5 | Revealed

198 7 0
                                    

♥ His POV ♥

I know her.

Long, long time ago, we met before. But, were being separated from each other. Lahat ginawa ko na noong mga panahong 'yun. Pero talagang hindi pwede, hindi maari... Masyado pa siyang bata noon, habang ako... ganito na, all grown up. Reasons why lahat sila tutol sa pinagsasabi ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko noon'. Dahil unang kita ko pa lang sa kanya, I felt this strong bond between us. I don't know, kung ako lang ang nakaramdam noon o pati siya.

So, I try to make my ways, una I do it in good ways. Naging close ako sa family niya. And time comes na sinabi ko sa Dad niya ang pakay ko. Pero, hindi ko inakalang magagalit siya sa hiling ko... sobrang galit na pinatapon nila ako, ended up hindi na ako parte ng lugar na 'yun.

Yeah, you got it all correct. Im absolutely a vampire and so she is too. The thing is, bakit hindi niya ako maalala... I'm sure even my face is still the same from the last time we met. I didn't change a bit, but she does, she grows up to be a beautiful lady with those innocent face., you can't even tell her family is in line with vampires.

Well, whatever... she needs to know now. Noong sinabi niya sakin kanina na hindi na niya ako e-ga-guide, kinabahan ako. Ayokong malayo sa kanya, hindi ko na gustong maulit yung nakaraan.

So here I am, dito sa roof ng school. Dito ako palagi nakatambay. Tinatanaw ko siya araw-araw, ewan ko ba pero I can't bring myself to confess to her within the month na magkasama kami. Pero ngayon, it's now or never.

Pero laking gulat ko na lang ng biglang dumating ang isang taong ayaw na ayaw kong makita. Si Gresilda. Ang babaeng naging dahilan ng pagkabunyag ng sikreto ko sa school na ito. Halos lahat ng estudyante dito takot sakin, maliban lang sa mga babae. (ang hangin ko... hahaha), walang naniwala sa kanya dahil wala din naman siyang ebidensiya na isa nga akong bampira.

Noong una hindi ko makuha-kuha kung bakit niya ginagawa yun sakin. Lahat ng paraan ginawa niya para mapansin ko siya. Hangang dumating sa punto na 'yun, na pinagkalat niya na isa akong bampira. Hindi ako makapaniwala kung bakit nag-ka-idea or talagang alam niya ang tunay na pagkatao ko. Nalinaw lang sa kin ang lahat ng magtapat siya sakin. Mahal niya raw ako. Alam na niyang isang bampira ako, unang kita pa lang namin, dahil pareho daw kami.

Huh! Ang problema may mahal na akong iba. Kaya, agad kong ni-reject ang pag-ibig niya sakin. Nandito ako para kay Irina, wala nang iba.

'Hi,Gabby...Gabby.'

'Anong ginagawa mo dito?'

'Oh, come on... easy. As far as I know, pag-aari to ng school, naligaw lang ako dito. You know?'

'Whatever. Umalis ka na.'

'Woo... mainit yata dugo natin ngayon Gabby.'

'Don't call me that and may hinihintay ako. Kaya please you may go.'

'Oh! You're meeting Irina, right?'

'Wala kang pakialam.'

'Gab, bakit siya pa? Nandito lang ako Gab.'

'Stop it, Gresilda! Akala ko ba naintindihan mo na ang lahat?'

Unti-unti siyang lumapit sakin. Pero bigla-bigla na lang ay nasa harapan ko na siya at hawak na niya ang leeg ko. Aktong kakagatin na niya ang leeg ko ng bumukas ang pinto at iniluwa si Irina.

Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Irina. Agad kong tinulak si Gresilda, hindi ko inakalang napalakas ang tulak ko dahil nasa kabilang banda na siya. Pero wala akong pakialam sa kanya. Si Irina, kailangan ko ipaliwanag ang lahat. Bago pa man siya makalayo ay agad ko siyang nahawakan.

'Ina, I can explain. Please.'

'Huh? What? No need to explain, nakita ko. Ano yun? Ano siya? Is she a vampire? Ikaw? bakit ang lakas mo?'

'It's just what I am.'

'So ibig sabihin niyan, bampira ka nga? Gosh!! Kakainin mo na ba ako?'

Napatawa ako sa sinabi ni Irina. Kakainin? Geez, maybe kagatin pwede pa. But I can't do that to her.

'Don't laugh at me!'

Pero hindi pa din ako makatigil sa pagtawa.

'Ugh! Whatever! I'm going.'

'Wait, umupo muna tayo.'

Hindi ko pa rin binibitawan ang kamay niya. Dinala ko siya sa bandang likod ng rooftop. Tiningnan ko ang lugar na binagsakan ni Gresilda at nakitang wala na siya doon. Buti naman, natakot yun malamang.

'Teka, teka lang. Saan mo ako daldalhin? Itatago mo ba ako sa likod at doon ako lapain at...at... pa---tayin?'

'Ina, relax. okay?'

'Huh? Paano ako makaka-relax? Your unbelievably strong, baka mamaya nyan itulak mo ako dito sa rooftop. Oh, please just let me go. Nalaman ko na ang pwede kong malaman. You're a freaking Vampire and I'm with you.'

'Ina, yes I am. And I want to be honest with you. Ito yung dahilan kung bakit gusto kitang papuntahin dito. I'll explain everything, alam kong ikaw lang ang makakaintindi sakin.'

'Well,that proves na tama pala ang kumakalat tungkol sa iyo? Alam mo, hindi ka magaling magtago., you know that?'

'Alam ko, pero 'yun lang ang alam nila hindi nila kilala ang totoong ako. You know me better than they do.'

'What do you mean? So talagang kakainin mo ako?'

'No, It's not that. (sigh) You don't understand.'

Pagkasabi ko 'nun ay agad na tumingin sakin si Ina. Straigth to my eyes, parang inusisa niya ang pagkatao ko.

'Maybe I do', she smiled.

And then, nakita ko ang pangil niya.

'Maybe I understand you completely.' sabi niya habang papalapit sakin. Not in a good distance. were so close now.

First, I looked surprised and pleased all at once. Maybe, after all naalala na din niya ako.

'So, ahm... naalala mo naba ako?'

Tumango lang siya habang nakangiti parin. Ewan ko kung paano niya ako naalala ng ganun lang. Maybe dahil na din sa bond namin.  Whatever it is.I'll never hold back now. I leaned in to kiss her cold lips passionately and deeply. We giggled slightly when we accidentally bumped fangs.

END.

~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~

> okay. So tinapos ko na. Ewan ko basta yan na yan.  Hindi ko na pinahaba pa, short lang 'to eh. (hehe)

> pasensiya na kong may makita man kayong mali (typo or grammar) tsaka bigla nalang nag-eenglish somewhere in the story. (haha)

> Sa mga lahat ng bumasa nito THANK YOU VERY MUCH ^_^ appreciated ko lahat.

   

H I M (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon