KRISHA'S POV
Three days after the accident happened but still she haven't wake up yet. Gaano ba kalaki yung impact ng pagkakabangga niya? Baka nakalimutan na ako ni shine. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag nagising siyang may kulang sa human body niya especially kapag pumangit siya. Three days na siyang walang sun nutrients, namumutla na siya which makes her ugly more. Nasira bigla ang deep thoughts ko nang pumasok si ateng nurse.
"Good Morning Ma'am. Ichecheck ko lang po yung status niya." Pumasok siya and isinara ang pinto.
"Yeah, Go ahead." Hinayaan ko na lang siya and nagpatuloy na tumitig kay bessy. Kaso may naalala ako kaya nabaling ulit ang atensyon ko sa kanya.
"Excuse me. Bakit nga pala hindi si Doctor Shammy ang nagchecheck sa kanya?" Napansin ko lang yung last na usap kasi namin, yun na rin yung last na kita ko sa kanya. Everytime na dumadalaw ako kay shine, hindi ko man lang siya nakikita kahit sa hallway ng hospital. Ang kulit kasi kausap ni doctor shammy, nakakagood vibes.
"Doctor Shammy? Wala naman po akong kilalang Doctor Shammy. Ngayon ko lang po narinig yung name niya." Nagtatakang tanong ni ateng nurse habang chinecheck pa rin si shine. Huh? So, ibig sabihin walang Doctor Shammy? Sino yung nakausap ko?
"Sigurado ka ba? Medyo may edad na siya at kalbo? Hindi mo ba namumukhaan? Hindi magandang biro yan ate. Nakausap ko pa siya noong unang dinala ang bestfriend ko dito." Napakaimposible talaga. Pano nangyari yun? Multo si Doctor Shammy, ganun? Uso pa ba yun?
"Promise po, hindi po ako nagbibiro. Kung gusto nyo po ipapakita ko po yung list of doctor's namin." Paninigurado niya. Nagsasabi nang totoo si ateng nurse. Kaya lalong nakakalito. Kainis naman oh! Kaya pala ang weird niya. Mukhang tama nga ang hinalang kong may saltik si doctor shammy.
"No need. Thanks for your time." Hindi ko na lang pinalaki pa, baka ako naman ang pagkamalan na baliw.
"Sige po ma'am. Labas na po ako." At iniwan niya ako nang lutang. Ano ba naman yan. Dagdag stress.
Hindi ko na lang inisip ang panibagong stress na yun. Kaloka naman talaga sa earth. Nilibang ko na lang ang sarili ko at nagbasa ng libro ni shine. Sa lahat ng librong sinulat niya. Napansin ko lang na pare-parehas lang yung genre which is romantic-comedy. Kala mo naman talaga romantic-comedy ang lovelife niya. NBSB naman. (AN: May boyfriend ka ba?) Wala author! Siya ang topic hindi ako! Back to shine, yun na nga ganon kasi talaga pagpretty like me. Kaya kailangan maging choosy. Charing haha (AN: Ikaw na GGSS)
Teeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeetttttttt
Teeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeetttttttt
(AN: Tunog yan ng ventilator, wag kayong ano!)
Nagising ako dahil sa ingay na yan. Nakatulog pala ako. Saan ba nanggagaling yun? Nastock ako sa kinauupuan ko nang makita ko kung saan nanggaling yun! Galing yun sa ventilator ni shine! Bat hindi ko man lang napansin agad! Napaka-walang kwenta mo talagang kaibigan krisha! Umiiyak akong nilapitan si shine. Nagseseizure siya!
"Wag mo muna akong iwan shine, please! Tatawag lang ako nang doctor. Wait for me."
Nagmadali akong tumakbo palabas ng pinto pero napatigil ako nang makasalubong kong papasok si Doctor Shammy. Wait? Doctor Shammy?
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-LadyA
Follow.Vote.Comment.Share
BINABASA MO ANG
Our Joseon Love Story: Unfinished Love (On-Going)
Historical FictionA love story of a girl and a boy who was both born and fell in love in Joseon Dynasty. A dynasty in Korea where royal families had an important role in history. Unfortunately, their love story didn't last forever. They both died in tragic way. But b...