_______________________Monday (June 2011)__________________________
First day of school ninenerbyos ako dahil una wala akong kakilala sa bago kong school, second first time kong magbyahe na mag isa at malayo pa kasi isang oras ang byahe papunta sa school, third ewan bsta kinakabahan ako. Mahiyain kasi ako eh at wala akong self confidence na humarap sa mga hindi ko kilalang tao. Ah bago po pala ang lahat I'm "Mau" 16 yrs old at BSIT ang course ko.
Dahil estudyante ako kailangan magtipid so sa JEEP ako sasakay..
Mejo naghintay pa kami ng konting oras nag aabang ng passengers eh. Nainip ako kaya kinuha ko yunh cp ko then nakinig ako ng musics yung kulang na lang puputok ang eardrum ko..hahaha ganun naman talaga ako gusto ko yung malakas ang musics. Mahilig ako sa music subalit bagamat dapatwat hindi ako gusto ng music eh hehe.
Nung medyo madami ng pasahero umandar na ang jeep.
Brooooooooooommmmmmmmm.....
Andar ng jeep. :)
Maya maya biglang huminto at may sumakay. Then namalayan ko na lang na sa tabi ko sya tumabi. Well deadma lang ang peg isnabera ang lola nyo eh haha..
Pagkasakay nun umandar uli kami then, di ko namalayan na pinaaabot na nung katabi ko yung bayad nya. Eh sa ndi ko naririnig hello ang lakas kaya ng tugtog sa tenga ko. Kaya kinalabit na lang pala ako para iaabot ang bayad. Maiinis sana ako eh kasi pinaka ayoko yung nag aabot ng bayad. Hello ano ako kundoktora ng jeep na to.
Pero bigla akong natigilan.. napa Oohhhhhh---Mmmmm---ggggg
Kasi ang gwapo pala ng katabi ko hehe. Mukha syang chinese eh.o (∩ ω ∩) o
Ay chinito ang mata ayiiiiiiie. Ah nagbalik ako sa aking katawang lupa.
Inaabot nga pala niya nya bayad niya hahaha
"Miss nangangawit na ang kamay ko!"sabi niya.
"Ah sorry di ko kasi narinig eh". Hehehe sabay kuha nung bayad at pinaabot ko sa nasa unahan ko .
"Ah miss paabot po ng bayad"sabi ko.nahihiya tuloy akong lumingon sa katabi ko kasi ba naman natuleley eko se kenye ai hahaha.
Kaw ba naman makakita ng gwapo eh haha. Naku baka iniisip niya na tulo laway ako sa kanya. Naman bat ba kasi ako natulala eh. Ang tanga ko talaga. Taz sabay nagkataon pang ang pinapakinggan ko eh "JEEPNEY LOVE STORY" ni Yeng Constantino. Buruin mo sakto pa sa akin. Haiizzzzzzt.
Habang tumatagal syempre nagsisikipan na sa jeep haha.
Kasi halos wala ng pagitan sa amin ni Pogi na katabi ko. Pasimple akong tumingin naku nakatingin din pala sa akin ang kumag ...
My Gad nagwawala ang puso ko. Gosh tinitingnan ako niya.
Nemen feel ko tuloy ang haba ng hair ng lola nyo eh haha. Ay baka nagkataon lang haha. Naku bigla naisip ko hindi pala ako nakapag ayos kanina sa bahay. Naku mukha akong bruhilda na. Dyos ko po kung alam ko lang sana di nag ayos ako ng bongga.
Hanggang nakarating na kami sa pupuntahan namin. Bigla tuloy akong nanlumo. Kasi maghihiwalay na kami ni Crush ko. :(
Naisip ko baka hindi na kami magkikita pang muli. Kasi ang dami kayang jeep at kung magkakasabay man kami himala na lng siguro....
Pumasok na ako sa school madami akong nakilalang bagong friends. Pero naiisip ko pa din si Pogi haizzzzt ang lande eh first year college pa lang haha..
Sarehhhh talaga pong ganito na ako eh. Madaling mahumaling sa Pogi sino pa namang hindi eh kahit sinong babae nagkakacrush din kaya normal lang naman un eh...