2. Break-up

249 10 0
                                    

Second day na ng school. Hay. Syempre ganun pa rin. Nakakatamad magschool noh.

"Kim, kumusta pag-uusap ninyo ni Steven? Okay ba? Ang pogi niya noh? Ideal man ko yun e."

"N.A.K.A.K.A.D.I.R.I K. A." Yun lang ang nasabi ko. Gosh. Andami daming lalaki na pwedeng magustuhan ni Yumi, bakit yuun pa? Ang baduy lang.

"Tse. Pumasok na nga tayo sa room"

Hinila na ako ni Yumi papasok sa 4-F. Hahahahaha. Dapat nasa 4-A si Yumi kaso na-late magpa-enroll, nung second year ililipat na dapat siya sa A kaso siya na yung nagkusang umayaw. Pareho yata talaga kami ng kapalaran. Kaso umayaw sya dahil andito ako. Kaya kahit hindi halatan, mahal na mahal ko yang bestfriend ko.

Pagkatapos ng walang kwentang discussion. Ohorat!! Break time na.

Naglalakad kaming dalawa ni Yui ng may humarang sa dinadaanan ko. Oo sa akin lang. Kasi ako yung tinapatan niya eh.

Tinaasan ko agad sya ng kilay. Aba. Sino sya ara harangan ako? Di nya ba ako kilala?!

Tinaasan nya rin ako ng kilay. Aba. Nakikipagmatigasan ito sakin ha. Tsssss. Gusto niya yatang masampolan. Sakto kating kati na yung kamay ko sumuntok. Oo. Hindi ako nanampal. Puro sapak, sipa at suntok ang alam ko. Di ko pala nasabi sa inyo na master ako ng wushu, taekwondo, judo, at karate. Balak ko sanang mag-aral ng sumo kaso muntik ng himatayin si Mama ng malaman nya. Kaya hininto ko. Expert ako sa martial arts noh.

"Oh. So you're Angel from 4-F. Hahahahha. Bagay na bagay ka dun. Halatang walang alam"

Sabi niya sakin habang nakataas pa rin ang kilay nya. Ang sarap ahitan e! Nakakagigil.

"Di ko alam na sikat pala ako. Hi fan" Binigyan ko sya ng napakatamis na ngiti. Yung tipong lalanggamin sya sa ngiti ko. Hahahahaha. Naasar yata sya sa sinabi ko. Sabi ko na nga ba, wala pa rin akong kupas.

"Hahahha. Ako, hindi mo ako kilala? Sang planeta ka ba galling?" Tapos tumawa sya. Anong nakakatawa sa hindi ko sya kilala? Sa totoo lang, si Yumi lang yata ang kilala ko sa school. Weird ba? Hindi ako mahilig maki-socialize. Aksaya lang ng oras. Ang gusto ko, yung mga laban, yung may aksyon agad! Ang saya kasi eh. 

"Hulaan mo. Kapag nahulaan mo, may prize ka." Sabi ko habang nakangiti pa rin. "At ang prize? Isang sapak sa mukha, pwede na siguro?"

Mukha siyang natakot. Kaya siguro medyo lumayo sya sakin.

"Oh well, dahil wala kang kwenta kausap, sasabihin ko na ang gusto kong sabihin, wag na wag mong babanggain uli si Steven. Kung hindi, lagot ka sakin." Tapos umalis na sya ng kumekembot kembot pa. Tssss.

Pagkaalis nung babae, kinalabit ako ni Yumi. Aba. Kasama ko nga pala sya, hahahah.

"Kim, Si Coleen Ynarez yun. Kaloka ka talaga" Sabi nya sakin na para bang napakahalaga nung pangalan nung babaeng yun.

"I don't fucking care. Halika na, nagugutom na ako."

Habang kumakain kami ni Yumi, bigla kong naisip yung sinabi nung Coleen na yun. Wag ko daw babanggain si Steven. Bish pls, di ko nga kilala kung sino yun eh.

"Malalim yata iniisp mo Shin. Hahaha" Biglang sabi ni Yumi habang kumakain ng sushi. May lahi kasi sya. Well, halata naman sa pangalan diba?

"Yumi,may kilala ka bang Steven?"

O_O

"Hay nako. Mag memo plus ka nga. Diba sabi ko yun yung ideal man ko. Yung kausap mo kahapon.

O__O

Ako naman ang lumaki ang mata. Siya pala yun. So, sino yung Coleen? Girlfriend nya?! Hahahahha.

Bagay sila. Infairness! May lovelife pala yung lalaking yun. Well,hindi ako interesado sa kanila. Basta Masaya ako sa buhay ko. Wala na akong pakialam.

Hey, gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon