TDK-2

67 1 0
                                    

BRENDA'S POV

"WHAT THE HELL LEX?! ANONG SINASABI MONG HINDI KA PA HANDA MAGING TATAY?! E GAGO KA BA?! BINUNTIS MO KO NGAYON KA PA NAG BACK OUT!"

Nangingibabaw na sa kwarto yung boses ko kasi tong gago kong boyfriend kanina pa sinasabi sakin na ayaw nya daw ako pakasalan!!

"Brends, I'm sorry! Pero hindi pa talaga ko ready eh. Ano magagawa ko?? Wala din akong pera."

Medyo nagluluha na yung mata ko at namumula na yung muka ko sa inis. 

"So ganun lang yon?? Hit and run ako? Hindi ko kailangan ng pera! Ang kailangan ko lang suporta at pagmamahal mo sa anak natin."

Huminga sya ng malalim at binitawan ang mga salitang kinakatakutan ko.

"Brenda, I can't. I have a girlfriend and I'm leaving the country in 2 days. I thought you weren't looking for anything serious kasi sa dance club ka lang naman nag ttrabaho eh. You're beautiful and sexy, ikaw ung tipo ng babae that can make a guy go crazy. But you're not educated and you're too poor for me. Sorry. Sabi ko naman kasi sayo, palaglag mo na lang yan. Kung ayaw mo talaga, bahala ka. Aalis na ko. Sorry talaga."

Nagmadali syang lumabas ng pinto tas binato ko naman ng libro yung pinto pag labas nya kaso hindi sya natamaan. Sayang!! Nakakainis. Nasaktan ako sa mga sinabi nya. Walangya sya. Pagkatapos ko bigay ang lahat sakanya iiwan nya ko ng ganito? Dahil lang sa hindi ako matalino at mayaman? Peste sya. >____<

Nandito nga pala ako sa room ko sa Allstar Dance club. May sarili akong kwarto kasi magaling ako sumayaw at madami ang nagrerequest sakin. Biglang pumasok yung kaibigan kong bakla at naabutan akong umiiyak.

"Bakla bakit ka umiiyak? Kalerky naman yung nadinig kong kalabog! Nagpapatayan na ba kayo ni papaballs? Tarush nya, nag walk out pa talaga ang gaga!"

Napangiti ako nung naisip ko na nagmadali syang pumasok ng kwarto nung nadinig nya na may kalabog sa kwarto. Isa sya sa mga kakaunti kong tunay na kaibigan. At ang perks pa ng may kaibigang bakla, sobrang nakakapag pasaya sila ng tao kapag sobrang down ka na.

"B-ba-bakla.... b-b-bun-tis... ak-o." Pahinto hinto at pautal utal kong sabi.

"WHAT??!" napatakip sya sa bibig nya pero tinanggal nya din agad.

"Bakla pinakain ka nya ng hotdog at sunny side up eggs tapos binusog ka ng siyam na buwan?! oh my gulay! Goodnews yan bakla! AYYYY BONGGA!!"

"HAHAHAHA gagu ka baks. Pero Bakla eh anong goodnews don, iniwan na nya ko bakla... pano na ko? :'(" napangawa nanaman ako pero agad agad nya kong niyakap.

"Bakla, alam ko minsan lang ako magseryoso at puro ako kagagahan. Why not ba naman e sa beauty kong to? hahaha pero walang biro na, makinig ka sakin, kahit tayo tayo lang nila nanay ising, yung inaalagaan mo sa home for the aged ang magpalaki sa baby mo, kaya natin yan bakla. We dont need a man lang ang peg natin. Stay strong bakla!"

"Natatakot ako bakla, pero sana nga kayanin natin. Nako ang swerte ko naman sainyo," 

Pinunasan ni Francine yung luha ko at inalalayan ako sa pagtayo. Frank pangalan nyan eh, naging Francine lang kasi mas bet nya daw yun. Hahaha

Pagkatapos kong magtrabaho sa club, dumiretso ako ng paguwi at kinuha ang notebook ko.

Nilista ko ang lahat ng mga gusto at kailangan kong gawin ngayong nagdadalang tao na ko pati na din ang mga goals ko.

Una kong nilista eh ang maghanap ng panibagong trabaho. Kailangan ko ng maghanap ng ibang trabaho kasi pag lumaki tyan ko hindi na ko pwede dun at ayokong ikahiya ako ng anak ko pag nalaman nyang dancer ng club ang nanay nya.

Sunod kong nilista eh ang maghanap ng matitirahan pag nakaipon na ko.

Nilista ko nadin lahat ng gsto kong pagipunan at bilin pero sa dulo ng mahaba kong listahan, sinulat ko na gusto kong ma-fast forward ang paghahanap ko sa true love ko. Para hindi na ko mag isa. Alam kong mababang uri lang ako ng tao, pero marunong ako magmahal. At magaling humalik *wink* hahaha

Binalita ko sa mga matatanda kong binabantayan yung nangyare sakin pati na din yung part na iniwan ako ng lalakeng nakabuntis sakin. Katulad ni francine, chineer up din nila ko. At nabanggit ko din na kailangan ko ng trabaho.

Kinabukasan, habang nanunuod ako ng TV biglang may comercial akong napanuod, may premyo daw na 20,000 pesos sa kung sino ang mananalo sa mga palaro nila.

Nilakasan ko ang volume ng TV dahil nangangailangan talaga ko ng pera ngayon.

"Upang makasali, kailangan magkasintahan kayo. Isang lalake at isang babae, Ang premyo, inuulit ko ay 20,000 pesos pati na din ang libreng pakasal tatlong araw pagkatapos ng laro. Para sa karagdagang impormasyon tawagan nyo ang aming libreng hotline na 334-2248406. Sumali na at magregister! Baka ikaw na ang susunod na swerteng magkasintahan!"

Halos malaglag ung panga ko nung natapos ko yung commercial.

"BAK-LAAAAAAAAAAA!!!!!"

Sigaw ko kay francine. Dito din kasi sya nakikitira, room mates kami. Naghahati kasi kami sa upa.

"Ay bakla!!!! MANGANGANAK KA NA BA?!"

"Gaga!! Hinde! May napanuod akong commercial..."

"Oh ano meron sa commercial?"

"May premyo na 20,000 pesos!!!"

"AWARD! GO NA BAKLA!!! Na-sagot na ang ating prayers bakla! This is it! I can feel it girl! Join ka na!"

"Eh... Bakla.. May kondisyon eh."

Napatigil sya sa pag talon talon at binalik sakin ang focus nya. Tinuloy ko lang ang pagpapaliwanag sakanya.

"Ano... kailangan may boyfriend ka. Kasi bukod sa 20,000 may libreng kasal. At mukang engrandeng kasal pa. Yung ipapa-TV., bakla wala naman akong papa. Pano ako sasali dun?"

"Ay nako bakla, wag ka na sumali dyan! Kami nalang ni Papa Jayson hahahaha joke lang! Easy lang yan! Ang goal mo for today, eh ang mahanap ang boyfriend slash future husband mo!"

Lumuwa yung mata ko sa sinabi nya.

"Ano?!! Kaloka ka naman! Hindi pwde yun, pano kung hindi pala sya ung mahal ko?"

Nilagay nya ung kamay nya sa baba nya na parang nagiisip at inupo naman ako sa sofa katabi sya.

"Ganito bakla.... I have a plan!"

Binulong nya sakin yung plano nya at nag ilaw naman yung bumbilya sa ulo ko sa sinabi nya. Tamang tama eh!

Sumang ayon ako sa plano nya at nagayos na ko para simulan na namin yung plano.

Sana lang maganda ang kalabasan ng mga kagagahan namin.

THE DESPERATE KISSERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon