Zach's POV
Week end na naman. Haist. Napaka boring sa bahay kaya sumama nalang ako sa makulit kong bestfriend na si Anna. Nasa isang coffee shop kami ngayon malapit sa may school..
Pumayag naman ako kase pakiramdam ko mababaog ako sa bahay kakaisip.
Ano nga ba iniisip ko??
Okay, honestly I can't help my self from thinking about that girl named Sabrina.
First day ko palang sa Brightwoods Academy siya na kaagad napuna ko.
But wait let me introduce myself first since hindi nako binigyan ng chance magpakilala dahil second week na nung makapasok ako sa school.
I am Zachary Kyle Vergara.
My family handles three luxurious hotels.
Dati akong nag-aaral sa Chevalier School pero lumipat ako kahit na isang taon nalang sa high school dahil literal na nagugulo ang buhay ko.
Nagugulo ang buhay ko sa mga babae na hindi ko naman ka ano-ano.
Hindi sa nagmamayabang pero aaminin kong pinanganak akong medyo may kagwapuhan na minsan ay hindi ko na ikinatutuwa.
May mga nagsasabing girlfriend ko daw sila, o kaya dinedate. Yung iba nag-aaway pa.
Yung mga iba kaseng babae minsan sumosobra na. Kaya pumapanget na minsan image ko inaakala ng iba na papalit palit ako ng babae eh wala pa nga ako na girlfriend ni isa.
Hindi kasi ako madaling ma attract sa babae eh. Pero paglipat ko ng Brightwoods Academy hindi ko alam kung anong meron sa babae na si Sabrina at nakuha niya attention ko.
**Flashback**
Ang boring naman ng subject na to. Makapag laro na nga lang ng COC.
Pagkuha ko ng phone ko bigla naman nagalit ang teacher namin sa isa naming kaklase.
Grabe ang bagsik. Ganito pla mga teacher nila dito. Nanginginig na sa takot ung classmate ko.
Instead na maglaro ako vinideohan ko nalang ung nangyayare. Balak ko sana pakita sa kapatid ko. E kase matigas ulo non kya pag matigas ulo nya sasabihin ko na ililipat din sya dito sa school na to. Panakot lang ba.
Pero mas nakakagulat ng pinagalitan ng isa pa namin kaklase ang teacher namin. Ang tapang naman niya. At ang cute niyang tignan habang nagagalit. Nakaka-enjoy panuorin ang mukha niya.
Hindi ko na namalayan na sakanya na pla nakafocus ang video.
Ngayon lang ako nakakita na ganito katapang na babae.
***
Nung nasa principal's office na narinig ko na hinihingan siya ng ebidensya sa nangyari kanina. At nakita ko ung mukha niya na para bang kinabahan at nataranta. Haha. Grabe ang ganda niya. Kung magkaka girlfriend man ako ganito ung tipo ko na babae. Balita ko matalino rin kasi siya.
Naalala ko ung video at binigay ko yun sa principal. At parang mas lalo naman siyang kinabahan. Haha. Hindi niya siguro akalain na meron ako nun.
Pero teka baka naman isipin ng magandang babae na to na iniistalk ko siya kaya may video ako ng kanina.
Ganyan kasi nangyayari sakin sa dati kong school. Ano man gawin ko laging may nakakalat na video. Ultimo pagkain ko ng lunch. Mga babae talaga. -__-
***
Kinabukasan half day lang kame at may activity raw na gagawin sa last subject.
Sayang kalahating araw ko lang makikita ung magandang mukha. Hehehe
Nang matapos na ko sa activity. Niyaya ako ni Chloe na maglunch date. Hanep talaga mga babae. Handang gumastos makadate ka lang. -___- hindi ko siya pinansin dumiretso nako sa locker ko.
Magpapalit sana ko ng jersey shirt dahil tinatamad pakong umuwi at wala naman gagawin sa bahay. Since half day naman maglalaro muna sana ko ng basketball. Dati kasi ako varsity player sa dati kong school. Nakakamiss maglaro.
Ang kaso naiwan ko pla sa kotse ung sapatos ko. Babalikan ko sana ng makita ko si Sabrina naglalakad magisa papuntang faculty room. Isusubmit niya siguro ung mga activity sheet.
Pupunta na sana ako ng kotse ng dalhin ako ng mga paa ko sa ibang direksyon.
Bakit ko sinusundan si Sab? Anak ng tokwa oh. May tama na ba ko?
May nahulog na isang activity sheet. Hinabol ko siya pero since nahihiya akong tawagin siya dahil hindi naman talaga kami naguusap. Kinalabit ko nalang ito.
Pero teka. Sunod sunod pa rin ung paglalakad niya.
Kinalabit ko ulit siya. Lakad pa rin.
Wala bang pakiramdam to?
Nang kalabitin ko uli siya. Humarap naman ito ayun nga lang nakapikit ang mata?
"Lord kung kukunin niyo na po ako wag niyo na po akong ipasundo sa kung ano mang nilalang, ipasagasa niyo nalang po ako ayoko pong mamatay sa takot huhuhu"
Pagkasabi niya nyan nagpipigil ako sa tawa. Ang tapang tapang takot naman pala siya sa dilim. Hahahaha.
Ang ganda pa rin niya kahit natatakot.
Hinatid ko na siya hanggang faculty baka mamaya ma ataki pa to sa takot eh. Sabay kame naglakad hanggang gate.
Habang naglalakad kame sa may school grounds may mga iilang babae ang napansin kong nagbubulong bulungan. Naku eto na naman po. Kaya nga ako umalis sa dati kong school dahil sa mga chismosang mga babae eh.
Napansin ko na parang hindi komportable si Sab kaya hinawakan ko siya sa kamay. Eto ung first time na hahawak ako ng kamay ng isang babae.
Hinawakan ko yun hanggang sa makalabas kame ng gate.
Bago kame naghiwalay nagpasalamat siya sakin na ikinangiti ko bago umalis.
***End of Flashback***
"Hoy senorito!! Lumamig na kape mo bago mo pa nainom!" pag gising sakin ni Anna sa pag daydream ko.
"Ano ka ba yan ung uso ngayon pinapalamig muna kape bago inumin."
"Whatever. Ano ba iniisip mo?" Anna.
"Anong ano?" Zach.
"Omygosh baby Zach! Wag mong sabihing sino?? Sino ang iniisip mo??" excited na tanong niya.
"It's for me to know and for you to find out!" inis ko sakanya. haha. Sigurado kase mangungulit to.
"For real?! May pumupukaw na sa atensyon mo?? I'm so proud of you bestfriend! Ganap ka ng lalaki!!!"
"Hoy Anna! Lalaki ako no gusto mo patunayan ko sayo??"
"Ay leche di kita type no! Hanggang bestfriend lang tayo! Pero di nga. Masaya tlga ko para sayo. For the first time in history may chance ka ng mainlove. Maaalis na rin kasungitan mo. haha"
"Inlove agad? Ayan problema sa mga babae eh assuming agad."
"Dyan kaya nagsisimula ang lahat. Ano pakilala mo siya sakin? Para alam ko naman kung may taste ka o wala. Haha!"
"Tumigil ka nga sa gwapo kong to wala akong taste? Tsk!"
"Aba malay mo naman wala talaga! Hahahaha"
Nasa kalagitnaan ng pagtawa si Anna ng ibigay ung order namin..
"Ahh excuse me po eto na po ung order niyong blueberry waffle."
Familiar ung bosis sakin.
Pagtingin ko..
"Ohh! Hi Zach!"
Ano ba to masyado ko na ata siyang iniisip kaya pati mukha at bosis niya nakikita ko na sa ibang tao.
![](https://img.wattpad.com/cover/18931835-288-k412219.jpg)
BINABASA MO ANG
The Forbidden Love
Teen FictionLove that we cannot have is the one that last the longest, hurts the deepest, and feels the strongest. Find out how Sabrina Chanel will conquer her forbidden love. ♡