingi sana ako ng gamot, sumakit kasi bigla ang ulo ko."-palusot ko.
"Okay ka lang ba? Sino nanaman may gawa niyan ha ?"- tanong niya na nagaalala.
" okay lang ako miss, masakit lang ang ulo ko, kulang ata sa tulog."-dahilan ko.
"Osige, sino naman pumuyat sayo ha?"-pangaasar ni miss jane
Kaclose ko si miss jane, dahil lagi ako napunta sa clinic, dahil na rin sa mga pangtitrip nila tricia at ng ibang estudyante na epal.
Nginitian ko nalang siya dahil wala akong gana makipag-asaran. Mukang nagets nya naman na wala ako sa mood.
Inabutan niya ako ng gamot sa sakit ng ulo.
" oh, pagka-inom mo niyan magpahinga ka muna, may isa pang vacant bed dyan."- miss jane
"Thank you miss."-sagot ko.
" ay, althea wag mo pala guluhin yung nakahiga dun sa higaan ha ? May pagka-tigre kasi yun."-paalala ni miss jane
"Sino miss jane?"- tanong ko.
" ah, basta yung gwapong-gwapong lalaki na natutulog sa bed 1, yung lampas lampasan ang paa sa higaan."-kinikilig na sabi ni miss jane.
Napatango nalang ako.
Dahil hindi naman talaga masakit ang ulo ko ay itinago ko lang ang gamot sa bulsa ko at dumeretso sa vacant bed.
May nakita akong natutulog sa kabilang kama. Nakita ko agad ang paa niya na lampas lampasan sa higaan, tangkad naman ng isang to. At
Ang gwapo nga niya... parang anghel na natutulog...
ang amo ng muka, napatitig lang ako, ang hahaba ng pilikmata niya at ang tangos ng ilong, parang pang baby rin ang balat niya, parang napaka-lambot. ganda rin ng hugis ng muka, grabe ang jaw line, masculine na masculine, pati ang labi niya parang ang lambot lambot siguro ang sarap halikan nang isang to...
Nang marealize ko ang huling sumagi sa isip ko ay nasampal ko ang pisngi ko.
Pakk!
"Aray!"-sabay himas ko sa pisngi ko. Napalakas masyado.
"Hala ano ba yung naisip ko? Grabe, dahil siguro to dun sa ginawa ng walang hiyang lalaki na yun. Nagiging bastos narin utak ko."- nababaliw kong sabi sa sarili ko.
Pero, parang nakita ko na siya ? Bulong ko sa isip ko. At pinakatitigan ang lalaking natutulog
BINABASA MO ANG
The Runaway Bride
RomanceNalakad na ako papunta sa altar, habang hawak hawak ni daddy ang braso ko. Deretso lang akong nakatingin sa dulo ng altar kung saan nakatayo ang lalaking magiging asawa ko. Hindi ko makita ang muka niya dahil nanlalabo ang mga mata ko "Do you take...