Chapter39

1.8K 31 2
                                    

Tao's POV

Nang makabalik ako sa dorm, dumiretso agad ako sa kwarto ni Kris hyung. Si Suho lang kasi yung kasama kong umuwi. Si Baekhyun hyung, Chanyeol hyung, Luhan hyung at Sehun, nag-double date eh. Tsch ><

Nagulat ako nang walang tao sa kwarto nila Kris hyung. Bumaba agad ako sa sala at lumapit kay Chen hyung.

"Hyung, nasan si Kris hyung?!" Tanong ko.

"Sinugod sa ospital! Lagot!!" Pagkasabi ni Chen nun, tumakbo na ko agad palabas.

Hala. Ano na namang nangyari kay Kris hyung?! Kinakabahan tuloy ako!!

Pagkadating ko sa ospital, hinanap ko sya dun. Hindi ko nga mapigilang umiyak eh. Habang di ko pa sya nakikita, feeling ko, mawawala na sya sakin. Hindi ko hahayaan yun! Kahit anong mangyari, kailangan lagi kong nasa tabi si Kris hyung!

Nagtanong ako sa nakasalubong kong nurse.

"Ma-may nakita po b-ba kayong.. Lalaking ma-matangkad, n-na na confine di-dito?" sabi ko sa nurse.

"Sir? Ayos lang po ba kayo?" tanong nung nurse.

"Waaaaaah! Si Kris hyung! Dalhin mo ko sa kanya!! Baka kung ano nang nangyari sa kanya eh!!" hindi ko na napigilang umiyak.

"Kalma lang po sir." -Nurse.

"Pano ako kakalma?! Pano kung may nangyari nang masama kay Kris hyung huh?!" Napasigaw na tuloy ako.

"Tao?" Napalingon ako sa likod ko. God! It's Kris hyung!! Tumakbo agad ako palapit sa kanya at niyakap sya.

"Bat ka nandito?" Tanong ni Kris hyung.

"Sabi kasi ni Chen hyung, sinugod ka daw dito sa ospital. Akala ko inatake ka na o ano. Kinabahan ako ng sobra.." sabi ko.

"Walang nangyaring masama, Tao. Nagpa-check up lang ako." -Kris.

Nang dahil dun, kumain kami ng ramen. Nag-steak din kami. Syempre libre ni hyung! Hihihi♥ Pagkatapos, naglakad na kami pauwi habang kumakain ng ice cream.

Pagkauwi namin sa dorm, sinimangutan ko agad si Chen hyung.

"Oh? Anong ginawa ko sayo?" Natatawa nyang tanong. Ah! Tinatanong nya pa ah?! Kung sipain ko kaya sya dyan!!

"Liar ka talaga!!" sabi ko.

"Jongdae nga lang eh! Hahahaha! Atsaka pasalamat ka sakin! May kilig moments kayo! Ahjuju! ARAY!!" Binatukan naman agad sya ni Kris hyung. hahaha! Buti nga xD

ㅅㄹㅋㅅㄹㅂㅊㅊㄷㅌㅋㅅ

Third Person's POV

"Luhan!" Nagulat si Luhan nang tawagin sya ni Sehun. WITHOUT honorifics.

"Sehunnie?" -Luhan.

"Kuha mo nga ako ng tubig." sabi ni Sehun sabay tingin ulit sa tv.

"Huh?" Yun lang yung nasabi ni Luhan. Napatingin naman sa kanya ulit si Sehun.

"Yaja Day ngayon, hyung. It means, Ako ang hyung ngayon at ikaw ang dongsaeng ko." -Sehun.

"Ganon?" -Luhan.

"Uhm! Kaya ikuha mo na ko ng tubig, LUHAN." Napangiti nalang si Luhan at kinuha ng tubig si Sehun. Pagkatapos ay inabot nya ito kay Sehun.

"Eto na po yung tubig, hyung." sabi ni Luhan. Kinuha naman agad yun ni Sehun. Patayo na sana si Luhan ng hawakan ni Sehun ang kamay nito.

"Dito ka lang." Napatango nalang si Luhan at tumabi kay Sehun. Lumalayo sya konti dahil ang awkward para sa kanya. Dalawa lang kasi sila dito sa sala eh. Nagulat sya nang biglang hawakan ni Sehun ang waist nya inilapit sya ng upo sa tabi nito. Plus, inakbayan pa sya pagkatapos.

"Hyung.." Sabi ni Luhan pero diretso lang ang tingin ni Sehun sa tv.

Di nagtagal, tumayo na si Sehun at hinila si Luhan paakyat sa kwarto nito.

"Ako ang mag-aalaga sayo ngayon." sabi ni Sehun.

Nung dinner nila, sinusubuan pa ni Sehun si Luhan. Bago rin matulog, tinimplahan nya pa si Luhan ng gatas. Tinabihan nya pa ito sa kama.

"Dongsaeng ya, tulog ka na?" tanong ni Sehun kay Luhan na nakatalikod na sa kanya. Hindi sumagot si Luhan kahit gising pa sya kaya akala ni Sehun, tulog na sya. "Dongsaeng, saranghae." Bulong ni Sehun. Unti-unti nyang niyakap si Luhan/backhug. Nagulat naman si Sehun nang hawakan ni Luhan ang kamay nyang nakayakap kay Luhan.

"Akala ko tulog ka na." -Sehun.

"Hmm." Humarap si Luhan kay Sehun. "Tapos na ba yung Yaja day?" Napangiti naman si Sehun.

"Wala naman talagang yaja day eh! Hahaha!" -Sehun.

"Aish!! Nagpaka-dongsaeng ako sayo! Tsk." -Luhan.

"Gusto ko kasi ibalik lahat ng pag-aalagang ginawa mo sakin. Hyung, gusto ko iparamdam sayo na I care a lot for you." sabi ni Sehun habang nakayakap sila sa isa't isa.

"Sehunna, kahit hindi mo gawin, alam ko naman na mahalaga ako para sayo. Lagi mo kayang pinaparamdam sakin yun!"

"Basta Luhan hyung. Ako lagi ang mag-aalaga sayo."

"Opo! Sehun hyung! Hahaha!"

"Mwuah!" Nagulat si Luhan nang halikan sya ni Sehun.

"You're the best dongsaeng!" sabi ni Luhan. Napangiti naman si Sehun at idinikit ang noo nya sa noo ni Luhan.

"I love you the most hyung.."

"Hindi mo alam kung gaano mo ko pinapasaya, Sehunnie. Hinding hindi ko 'to makakalimutan. I love you too." Pagkatapos ay hinalikan ni Luhan si Sehun with full of love ♥

ㄹㅅㄹㅅㄹㅅㄹㅅㄹㅅㄹㅅㄹㅅㄹㅅㄹㅅ
AN: Kamsahamnida jjinjaro! Thanks for still reading. Even though I update too slow, you're always there supporting this story. Kamsahamnida!! ♥

Vote¤Comment~

WHY Can't I Unlove You? [HunHan Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon