#Her POV
Mainit na usapan pa rin ang nangyari kanina sa hallway, naririnig ko ang mga pamangutyang komento ng estudyante at ang malalakas na tawanan at papuri ng mga kaibigan ni Lorenz.
Oo, sikat na sikat pa rin ang pambubully kahit dito sa kolehiyo. Tila iyon ang paraan ng mga mag-aaral upang mawala ng stress nila sa mga terror na professor at napakahirap na mga asignatura.
Mapalad ako sapagkat wala pa ni isang beses akong napagtripan ng bully dito sa eskwela, siguro dahil na rin sa kawalan ng aking presensya. Hindi kasi ako palasalita nakukuntento na lamang ako sa pagmamasid sa aking paligid. Kaya naman di ko maiwasang pansinin kung paanong ang ngise at halakhak ni Lorenz ay pawang maskara lamang.
Kung paano nakita ng karamihan ang ngise, tawa at pamamahiya ni Lorenz kay Faye ay tila ba nililinlang ako ng aking mata sa aking nakita. Nakita ko ang guilt sa mga mata niya, nakita ko kung paanong nag-alinlangan ang mga kamay niya sa pagbuhos ng Carbonara, nakita ko kung paano nag-aalala at naawa ang kaniyang ekspresyon bago umalis sa hallway kung saan naroroon si Faye. At sa kabila ng tawa at papuri ng kaibigan ni Lorenz nakita ko kung paano siyang walang ganang kumain na tila binabagabag ang kaniyang isipan.
Nang araw na iyon napagtanto ko kung paano nabihag ang aking puso. Kung paano nais ko na yakapin siya at punuuin ng pagmamahal. Kung paanong ninanais ko makita ang tunay na saya sa kaniyang mukha. Nais kong makita ang totoong Lorenz.
*Boogsh*
Nagising ako mula sa pagbabalik tanaw sa lakas ng tunog ng binalibag na pintuan, halatang karamihan sa amin ay nagulat maging ang aming professor na ay namumula sa galit ngayon. Bumilis ang tibok ng aking puso ng makita ko kung sino ang nagpasimula ng komosyong ito.
"Mr. Lorenz Pascua! Learn how to knock, you are disturbing my class! 3rd year College ka na! kelan ka matututong pumasok on time?!!"
"Yes, yes Maam! Di na po mauulit lalo na at napakaganda naman pala ng aking prof" mahinahong sagot ni Lorenz n a may kasamang kindat at ngiti na nagpakalma o nagpakilig sa aming guro.
"Grabe talaga si Lorenz pati ang prof natin nilalandi! naku tigilan mo ako bessy nangigigil ako!" bulong ni Faye na katabi ko lamang. Tumango lang ako bilang kasagutan at tinapik ang kaniyang balikat.
Tama kayo ng nabasa 2nd year college ko nakilala si Lorenz,sa nakalipas na taon marami na ang nagbago. Naging kaibigan ko si Faye, naging kaklase ko sa ibat ibang asignatura si Lorenz, nakuntento ako sa pagsulyap sa kaniya at lalong nahulog ang aking puso.
Paano niya kaya nagagawa na ngumiti? Paano niya kaya naitatago ng ganiyan ang tunay na siya? Iyan ang mumunting tanong ngayon sa aking isipan habang pinagmamasdan ko siya pumunta sa kaniyang upuan.
"Bessy! huy! bessy natulala ka diyan? besssssssyyyyyy! yuhoooo" medyo malakas na sambit ni Faye kaya naman napunta ang atensyon sa amin ng buong klase, napatingin rin si Lorenz sa aming direksyon kaya agad akong yumuko kasabay ng malakas na pagpintig ng aking puso tila nahihirapan rin ako huminga.
"Yes Miss Faye Quaresma? Anything you want to share in the class?" bumalik ang istriktang boses ng aming prof ng itanong niya ito kay Faye.
" Sorry maam, naalala ko po kasi na nasunog ko yung baon ko pong lunch ngayon! Sorry maam" nahihiyang palusot niya na siyang ikinatawa ng buong klase.. "Enough, so where did we stop?" at nagpatuloy sa discussion ang aming klase.
" Lagot ka sa akin mamaya bessy! lagi ka nalang ganiyan. " pabirong banta sa akin ni Faye kaya lalo na lamang aking yumuko at nakinig sa klase.
#FAYE POV
Pinandidilatan ko ngayon ng mata si bessy, grabe lagi na lang siyang ganiyan na tila may sariling mundo. Ako si Faye Quaresma at ang masasabi ko lang tungkol sa akin ay maganda, maganda, maganda, magandang maganda ako at muntik ko na nga pakasalan ang sarili ko e hahaha syempre biro lang.
Malamang ay napakilala na ako ni bessy sa inyo pero hulaan ko, di niyo pa alam ang pangalan niya noh?
*nod*nod*nod*
Sinasabi na nga ba e! Hay si bessy talaga! O siya, Siya si Mariel Ocampo, tahimik, tahimik, napakatahimik niyang tao. Nagtataka ba kayo kung paano ko siya naging bessy? haha ako rin nagtataka e! Hmm bakit nga ba?
*One year ago**-
"Bwiset na lalaki yun! *sniff* akala mo naman sobrang gwapo!! *sniff* ay oo nga gwapo siya,saksakan naman ng sama! *sniff* Kainissssssss!"
Yan ang isinisigaw ko habang sinusuntok ang salamin dito sa banyo. Nakakainis, nakakainis! Bakit ba kasi ako naglakas ng loob na lumapit sa bruhing yun! Nakakainis! Napahiya lang tuloy ang ganda ko! Napahiya si Faye Quaresma!
"Aahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh! hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahah"
Sa sobrang inis ko natatawa nalang ako sa sarili ko grabe, mabuti nalang at mag-isa lang ako dito sa c.r walang makakarinig sa ak---
*boogsh! (tunog po ng pinto yan hihi✌)
OMHAYGADDDDDD! MAY MUMU HUHUHUHUHU! Teka, teka di naman magsasara mag isa yang pinto eh- - - - IBIG SABIHIN MAY IBANG TAO PA DITO KANINAAAAAAA??!!!! huhu akala siguro ng nakarinig sa akin baliw ako huhuhu...
Lumabas na ako sa cubicle na pinagkukulungan ko, wala na e! nasira na moment ko >3> may carbonara pa pala ang blouse ko paano na to?
Nagulat na lang ako nang may nasanggi ako na paper bag, binuksan ko na yung paper bag at OMGGG! may blouse sa loob at panyo agad akong lumabas ng c.r baka maabutan ko pa yung nag-iwan nito.. Nakita ko yung kulot na babae malayo na dito sa pwesto ko pero i can feel sa kaniya galing ang paper bag, tekaaa siya yung babaeng nasa isang tabi lang kanina sa hallway ah! wow! ang bait naman niya..
Mabilis akong nagpalit ng damit at naghilamos narin dahil nararamdaman ko na ang pagkalagkit ng carbonara , so kadiri. And ooh, may pangalan yung panyo, "M. Ocampo" hmm, it sounds familiar. Wiiii, I gotta find that girl para mapasalamatan ko siya.
~flasback ends~
At ayon po ang simula ng pagkakaibigan namin ni bessy, hindi ako pumasok that rest of the day para mahanap siya pero bigo ako. I was so gulat the next morning kasi magkaklase pala kami!kaloka diba? kaya pala nagtataka ako at pamilyar sa akin ang last name niya 'Ocampo' yun pala! araw araw ko siya nakakasama sa klase..
BINABASA MO ANG
For Now : I LOVE YOU
TeenfikceThis is all about Mariel Ocampo and her story. She's always quiet and aloof. She's observant and kind-hearted. No one really knows what is in her mind. No one really knows her story. Read. And discover why-- But I'm gonna warn you, please ready you...