Sabado ngayon, nakakatamad, wala pa akong nababanatan sa school. Hahahaha. Joke lang. Mabait naman talaga ako e. Kaso nga lang mahilig ako makipag away. Di ko rin alam, basta nagising lang ako isang araw, naghahanap na lagi ng away. Pero syempre, kailangan din ng limit. Alam niyo na... Hahahaha.
Nagpaalam ako kay Mama na may bibilhin ako sa national bookstore. Oy, wag kayo. Totoong may bibilhin ako. Kaya ayun, nagbihis lang ako ng shorts at croptop na damit. Tapos yung boots ko. Mahilig ako sa K-pop. Kaya nung nasa Korea ako, pumupunta talaga ako sa lahat ng activities nila.
Balik sa katotohanan, nandito na ako sa mall. Syempre pag nasa mall, matic na ang gala jan. Hahahaha. Ihuhuli ko na yung national, di naman tatakbo yun e.
Ikot lang ako ng ikot. Gusto ko yung piercing ni G-Dragon. Sayang kasi! Ayaw ko naming ipabili kay Papa kasi mamaya, mali yung mabili niya. Edi sayang pa. Nako talaga!
Pumunta na lang ako sa happylemon para bumili ng bubbletea. Wohoo. Favorite ito ni Sehunnie.
Di na ako nagstay dun dahil nakakabanas yung mga ibang teens na maingay sa shop, parang ngayon lang nakapunta eh.
Habang umiinom ako, nakita ko ang standee ng exo my loves... Waaaaaaaa
Si Ben Ben ko.
*boogsh*
Uwaaaaaaa. Sa kakatingin ko kay Kris, may natapunan ako ng tea. Grrrrrrrrrrr.
Magsosorry sana ako kaso inunahan na nya ako ng sampal.
Fuck. Wala pang nakakasampal sa napakaganda kong mukha. Ang kapal talaga! Naghahanap talaga ng gulo, ha? Wait, dear. Hold my tea.
"What the fuck?!" Sigaw ko sa babae, wala akong pakialam kahit nasa gitna kami. Ano naman? Dukutin ko mata ng mga dumadaan na nakikiusyoso eh.
"Ikaw pa talaga magagalit ha? Ikaw na nga nakatapon sa napakaganda kong damit." Parang maghihysterical na siya. Duh. Tinignan ko yung damit nya, halatang cheap. Parang yung nagsusuot, cheap.
"Napaganda? Nasan? Mukha ka ngang paa" Sabi ko sabay flip ng hair. Nakakatamad sya. Pero napahinto ako. Sinampal niya nga pala ako, at hindi ako pumapayag na madaig ako, lalo na kung ang usapan ay tungkol sa physical fight! Aba! Mapapahiya ang mga nagturo sa akin ng martial arts.
Lumingon uli ako sa kanya, naglalakad na rin siya. Bigla ko syang hinabol at hinatak ang buhok niya. Napaluhod naman siya dahil sobrang lakas ng paghila ko. Ang tulis pa man din ng kuko ko ngayon dahil nakalimutan kong magnailcutter. Wah.
Serves you right, freak.
Pagkatapos nun, iniwan ko na sya. Pumunta na ako sa national, god. Gusto ko na rin umuwi dahil nakakapagod. Hay. Sinira nung girl na 'yon ang mood ko. Nakakainis.
Di ko dinala yung scooter ko kasi gusto ko magcommute. Wala lang trip ko lang. Hahahahaha.
Pumunta na ako sa abangan ng taxi. Meyo madami din kasi akong nabili. Mga isang supot. Hahahaha.
Habang nakatayo ako, biglang may humila ng buhok ko.
Paglingon ko, shit. Yung girl na pinahiya ko kanina sa loob nh mall. At may kasama na siya ngayon ha. Dalawang hipon. Kala mo magaganda e.
Nabitawan ko yung hawak ko na supot. Hinawakan ako nung dalawang girl na kasama niya.
"Kala mo siguro, ganun ganun na lang yun noh?" Hinawakan nya ako sa buhok at unti unti nyang diniinan yun. Pasakit na nang pasakit yung pagkakahawak niya. Dahil nga may nakahawak sa kamay ko hindi ako makalaban.
*slap*
Sinampal ako ni girl. Fuck. Pangalawang beses ng dumampi ng makapal nyang kamay sa napakaganda kong mukha. You'll pay for this.
Dahil magaling ako, inapakan ko yung paa nung nasa kanan ko at siniko ko yung babae sa kaliwa ko. Ngayon, napabitaw sila sakin sa sakit. Nagulat naman si girl na natapunan ko. Its pay back time, bitch..
Umikot ako para sipain siya. At dahil magaling ako, nasipa ko sya sa napakapangit nyang mukha. Napabagsak naman sya. Sinubukan akong sabunutan nung girl na inapakan ko sa paa, kaso nakaiwas ako at sinikmuraan ko sya. Wow. Gusto ko to. Isang linggo na akong walang nasasapak. Buti talaga at nagpunta ako sa mall. Nakakagoodvibes.
Yung babae naman na siniko ko, muntik na akong nasuntok sa mukha ko, kaya ang ginawa ko sa kanya, hinawakan ko yung buhok at dahil lagi akong may dalang gunting sa short ko, kinuha ko yun at ginupitan yung buhok niya. Hahahaha. Pwede pala ako magsideline.
Dahil tuwang tuwa ako sa buhok niya, di ko namalayang may hawak na pala na kutsilyo yung girl na natapunan ko. Nadaplisan niya ako sa braso. Tumutulo na yung dugo.
"Isa kang malaking shit!" Sigaw ko.
Hinawakan ko yung braso niya at nag-agawan kami sa kutsilyo. Naagaw ko naman. Tinutok ko sa leeg niya. Hindi ako pumapatay ng tao, pero, Ama namin!
"Pasalamat ka, hindi ako marunong pumatay ng tao." Mukha naman siyang takot na takot.
Binaba ko na ang kutsilyo niya at, dinaplisan ko rin yung braso niya. Pagkatapos nun, sinampal ko yung napakapangit niyang mukha. Mga naka 4 beses din. Hahahaha. Nasarapan ako e.
Pinagsisipa ko na sila at nakahandusay na silang lahat dun, saka dumating yung mga guard. Tssss. Always late. Dahil alam kong masasabit na naman ako dito, tumakbo na ako.
Hinahabol pa rin ako nung 5 guards. Fuck.
Binilisan ko nang sobra yung takbo ko.
Dahil matalino ako, naisipan kong pumara ng kotse o ng kahit anong sasakyan.
Pinara ko yung black na sports car. Buti na lang at huminto siya tapos ang swerte ko dahil bukas yung passanger seat niya. Binuksan ko yun.
Nagulat ako. Kasi siya si President ng school.
Medyo matagal din kaming nagtitigan., errr. Nagtinginan. Buti na lang at nakita ko sa side mirror na malapit na yung gwardiya kaya pumunta ako sa drivers seat. Inupuan ko sya.
At nagdrive ako nang mabilis. Sa sobrang bilis, di ko na alam kung san kami papunta. Siguro, bigat na bigat na sakin itong lalaking to.
Well, who cares. I'm in trouble kaya magtiis sya.
Nang malaman kong safe na ako, hininto ko na yung sasakyan.
Umalis na ako sakanya.
Napabuntong hininga na lang sya.
Ilang segundo rin kaming tahimik...
"You're bleeding" Sabi niya sakin tapos kinuha niya yung panyo niya mula sa bulsa niya. Tapos kinuha yung braso ko at tinalian niya. Wow. Fc talaga to.
"Fc" sabi ko sa kanya nung natapos na nyangtakpan yung braso ko.. Kung nagaantay sya ng thank you, well, hindi niya maririnig sa akin yun.
"Welcome" Sarcastic nyang sabi sakin. Hindi ko inaasahan na may pagka pilsopo rin pala ito.
Natawa ako sa kanya.
"Why?" Tanong nya sakin.
"Wala. Bawal na ba tumawa ngayon?" Mataray kong sabi sakaya with matching irap pa. Lol.
"Chill. Gusto mo ng beer?"
What?!
BINABASA MO ANG
Hey, gangster!
HumorShe's weird. He's normal. She's enthusiastic. He's boring. She rules her world. He was born to follow. She breaks the rules. He obey the rules. She belongs to 4-F. He belongs to 4-A. She's a mess. He's a hope. She's a gangster. He's a role model. Do...