O N E

15 0 0
                                    

M O N I Q U E

Switzerland

"Hi Im here to see Lucas Theo De Merced?" Patakbong lapit ko sa reception. Hinihingal at malakas pa din ang kabog ng dibdib ko.

"Just a minute" sagot naman ng blonde na babae sa reception atsaka nito tinipa ang keyboard ng laptop.

Wala pang isang minuto ang nakakalipas pero parang bawat segundo ay oras. It makes me really impatient. I really hope Delphine is lying this time. Kahit ngayon lang sana nagsinungaling siya.

Bumaling sakin ang babae.

"Is he expecting you Miss Del Paz?"

Napatigil ako ng kaunti.

"Yes." Alangan kong sagot.

Tumango lamang ito at duma-ial ito sa telepono.

Naririnig kong puro yes sir ang sagot ng babae. Nararamdaman kong si Lucas ang kausap nito. Hindi ko alam ang mararamdaman kung matutuwa ba ako na nandito siya o maiinis dahil hindi ko siya mahanap.

"I'm sorry Miss Del Paz but Mr. Merced refuse to see you." With sympathy nitong sabi sakin.

Ako naman ay parang nanigas sa kinakatayuan ko.

What is this?

After one month of nothing malalaman ko nalang bigla na ikakasal na siya.

Tapos ngayon ayaw niya akong harapin?

Ano to?

Kung hindi pa pinakita sakin ni Delphine yung invitation hindi ko malalaman na ikakasal na pala siya?

Tumingala ako ng kaunti at minasdan ang mga letrang gawa sa marmol.

T W O S E A S O N ' S

Ang basa ko.

Hindi ko na mapigilang maluha.

Ang sakit e.

Ano bang nagawa kong mali?

Kasalanan ko ba na mayaman sila?

Alam ko namang hindi kami bagay ni Lucas pero pinaramdam niya kasi sakin na pwede e, na okay kami,na hindi sagabal yung status namin.

Akala ko sa soap opera lang nangyayari yung ganito.

Pwede pala sa totoong buhay.

Akala ko drama lang, Na iba ang realidad.

Pinilit ko namang bumagay sa kanya.

Na kahit hindi ako galing sa mayamang pamilya inaral kong makibagay.

Hindi ko maintindihan.

Bakit ang dali niya akong iniwan?

Yung mga panahong pinagsamahan namin ang dali niyang tinapon.

-

Ilang minuto rin akong nakayuko sa labas ng hotel trying to figure out kung saan ba ako nagkamali at nang mahimasmasan I stop crying and went back inside.

Desperada na kung desperada pero hindi ko hahayaang pag mukhain niya akong tanga.

I dialed Delphine's number at agad din naman itong sumagot.

"Hey, you have to help me. I'm here at Two Season's. Tell them to let me in."

I heard Delphine chuckled. At binaba ang tawag.

Winter RhapsodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon