Chapter 2: MY GIRLFRIEND

55 6 9
                                    

Chapter 2: MY GIRLFRIEND

"Coleen bilisan mo! Iiwan ka na ni Clark at Ivan" sigaw ni tita Jessica. Waaaaaaaaaaa! Bakit nandyan pa si Ivan na yan? Wala akong mukha na ihaharap sa kanya dahil sa nangyari sakin noong isang araw. Grabe ang asar ni Clark sakin. Yun daw ang tatamo ko sa pagiging feeler ko may pawink wink pang nalalaman ayun tuloy nanakawan ng halik T.T bweset talaga yun kahit kailan! -.- isang lingo na ang nakalipas at minsan lang ako lumabas dito sa bahay.

"Palabas na po" sabi ko at lumabas na sa kwarto. No choice ako ee. Kailan ko daw pumunta sa plasa. May basketball daw doon at maglalaro ang pinsan ko na dapat kong panuorin. For what? Tsk!

Pumunta na ako sa sala kung saan naghihintay si Clark at yung Ivan. Ngumiti sakin si Ivan agad naman akong umiwas. Waaaa! Umiinit ang pisngi ko dahil sa hiya.

"Margaret let's go" Clark sabay tawa. Inakbayan niya si Ivan at sabay silang lumabas at ako nakasunod lang sa kanila.

"It's Collen! BOBO!" sabi ko sabay irap. Nagwink lang siya sakin at nakitawa yung Ivan. Nasa kwarto sila lolo at lola kaya di na ako nagpaalam sa kanila si tita ewan kung saan.

"Nga pala! si Ivan Mar-I mean Coleen yung hinalikan mo noong isang araw and this is Coleen my cousin yung humalik sayo dun!" Clark sabay tawa. Tingnan ko siya ng masama! Anong klasing introduction yun? urgggh! Uminit nanaman bigla ang mukha ko. Nakakahiya talaga

"You're blushing" Ivan at tumawa siya. Umiwas nalang ako ng tingin. Waaaaaaaaaaa talaga!

"In love na ata sayo dude! Sinasagot ka na daw" Clark sabay akbay sakin

"Isa na lang talaga Clark kakalbuhin kita!" inis kong sabi sa kanya sabay lakad ng mabilis at inunahan sila! kaya ayaw kong makasama ang pinsan kong yun e! Nakakaasar. Since bata pa kami inaasar niya ako at hanggang ngayon na! -.-

"Miss wrong way ka! dito papuntang plasa" Ivan sabay turo sa opposite direction! Lupa lamunin mo na talaga ako! tumawa silang dalawa. Di ko sila pinansin. Nakakainis! -.-

"Clark ganda ng kasama nyo ah! Pakilala nyo naman kami" Sabi nung lalaking tambay na mukhang ewan! No way! Tiningnan ko ng masama si Clark pag ito umoo mapapatay ko talaga siya!

"Ah! Siya ba?" sabay turo sakin "Tanong mo kung pumayag si Ivan! Girlfriend niya yan e" napanganga nalang ako sa sagot niya. Kahit kailan talga ang lalaking to. ngumisi lang siya! Huminga ako ng malalim at magsasalita na sana ng bigla akong inakbayan ni Ivan

"Sorry boys madamot ako sa pangalan ng girlfriend ko at lahat na tungkol sa kanya" sabi niya at hinila ako papalayo dun sa mga tambay. Hindi ako nakareact dahil sa nangyare. Mga langya to! pinagtitripan ako!

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" napalingon ako kay Clark na talo pa si vice ganda kung makatawa.

"What a scene! Galing aa! Bagay kayo Coleen! May bumagay pala sayo? HAHAHA-ARAY!" binatukan ko siya at sinipa ang paa.

"Langya ka talaga Clark!" sabi ko umupo sa bench. Nakarating na kami sa plasa at iniwan nila ako dito at pumuta na sa court. Silang dalawa kasi ang maglalaro.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAA! GO IVAN!"

"GO CLARK ANG GWAPO MO!"

"MAS GWAPO SI IVAN MY LOVES!"

Yan ang sigawan ng pumasok si Ivan at Clark sa court. Gwapo naman talaga si Clark syempre walang pangit sa pamilya namin no at si Ivan din pero kahit ang gwapo niya ninakaw niya parin ang first kiss ko-teka ninakaw ba nya o pinanakaw ko? waaaaaaaa! -.-

Nagstart na ang game at ang ingay ng paligid puro Ivan ang sinisigaw. Crush ng bayan pala yun dito. Tumayo ako galing sa pagkaupo ng bigla akong banggain ng isang babae

"ARAY!" sabi ko sabay tayo at pinagpagan ang pants ko

"Kasalanan mo yan nakaharang ka sa daan ko" sabi niya at dinaanan ako. wow ha! langya ng babaeng to ah!

"sayo ba ang kalsada?" sigaw ko sa kanya para marinig niya kasi nakalayo na siya. Lumingon siya sakin at tinaasan niya ako ng kilay. Nakakuha din kami ng attensyon ng ibang nanunuod ng laro. Yung iba may binubulong pero di ko maintindihan basta may sinasabi silang 'lagot siya'

"kung sabihin ko sayong oo? I think bago ka dito. Miss kilalanin mo ang kinakalaban mo" maarteng sagot nito

"bakit ko naman kikilalanin ang isang tulad mo! You own this road? Kaya pala magkamukha kayo! Sarap apakan ng pagmumukha mo eh!" sabi ko sa kanya at na 'oawh!' nalang ang mga tao sa paligid. Ngayon ko lang napansin na hindi na pla naglalaro ang mga players sa court at nakatingin ang mga ito samin.

Aatras na sana ako nang nakitang kong itinaas niya ang kamay para sampalin ako pero may naramdaman ako braso na humawak ng kamay nito

"Sam don't you dare to hurt her" seryosong sabi ni Ivan at nakakatakot yung boses niya

"You know that bitch?" sigaw nung babae na si Sam daw

"she's my girlfriend" sagot ni Ivan at napuno ng bulong bulongan ang paligid.

Dating Mr. Annoying [ON-HOLD]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang