I am Sabrina Chanel Ponce.
4th year highschool student
Pangalan pa lang ang sarap ng pakinggan no? Tunog mayaman kase. Nag-aaral ako sa Brightwoods Academy, one of the prestigious and well known schools. Kung saan halos anak mayayaman ang mga nag-aaral.
Pero eto ang totoo..
Marami ang mga nag-aakalang isa ako sa mga anak ng mayayaman. Hanep diba? Pero sana nga ganon..
Ang totoo kase nakapasok lang ako sa Brightwoods Academy dahil sa napaka talino kong utak, na isa sa mga araw araw na ipinapasalamat ko sa Dyos. Nag-take ako ng scholarship exam at hindi na nakakagulat na pumasa ako..
Matalino, maganda, at matapang.. Sabi nila na sakin na daw lahat. Pero bakit wala akong kinikilalang ama? Yes, I was raised by my mother alone. Kami lang dalawa sa buhay.. Ni minsan walang na ikwento o nabanggit si mama tungkol sa aking ama..
Pero sympre bilang matalinong anak, humanap ako ng sarili kong source para malaman kung anong nangyare o nasaang lupalop na ba ang aking ama..
Nalaman ko minsan na si mama pala ay dating kasambahay sa isang mayaman na pamilya, at nabuntis sya ng isa sa mga anak nito.. pero iniwan at hindi raw pinanagutan si mama kaya siguro ganun nalang ang galit nya sa akin.
Sa araw araw na ginawa kasi ng dyos panay batok, suntok, sampal at sabunot ang natitikman ko mula sa kanya. Tuwing nakikita nya raw kasi ako parang nakikita nya rin ang itsura ng aking ama.. sobrang magka mukha raw kasi kame.
Pero nasanay na ko sa ganon, mahal ko kase si mama eh. Alam kong nasasaktan din sya tuwing ginagawa nya sakin yon..
Okay. Tama na ang drama.
Nag-sesenti lang naman ako tuwing sobrang bored na ako..
At napaka boring ng TLE class namen.. kanina pa nagchecheck ng homeworks si ma'am parang hindi na natapos.
Nagulat na lang ako ng biglang tumayo si ma'am mula sa kinauupuan nya.
"Mr. Cruz wala ka na naman HOMEWORK!?!" ang agang nagngangangawa ng matandang to.
"Yes maam, I'm sorry po maam." sabi naman ng classmate ko na takot na takot.
"Ano na naman palusot mo ngayon ha?!" galit na galit na talaga si tanda.
"kasi po inoorient po ako ni daddy sa bagong business namin dahil ako daw po ang susunod na maghahandle non.." paliwanag ni classmate.
"Business business. puro ka nalang dahilan!!" umuusok na si tanda.
"Totoo naman po ma'am.." takot pa rin si classmate. Hay, kaya minsan mahirap maging mayaman eh..
"Aba at sumasagot kapa!" Sabay hampas ng malakas kay classmate ng isang makapal na libro.
"Hep! Hep! Hep!" ako naman ang
napatayo sa kinauupuan ko..
"Mrs. Mendoza as far as I know your only duty was to TEACH us and not to mind our personal reasons for not having a homework. And don't you dare hurt anyone of us." intense kong sabi habang nakaturo sa kanya ang pointer finger ko, para bang pinapangaralan siya.
"AND WHO DO YOU THINK YOU ARE MS. PONCE?!!!" Highblood na siya. Habang pinapakalma ko sarili ko.
Easy Sabrina.. Matanda yan..
Just appreciate the menopausal stage.
Inhale.. Exhale.. Madali kasi akong ma highblood!
"ANO WALA KA NG MASABE NAGTATAPANG TAPANGAN KA?! ANG KAPAL NG MUKHA MO KASING SUMINGIT SA USAPAN NG IBA!" -Mrs. Mendoza
Sht happens.. Sorry sinusubukan niya talaga pasensya ko!!
"HOY MATANDANG GURANG! Mas makapal naman ata ang mukha mo dahil wala kang karapatang saktan ni isa sa amin dahil una sa lahat hindi mo kame pinapakaen..."
"..And just so you know I am Sabrina Chanel Ponce, the class president of this section! At naiinis ako sa mga taong mahilig manakit ng kapwa nila tao!" tama nang ako lang ang sinasaktan ni mama ayokong maranasan yun ng iba, bulong ko sa sarili ko..
"Anong sabi mo!?! Ms. Ponce go to the principal's office!!"
"Okay. I'll see you there too." confident kong sabi.
••••
Principal's Office..
"So now Sabrina after explaining the scene, what do you want to happen with Mrs. Mendoza?" - Principal
"I want her to be out of this school." Oh ang tapang ko lang talaga..
"What? That's too much!" -Mrs. Mendoza
"But what you did is too much too.." sabi ko naman. hindi talaga ako papayag na basta sorry nalang, kailangan matuto din ang matandang to.
"I think Mrs. Mendoza is right, Sabrina." Anak ng. Kinampihan pa siya ng principal palibhasa parehong matanda. Urgh!
"Okay, if you don't want I'll just call my parents." Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa at inactivate ang fake call.
"..Yes mom..Where are you? ..After the hearing of dad does he have another case? ..I'm here at the principal's office one of my good teacher had my classmate verbal and physical abused.. Yes, I want dad to study about this case..Thank you mom, bye!"
0____0 Madam principal at Mrs. Mendoza.
"But you don't have enough evidence Ms. Ponce.." depensa ng principal.
Nakaramdam tuloy ako ng kaba.
Nang may biglang sumulpot na anghel sa may pinto..
Ayy! Anak ng anghel! Yung transferee pala. Napaka gwapo kase kaya aakalain mong anghel. Hehe.
"I have the scene all covered." matapos nyang sabihin yan iniabot nya ang phone niya sa principal.
Oh my. Lalo tuloy akong kinabahan. Ano bang pinagsasasabi ng newcomer na to??
Baka mamaya scandal pala yon. Huhuhu
"I can't believe you can do this Mrs. Mendoza, akala ko simpleng hampas lang, eh napaka lakas naman pala. With that I'll give you a 3days suspension."
Sympre hindi ako papayag na suspension lang. Baka mamaya after ng suspension nya maulit na naman yung pagka harsh na ginagawa nya.
Kaya bago ako lumabas tinakot ko ulit siya.
"Naku kung malaman lang yan ni daddy malamang hindi lang suspension abot nito, baka mawalan ka pa po ng lisensya sa pagtuturo.. Napaka galing pa naman na Attorney non, ni minsan hindi pa natalo at hindi pinapalagpas ang mga masasamang loob.." pag sabi ko nyan lumabas nako ng P.O. ng may ngiting tagumpay.
Pero maiba ako. Ano kayang pangalan nung newcomer na kaklasi ko?
Siya ang savior of the day ko. :)
BINABASA MO ANG
The Forbidden Love
Teen FictionLove that we cannot have is the one that last the longest, hurts the deepest, and feels the strongest. Find out how Sabrina Chanel will conquer her forbidden love. ♡