Chapter 1

43 4 3
                                        


Cesca's POV

Kasalukuyan kong  pinag mamasdan ang mga bulaklak dito sa aming munting hardin..

Alagang alaga ito ng aming hardinerong si Mang Tisoy.
May iilang puno din ang nakatanim sa paligid at nilagyan pa ito ng mga ilaw upang sa gabi,malaya kaming pumarito.

"CeJe, male-late ka na oh, dapat kumakain kana sa mga oras na ito,tama na yang pangungulit mo sa mga bulaklak."
Napangiti ako sa sinabi ni Mama, niyakap ko muna sya at inaya ng pumasok sa loob.

Habang kami ay naglalakad,panay ang tingin ko sa paligid ng aming malawak na mansyon.

"Ma,kapag ba nagka asawa ako, dito din kami titira o magpapa gawa kami ng sarili, ang lawak naman ng bahay eh"
Napatigil si Mama sa sinabi ko kayat humarap ako na may pagtataka.

"Bata ka pa,bakit mo na alam yan? May umaaligid na ba sayo?" seryusong tanong nito sakin.

Yumuko ako at napanguso.
Wala akong naiisip ngayon kundi ang lalaking aking nagugustuhan..
si Aiden.

"CeJe, wag mo muna isipin ang mga bagay na yan. 15 ka palang,marami ka pang pagdadaanan anak.Hmm.."
Tanging tango lang ang naisagot ko kay Mama. At tumuloy na sa loob.

Naabutan namin si Papa.Nagbabasa ito ng dyaryo at tanging kape lang ang nasa kanyang harapan.

"Pa,pakainin mo naman ang mga alaga mo dyan sa tiyan.Baka mapano sila eh hehe"

Maging si Mama ay napatawa sa biro ko kay Papa.

"Hayaan mo sila,nauna na silang kumain kaysa sayo. Kaya bilisan mo na,ayokong nale-late ka".
Ngumiti ako sakanya at kumuha ng pagkain.

Naging mabilis rin naman ang aking pagkilos.
Hinatid ako ni Papa sa school bago sya pumunta ng kompanya.

Habang naglalakad ako papunta sa aming classroom,pansin ko ang mga tingin ng mga ibang estudyante sa akin.

Diba sya yong my gusto kay Aiden.

Ambisyosa.

Mayaman lang naman sya eh pero di sya maganda.

Dinig na dinig ko din ang iba pang sabi ngunit minabuti kong wag nalang patulan baka makarating pa kay Aiden.

"Jelaine! dali padating na si Sir!" sigaw ng aking kaibigan na si Leah.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heaven By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon