BLOOD ONE

1.3K 18 0
                                    

WALA NANG PAPANTAY pa sa kagandahan nang tanawin dito sa Baguio city. Wala nang hinihingi pa ang dalagang si Zirconia Mystic Bautista, nandito na magandang tanawin, malamig at sariwang hangin ang nalalanghap at humahalik sa kanyang balat habang pinagmamasdan nito ang ganda nang kanyang hacienda.

Isang distorbong tawag ang gumambala sa kanyang tahimik na pagmamasid sa kanyang hacienda. Tumirik ang mga sariling mata nito at nagtagis ang ngipin niyang sinagot ang para sa kanya na traydor dahil sa paggambala niya sa kanyang tahimik na diwa.

"Kung ano man iyan, hindi ako interisado, masyado kang mapagkaibigan na tumawag ka sakin na hindi man lang inisip kung ano ang kalabasan nito."

Agad namang may bariton na boses ang pumuno sa kanyang tenga naikinabigla nito. "Ika limang beses mo nang binati nang ganyan ang iyong tiyo, Zirconia."

"T-tito! Pasensya na po, akala ko ang mga sekretarya nang iba nanamang kompanya. Kahapon halos magdamag nila akong ginambala, nakakaubos na nang pasensya."

Narinig nito ang tawa nang kanyang tiyo. "Ganyan talaga ang buhay pag-ikaw ang nagmamay-ari nang isang malaking kompanya. Siguro naman may sagot kana sa aking katanungan, binigyan na kita nang sapat na panahon para mag-isip, Zirconia."

--

"Isa lang ang gusto ko na gawin mo, Zirconia. Ikaw ang bagay sa misyong iniwan nang aking traydor na kaibigan dahil lang sa isang babaeng akala niya sasaya siya. Ikaw ang klase na babae na walang kinatatakutan at handa na i-sakripisyo ang sariling kaligayan, para sa hustisya."

Inilapag nang tiyo nito ang isang imahe nang lalaki. May kulay puti ang kanyang buhok na humalo sa totoong kulay nang kanyang buhok.

"Sino siya?" Inilapag nang dalagang at tasang kape at itinanong Ito sa kanyang tiyo, na parang may minamasid sa labas nang bintana.

"Kilala siya bilang si kapitan Grill...." May kinuha ang tiyo nito sa ilalim nang kanyang mesa. Siguro mga lima hanggang sampu ang mga papel na nakadikit-dikit sa dulo nito, batay sa kanyang paningin.

Kinuha niya ito at binasa kung ano ang nakasulat sa mga papel na hawak niya ngayon.

"Totoong pangalan Victor Rex Grill, edad ay trenta, walang anak, byudo, at siya ang pumatay sa aking anak na si Ana." Binasa nang dalaga at pangalawang pahina.

Nakasulat dito ang mga paaralang pinasok niya, grado, trabaho at ang mga tungkol sa pamilya nito. "White Castle Academy... Green Hill Academy... Western College of Engineering... And... Phil-Sci."

Pina-ikot nito ang dila sa malang labi nito. "Masyadong matalino para pumatay nang inosenteng dalaga, ngunit... Napapansin ko... Hindi kay Ana ang mga paaralang pinasukan niya."

Tumango ang tiyo nito. "Ang paaralang pinasukan niya ay ang paaralang pinasukan mo din Zirconia." Victor Rex Grill. Wala siyang kaklase o narinig man lang ang pangalan niya sa paaralan.

LORDS OF BLOOD: LORD R: RICHARD FELIX DEVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon