Chapter11

2.2K 43 3
                                    

Xiumin's POV

Grabe! Hindi ako nakatulog kagabi sa kwarto. Pano, ni-lock ni Luhan yung pinto. Tss. May nangyari na naman ba? Tss.

Kaninang umaga, pagkalabas nya ng kwarto, naka-salamin sya. Parang namamaga nga yung mata eh. Parang umiiwas sya saming lahat. Tapos kay Sehun sya dumidikit.

Nung nag-breakfast kami, tumabi sya kay Tao at Sehun pero hindi sya pinapansin nung dalawa. Nung papasok na kami ng school, hindi sya sumabay sakin. Sumabay sya kay Tao at Sehun. Hindi ko nga alam ang nangyayari sa dalawa!

Pumasok nalang din ako sa school. Pagkapasok mo sa room, nakita ko agad si Chen at Suho na naghaharutan.

Speaking of Chen, grabe! Pagkagising sya agad yung nakita ko kaya tinulak ko sya at nalaglag sya sa sofa. Sht may nakakita kaya samin na magkayakap pa sa sofa?! Aish.

Tumabi ako kay Lay hyung na mag-isa at naka-earphones. Napatingin naman sya sakin.

"Lay ssi, uhm, nakita mo ba kami hmm.." nauutal kong sabi.

"Yung alin?"

"Kami ni ano ehh kasi ehh!"

"Huh? Ewan ko. Baka nakalimutan ko lang."

"Aish. Kalimutan mo na nga lang!" sabi ko.

Napatingin ako sa pinto nang pumasok si Sehun, Tao at Luhan. Si Luhan nakasunod sa dalawa. Sure akong broken hearted na naman ito.

"Tabi tayo mamaya ha?" narinig kong sabi ni dinosaur kay granny. Gets? Chen at Suhonggoloid. -_-|| So, kailangan talaga iparinig? Yung tipong nangaasar talaga. Wapakels ako no! Tsk.

Lunch time, sumabay na naman si Luhan kay Sehun at Tao. I wonder kung ano na ang nagyayari sa pagitan nung dalawa. Kawawa naman si Luhan. Parang naghahabol sa isang tao.

Nung uwian, niyaya ko sya sa rooftop kung saan malayo sa mga tao at kami lang dalawa.

"Ano bang sasabihin mo, Xiumin hyung?!" sabi nya.

"Alam kong nasasaktan ka na. Please Luhan kung ano man ang nagyayari sa pagitan nyo ni Sehun, please tigilan mo na yan. Ikaw lang din ang nagmumukhang tanga eh!" Nagulat ako ng may tumulong luha sa mata nya.

"Okay lang kahit magmukha akong tanga. Ayoko ko lang mangyari ng tuluyan ang pinaka-kinatatakutan ko. Yun ay yung tuluyan nyang pag-iwan sakin. Sa tingin mo ba kakayanin ko yun?! Hindi Xiumin hyung! Kaya nga gagawin ko ang lahat para bumalik sya sakin!" iyak nya. Kawawa naman pala talaga 'tong batang to. Tsktsk.

"Halika nga dito." sabi ko at niyakap sya. "Makinig ka sakin." bulong ko. "Hindi naman habang buhay magkakasama kayo. Minsan kailangan nyo rin maghiwalay. Darating kasi kayo da point kung hanggang saan lang ang limit nyo. Kaya Lu, tanggapin mo nalang. Kahit masakit, kayanin mo." Humigpit yung yakap nya sakin.

"Sana nga madali lang gawin yun. Pero hindi.. Mahal na mahal ko na kasi sya eh. Hindi ganun lang kadaling limutin sya."

"Pag pinilit mong gawin, hindi mo mararamdaman ang hirap." bulong ko nalang sa kanya. Humarap sya.

Humarap na kami sa isa't isa. Niyaya ko syang maglakad lakad sa park para gumaan ang pakiramdam nya kahit papaano.

Nilibre ko sya ng ice cream pagkatapos, umupo kami sa bench sa may park.

"Umin, kayo ni Chen, kamusta?" muntik naman akong masamid sa sinabi nya.

"Mandiri ka nga Lulu! Wala naman akong pakialam sa payaso na yun ano! Tsk."

"Sus wala daw! Alam mo Minseok, kilalang kilala na kita. Aminin mo na. May gusto ka din kay Chen diba?"

"Inaamin ko, minsan, kahit ampangit nya, nacu-cute-an ako sa kanya. Wag mong sasabihin sa iba pero, kanina, nagselos ako sa kanila ni Suho."

"Ahjuju. Pareho naman pala tayong may love problem eh."

"Kaya nga Luhan, Napag-isip isip ko, bakit hindi nalang natin tulungan ang isa't Isa na makapag-move on? Magkaibigan naman tayo diba? Ang magkaibigan, nagtutulungan." sabi ko

"Call! Bestfriend!" sabi ni Luhan at nagfist to fist kami.

"Yes bestfriend!"

ㅅㄹㅅㄹㅅㄹㅅㄹㅅㄹㅅㄹㅅㄹㅅㄹㅅㄹ
AN: Waaa~ Na-download ko na yung full Happy Camp ng EXO (2014) Kaso walang english sub. Aba'y putek *nosebleed. Hihi. Daming ChanBaek♥ Hihihi :")

Thanks for reading ♥ Stay tuned. Vote, Comment.

WHY Can't I Unlove You? [HunHan Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon