Chapter28

2K 40 4
                                    

Kababalik lang sa dorm ng mga members matapos yung modeling kanina. Lahat sila nag-enjoy at syempre, napagod.

Maaga silang natulog. Dahil ayun! Sabi ni Manager hyung eh! Hahaha!

KINABUKASAN, Kasalukuyang nagluluto ng breakfast si D.O para sa mga natutulog pang members. Sinamahan sya ni Kai sa kusina.

"Sino ka-text mo?" Tanong ni D.O

"Si Taemin. Pupunta daw sya dito maya maya." Sagot ni Kai.

"Yes!" Sabi ni D.O. Actually, ayaw nyang pumupunta si Taemin sa dorm nila. Once kasi na magkasama si Kai at Taemin, matagal maghiwalay yan!

Napatingin agad si Kai kay D.O nang mag-YES ito.

"Oh? Bat natuwa ka ata na pupunta dito si Taemin?" Tanong nya kay Kyung.

"Namimiss ko na kasi sya. Ang tagal nya nang di dumadalaw dito.."

"Anong namimiss?!" -Kai.

"Ayy, hindi ko pa pala nasasabi sayo, ano? Ideal type ko lang naman si Taemin. Crush ko na nga sya eh. Nahihiya lang ako.." Pagkukunwari ni D.O

"Crush?! Crush mo si Taemin?!"

"Ohh? Anong masama dun?" -D.O

"Hindi ko na sya papapuntahin dito."

"Huh?! Bakit naman?! Papuntahin mo na sya!!" Sabi ni D.O pero deep in side. Gustong gusto nya ang mga nangyayari :D

"A.YO.KO." sabi ni Kai tapos iniwan sya sa kusina.

Natawa nalang si D.O sa sinabi ni Kai. Nang kumain na sila ng breakfast, napansin naman ng ibang members na nakabusangot si kai.

"Anong nangyari sa mukha mo Kkamjong?" Tanong ni Chen. Hindi nalang ito sumagot at kumain nalang.

After nilang kumain, tumambay sila sa sala. Si D.O at Kai, magkatabi, lagi ngang inaakbayan ni Kai si D.O eh. Na para bang pinipilit nya yung sarili nya kay D.O hahahah! Ungas.

Maya-maya nag-ring yung phone ni Kau kaya napahiwalay sya kay D.O sandali.

"Hello?" -Kai.

[Hoy! Papunta na ko.] -Taemin.

"Sabi nang wag ka nang pumunta eh!!"

[Bakit ba?! SUS!! Kunyari ka pa eh. Hahahaha!]

"Basta yari ka sakin pag pumunta ka pa dito! Sa susunod nalang o kaya wag ka nang magpakita dito sa dorm!"

[Pano ba yan nandito na ko sa harap ng dorm nyo. Pasok na ko ha?] Nanlaki yung mata ni Kai. Napatingin agad sya kay D.O tapos hinila nya ito papunta sa kwarto nila.

"Oh!! Bat mo na ko dinala dito?!" Reklamo ni D.O

"Dito ka lang. Wag kang bababa hangga't nandito pa si Taemin." Nagulat si D.O sa sinabi ni Kai.

"HUH?! Nababaliw ka na ba?!" Sigaw ni D.O kay Kai.

"KIM JONGIN! Nandito na ko!!" -Narinig nilang boses ni Taemin.

"What?! Nandyan na si Taemin? Wieeee!" Sabi ni D.O na kunyari pang kinikilig. Bumitaw sya sa pagkakahawak ni Kai at nagmadaling pumunta sa pinto.

Pero bago pa nya mabuksan yung pinto, hinila sya ni Kai pasandal sa pader at hinalikan siya.  Nagulat naman si D.O sa ginawa ni Kai. Nang magkaharap na sila sa isa't isa, biglang pumasok si Taemin sa kwarto. Nagulat si Taemin dahil sa dalawa. Tinakpan naman agad ni Kai yung mata ni D.O para hindi nito makita si Taemin xD

"Uy! Ano bang ginagawa nyo ditong dalawa?" Tanong ni Taemin.

"Wala kang pakialam! Umalis ka na nga dito!" Sabi ni Kai.

"Kakarating ko lang, papaalisin mo na ko? Tsch." -Taemin.

"Next time nalang! Alis na!" Sabi pa ni Kai.

"Okay~ Bye D.O~" Sweet pang sabi ni Taemin.

"Sabi nang umalis ka na eh!!" -Kai.

"HAHAHAHA!!" -Tawa ni Taemin pagkalabas nya ng kwarto.

Bumitaw na sa pagkakatakip sa mata ni D.O si Kai.

"Ano ba 'to!! Takpan ba naman mata ko!" Sabi ni D.O

"Yan ang lagi kong gagawin sayo kung malapit satin si Taemin."

"HA?!"

"Ayokong sa kanya ka nakatingin. Gusto ko sa akin lang."

"Bakit?"

"Basta! Wag mo na syang gustuhin!"

"HAHAHAHA! Hindi ko naman sya gusto eh."

"Huh?! Anong hindi? Ibig sabihin wala lang yun? Hindi totoo ang lahat?" -Kai.

"Hindi." Biglang niyakap ni Kai si D.O

"Ayokong may kahati sayo. Akin ka lang." -Kai.

"Opo~" Napangiti nalang si D.O at mas niyakap pa ng mahigpit si Kai.

ㅅㄹㅅㄹㅅㄹㅅㄹㅅㄹㅅㄹㅅㄹㅅㄹㅅㄹ
AN;  Stay safe! Si Typhoon Glenda kumekendeng na! Lakas ng hangin~~ Hahaha! Pakalmahin yan! Hahaha! KaiSoo muna ♥ Salamat sa pagbabasa! Mwuah~

VOTE, COMMENT♥

WHY Can't I Unlove You? [HunHan Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon