kamot

3 0 0
                                    

nagkakamot,
araw, gabi, hapon at magdamag
di ko maitigil ang yamot
sa kada kamot.
mahirap, di nila alam
ang binabalot ng dugo ko't
kalamnan
mahapdi, masidhi
nagtitimping galit
ayaw makasakit ng halaman.
nagkakamot, nayayamot
hanggang kailan
ang hinagpis
maari ko bang kitilin
putulin
ang mga kukong
gustong tumulong
sa aking nagdudugong
mga daliri.
di kita maabot,
kamot ako ng kamot.
gusto kitang yakapin
ngunit
nakakayamot.
kamot.

Two Hundred FoldsWhere stories live. Discover now