Music starts here:
Alam kong hindi mo pansin
Narito lang ako
Naghihintay na mahalin
Umaasa kahit di man ngayon
Mapapansin mo rin
Mapapansin mo rin
Alam kong di mo makita
Narito lang ako
Hinihintay lagi kita
Umaasa kahit di man ngayon
Hahanapin mo rin Hahanapin din
Pagdating ng panahon
Baka ikaw rin at ako
Baka tibok ng puso ko'y
Maging tibok ng puso mo
Sana nga'y mangyari 'yon
Kahit di pa lang ngayon
Sana ay mahalin mo rin
Pagdating ng panahon
Alam kong hindi mo alam
Narito lang ako
Maghihintay kahit kailang
Nangangarap kahit di man ngayon
Mamahalin mo rin
Mamahalin mo rin
Di pa siguro bukas
Di pa rin ngayon
Malay mo balang araw
Dumating din iyon
“Nay! Ano ba? Ang ingay mo naman eh, kitang natutulog yung tao oh.”
“Anak, tignan mo ‘to dali”
“ano ba iyan ?”
Pumunta ako sa tabi ng aking inay at tinignan kung ano man yung pinatitignan nya sakin.
“Nay, ano ba? Yan na naman ? Psh -____-“
“O bakit anak? Ang cute cute nyo nga ditto ni Rupert oh.”
“Malamang. Lahat naman ng bata cute di ba ?”
“Alam mo anak, papayagan kita mag-boyfriend kung si Rupert ang magiging boyfriend mo. *O*”
“Jusko! Jusko! As if naman magkikita pa kami nyan. “
“Bakit hindi. Sabi nga sa kanta ni Aiza, Pagdating ng panahon, baka ikaw rin at ako”
“ …..”
“O di ba ? Hindi imposible no.”
“Oo nalang.”
Hayyy. Ang nanay ko talaga. Inlove na inlove kay Rupert. E kung hanapin na lang kaya nya at siya na ang magpakasal dun. Psh -____- Isip bata kasi.
E ni hindi ko nga matandaan full name nun eh. Ang alam ko lang ay “Rupert “hotdog” ang childhood sweetheart ko”
Yeah. Tama nga. Childhood sweetheart kami. Nung mga kinder pa daw kasi kami, e ang cute cute daw naming tignan na magkasama. Hindi daw kami naghihiwalay kahit anong school activity pa daw iyon. Tapos tuwing recess daw,syempre dahil bata ka, labasan ng baon na pagkain yun. Ayun, sabay daw kami palaging kumakain at kaya naman “hotdog” dahil lagi nyang baon ay hotdog. Ewan ko ba dun, nagsawa na ata sa hotdog kaya tuwing nagre-recess kami ng sabay, e nilalagay nya palagi yung ulam nya na hotdog sa baunan ko tapos yung ulam ko, yung ang inuulam nya. Minsan hinahati nya. In short, PALAGI KAMING SHARE sa mga baon naming. Hanggan sa natuklasan ng parents naming yun, at yun binansagan kaming mag-childhood sweetheart nun. Pinicturan pa nga kami nun ni nanay eh. Kaya ayun, tinabi ng nanay ko dahil hanggan ngayon tuwang-tuwa pa din sya sa picture naming yun.

BINABASA MO ANG
My Childhood Sweetheart
Teen FictionA story of a girl with his childhood sweetheart. Half of the story is based on true experience . xD Hope you'll like it.